PROLOGUE

6.8K 110 1
                                    

PROLOGUE

“Raizer... please don’t...” naiiyak na sambit ko at mahigpit ko siyang niyakap.

“Just let me, Quinna. We are too young and I know baka may iba pa tayong makikilala at mamahalin kapag pinakawalan natin ang isa’t isa. Hayaan mo na lang akot umalis and this is my dream, sweetheart, please...”

Dámn it, dámn his dream! Hindi ba ako kasama sa mga pangarap niya?!

“P-Paano naman ako, Raizer? Tayo? I thought you love me?” Nakaiiyak talaga, ang sakit sa puso dahil sa desisyon niyang iiwan na niya ako.

“Quinna, mahal naman kita. Mahal na mahal kita pero mas mahal ko ang pangarap ko. I need to go... Just let me go, please...” sabi niya at hinawakan ko siya sa may braso niya.

“Don’t leave please, please Raizer... Don’y... I-I can’t live without you please, sweetheart...” pagmamakaawa ko pa rin sa kanya. Parang pinipiga ng malaking kamay ang puso ko dahil sa sobrang sakit nito.

He took a deep breath. “Kaya nga ayoko ng magpaalam pa sa ’yo eh. Ganito lang ang gagawin mo. Let’s break up, Quinna. Masasaktan ka lang kung hindi tayo maghihiwalay.” A-Ano ? Iiwan niya ako tapos makikipaghiwalay pa siya sa akin? Bakit ang hilig niyang saktan ako? Mahal ko siya, eh. Mahal na mahal ko siya...

“No! No Raizer, no way! S-Sige na...hahayaan na lang kitang umalis b-basta huwag na tayong maghiwalay, sweetheart... Payag na ako, please...” Niyakap ko siya nang mahigpit sa takot na aalis na siya at iiwan na niya ako rito. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at marahan akong tinulak.

“My decision is final Quinna, mas mabuti pang maghiwalay na tayo. Matalino ka, Quinna at pangarap mo ring maging doctor, ’di ba?
At ako naman ay maging isang sikat na singer. Just concentrate with your studies. Hayaan mo na lamang ako...” Bakit ganoon na lamang niya ako kung bitawan? Bakit ganoon lang?! For God’s sake apat na taon. Apat na taon kaming magkasintahan pero ganoon na lang talaga iyon?! Hindi niya ba alam na ako ang mas nasasaktan sa ginagawa niya? Dahil parang...h-hindi naman niya ako mahal, eh.

Parang nadudurog ang puso ko nang makita kong nagsisimula na siya sa paglalakad.

“Okay lang... O-Okay lang kung iiwan mo ako, Raizer. But I’m willing to wait for you, Raizer... Bumalik ka, ha?” I said, and he stopped then face me.

“No, don’t wait for me, Quinna. Makakahanap ka pa rin ng lalaki na para talaga sa ’yo. Don’t wait for me, sweetheart,” aniya at naglakad na ulit siya papalayo sa akin.

“I swear, kapag bumalik ka pa ay hinding-hindi na kita kakausapin at papansinin pa kung ayaw mo akong maghintay sa ’yo!” pagbabanta ko sa kanya, but he just ignored me at naglakad lang siya.

Tuluyan na nga akong napaluhod sa sahig at humagulgol. Ang sakit sa puso, ang sakit-sakit. Bakit ganoon? Bakit Raizer?

Ganito ba ang pagmamahal mo sa akin? Ganito ba at sobrang hirap at sakit naman?
Ang sakit... Ang bigat sa dibdib.

I am Quinna Amera Nandezo, 27 years old and a Surgeon doctor. This is my story...

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon