CHAPTER 21

3.4K 57 1
                                    

Chapter 21: Stay

“HERE,” he said. Inalalayan pa niya akong uminom ng tubig. “You okay? Quinna... Hindi ko gusto ang makita kang nagkakaganoon. Wala bang paraan para gumaling ka?” tanong niya. Ramdam na ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala sa akin.

“Paano kung sasabihin ko sa ’yo na wala na?” tanong ko sa kanya pabalik at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya.

“Kung hindi magagawan ng paraan ng mga doctor ang ganyan na... Dadalhin na lang kita sa ibang bansa para magpagamot,” sabi niya at umupo pa siya sa tabi ko. Kinuha niya ang wala ng laman na baso at ibinaba iyon sa table.

Sinapo niya ang pisngi ko. Visible sa mga mata niya ang pag-aalala. “Hindi naman ako sasama sa ’yo, kahit pilitin mo pa ako,” walang emosyon na sabi ko. Nag-iwas ako nang tingin sa kanya nang makita ko ang pagdaan ng lungkot sa mukha niya.

Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Hindi ba mas higit pa ang ginawa niya sa akin noon, ’di ba? Kaya bakit parang siya pa itong mas kawawa sa aming dalawa?

Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko at tumayo na rin ako. “Quinna, I’m sorry... P-Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko sa ’yo noon... I-I’m sorry kung n-nakalimutan kita...” Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

“Hindi na mahalaga iyon. Ano pa nga ba ang magagawa ko?” tanong ko at narinig ko ang sunod-sunod na foodtrip niya palapit sa kinaroroonan ko.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko. “Isa lang ang sigurado ako, Quinna... N-Nawala man ang alaala ko ay...alam kong hindi pa rin nagbago ang pagmamahal ko sa ’yo... Alam kong ikaw pa rin ang minahal ko simula noon at hanggang ngayon...” mahinang sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa baywang ko.

I took a deep breath at nang sinubukan kong tanggalin ito ay hinigpitan niya lamang iyon.

“Raizer...”

“I love you... I love you, so much, Quinna... H-Huwag mo naman akong iwan, please...” sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Hindi naman ako aalis, ah. Hindi ko naman siya iiwan... Geez. Ano ba itong pinagsasabi ko?

“Where’s your Mom, kids?” Boses iyon ni Pearls.

“Ninang Aurora!”

“Nasa kitchen po, Ninang!”

Kusa na niya akong binitawan at lumabas na ako mula sa kusina. Para tingnan si Pearls.

“Pearls... What are you doing here?” tanong ko. Nalaman niya agad kung saan ako dinala ni Raizer? Bakit nagtaka pa ako?

“Sa akin ka muna titira, Amera. Nagpaalam naman na ako sa mga inaanak ko. Let’s go,” she said at hinawakan niya ang kamay ko. Nalilito pa ako na kung bakit gusto niya akong dalhin sa kung saan. Pero nagpatianod na lamang ako sa kanya.

“Aurora, please no... I can take care of her!” natatarantang sigaw naman ni Raizer at bigla niya ring hinawakan ang isang kamay ko saka niya ako hinila. Nabitawan ako agad ni Pearls at malamig na tiningnan pa niya si Raizer.

“No. Isasama ko si Amera. Sa akin na muna siya, Sanchez,” malamig na saad ng best friend ko.

“Please... H-Huwag mo na siyang ilayo sa amin... Ako na... Ako na ang bahala sa kanya, Aurora. Pumayag ka naman na isama ko siya pabalik sa Manila, ’di ba?”

“Sanchez, yes nag-agree ako sa ’yo na isama si Amera and I told you na hindi siya puwedeng makita ng Mommy mo. But what did you do? Hindi lang naman ang Mommy mo ang nakakita sa kanya, pati na ang fiancé mo.”

“Wala akong fiancé, Aurora. H-Hindi ko lang inaasahan na darating si Mommy at kung nalaman ko lang ng mas maaga ay sana...hindi nila nalaman ang tungkol kay Quinna... Please, let her stay here with us... I can take care of her... Promise hindi na mauulit ang kanina... Aurora...” nagmamakaawang sambit niya kay Pearls. Nanlalambot ang puso ko dahil sa ginagawa niya ngayon. Halos lumuhod na rin siya para lamang pakiusapan niya ito.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon