22

18 0 0
                                    

"Your future depends on what you do today." - Mahatma Gandhi

To Thea;

Hello mi!

Alam kong sobrang draining na para sayo tong mga nakaraang araw, linggo o buwan na nga ata. Kaya mo pa ba? Kase kung hindi na, pahinga na.

Alam kong iniisip mo na kailangan mo pa tapusin yung events. Kailangan mo pa asikasuhin yung mga bagay na iiwan mo na din pagdating ng panahon. Wala ka ngang nagawa sa termino mo di ba? Di ka pa ba nag sasawang mag linis ng problema ng iba? Ilang beses ka pa bang iiyak dahil sa ginagawa sayo ng iba? Ilang gabi ka pa bang iiyak para lang makatulog? Di ka pa ba nag sasawa? Kase ako, sawa na.

Alam kong alam mo. Kase marami na din ang nagsabi sayo na pumayat ka. Di mo pansin kase kala mo walang nagbago. Pero aaminin ko sayo na bumagsak talaga katawan mo. Ilang sakit pa ba ang kailangan para tumigil ka? Kailangan pa ba umabot sa puntong kusa na lang mag co-collapse katawan mo? Alam kong kinakaya mo pa pero sana pahinga din.

Bumabalik ka nanaman sa dati. Bumabalik nanaman tayo sa dati. Ayoko na bumalik sa dati.

Bumabalik nanaman tayo sa dati. Nagsisimula nanaman tayo magputol ng koneksyon sa mga tao sa paligid. Unti-unti ka nanamang lumalayo sa mga tao sa paligid mo. Unti unti ka nanamang naglalagay ng pader sa pagitan. Hindi naman kita masisisi dahil alam kong pag ang tiwala mo nalamatan, alam ko na ang susunod.

Alam kong mahirap kase may mga tao kang pinagkatiwalaan at pinagsabihan ng kung ano man yung buhay mo. At pinili ng mga taong yun nasaksakin ka sa likod. Mahirap pero ganun talaga ang buhay ih. Kailangan nating tanggapin.

I guess we are better off with just us, Shin, and your closest love ones.

Konting tiis na lang. Pagka graduate natin matutupad na yung matagal ng naka plano bago pa man ibigay sa atin yung call for nations natin. Makakasama na natin yung mga taong pinipilit na ilayo sa atin pero kahit kelan hindi tayo iniwan.

Tandaan mo na kaya ka nandyan para tapusin yung bagay na dapat mong tapusin. Para maisagawa nyo na yung matagal ng naka plano. Yung plano na tatlong tao lang ang nakakaalam kung ano at saan.

xoxo,

Ateyah

Silent Soliloquies: Inked UntouchedWhere stories live. Discover now