"There is hope, even when your brain tells you there isn't." - John Green
Tey;
Kamusta ka? Sana okay ka pa. Sana okay ka lang.
Maraming nangyare sa loob ng ilang araw.
Alam kong apektado ka din sa mga nangyayare. Dahil isa ka sa mga dating estudyante sa Lab High. Pamilya mo sa Lab High yun ih. Pero hindi natin sila madamayan ng as in kase di pa tapos yung proseso. Ang tanging maibibigay ko lang ay supporta at mahigpit na yakap para sa pamilyang palaging nandyan para sayo. Masakit, malungkot at nakakagulat ang mga nangyare pero kailangan natin tanggapin at magpakatatag para sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi man tayo sa Lab High na deploy pero naging malapit sa atin yung mga bata doon dahil lagi naman tayong nasa Lab High. At yung mga gurong nandoon ay mga gurong tumayong magulang natin sa humigi't kumulang labing tatlong tao. Sila yung mga gurong handang pakinggan tayo. Yung mga gurong handa tayong ipaglaban lalo na pag alam nilang nasa tama tayo at na aagrabyado.
Aminin na natin na recently, may mga araw na hindi tayo okay. May mga araw na umaatake yung mental health issues natin. Anxiety, depression, suicidal thoughts. Na lessen yung suicidal thoughts dahil mas naging malapit tayo sa Diyos. You have Jesus in you.
It is okay to feel that way. What you feel is valid. Lahat naman halos tayo dumadaan sa ganyang stage ng bubay. Remember the story of the Suicidal Prophet, Elijah? Let it be a reminder to you always. If kaya ni Elijah, kaya mo din. Start with small and simple steps like how God helped Elijah.
Alam kong alam mo yan kase instead of seeking professional help, you chose to seek help from your Pastors. Spiritual counseling.
I know na hindi ka pa nakaka recover totally. You are healing in silence. You are in the healing process. Alam ko din na may mga instances talaga na ma trigger yung mental health mo. Pero hindi natin maiiwasan yan kaya tatagan mo pa yung loob mo. Alam kong mahirap pero alam ko ding kakayanin mo.
If you need to lessen your baggage, you know what to do. Hindi mo man makausap ng as in yung life lines mo, alam kong alam mo na pwede mo silang i chat at i message para ma-express mo kung ano man yang naiisip mo. Hindi man sila makapag reply agad, still, alam naman natin na mababasa at mababasa nila yun. Nandyan naman sila lagi na handang pakinggan kung ano man yung kailangan natin sabihin at i voice out.
Nandyan naman sila Lalah, Charles, at Shin na life lines mo. Laging naka antabay sayo.
Wag mo ding kakalimutan na nandyan yung mga anak-anak-an mo na handang makinig sayo kapag kailangan mo ng mapagsasabihan ng problema at rants mo sa buhay. Nandyan Yung mga batang handa kang alalayan tulad ng pag alalay mo sa kanila.
xoxo,
Zey
YOU ARE READING
Silent Soliloquies: Inked Untouched
De TodoOo, hindi na uso ang mga hand written letters ngayon. Pero ano ang gagawin mo sa mga unsent letters na para dapat sa mga taong mahal mo, dumating sa buhay mo, mga taong wala na sa mundong ibabaw, taong nasa malayo at mga taong umalis na ng tuluyan s...