CHAPTER 25

3.4K 47 0
                                    

Chapter 25: Marriage proposal

IYONG second chance raw ay para lang sa mga taong deserving na pagbibigyan. Tama nga iyon at sa tingin ko naman ay hindi ako nagkamali na bigyan ko ng second chance si Raizer. Kasi alam ko na babawi lang siya sa amin at patutunayan ang pagmamahal niya sa amin ng mga anak niya.

Hindi matatawag na isang marupok na tao ang magbigay ng isa pang pagkakataon sa taong nanakit sa ’yo. Kahit grabe iyong pasakit na ibinigay nila sa ’yo. Nagsisisi rin naman ang mga tao kahit huli na masyado.

Si Raizer, hindi lang siya ex-boyfriend ko. Ama siya ng mga anak ko at kung hindi ko siya hahayaan na makapasok ulit sa buhay naming mag-iina ay ang triplets namin ang magdurusa. Lumalaki na silang tatlo at hindi ko naman ipagkakait sa kanila ang kompletong pamilya.

Nakita ko naman ang mga effort ni Raizer at deserving nga siya para bigyan ng second chance.

Lumipas ang ilang buwan at paunti-unti ay nagagamot ang syncope ko. Dahil na rin sa tsaga ni Raizer na samahan ako kahit busy siya sa film nila. Inuuna niya palagi ang kalagayan ko at talaga namang ipinakita niya sa akin na deserving nga siya.

Hindi nga lang maganda ang unang tagpo nila ng doctor ko, slash my close friend dahil tinawag ako nitong ‘sweetheart’ na endearment sa akin ni Raizer dati at hanggang ngayon. Ganoon din naman ang tawag ko sa kanya dati, ang kaso ay hindi na ngayon.

***

“Do I need to come sa concert niyo?” tanong ko sa kanya habang nag-aayos na ako ng buhok ko.

Caramel off-shoulder dress ang suot ko. Umabot lang hanggang tuhod ko ang haba nito and my block heels. Ready na rin ang pouch ko.

“Last concert namin iyon kasama ang buong miyembro ng Miracles, Quinna. Dapat nandoon ka rin. Dapat mo nga akong suportahan, ’di ba?”

“Bakit ba naging last concert na niyo?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Nakapag-usap na kami ng Miracles. May papalit na sa amin, second generation.” Napatango na lamang ako. Naglakad siya palapit sa akin at dahil nakaharap ako sa salamin ay pumuwesto lang siya sa likuran ko.

Napangiti ako nang yumakap siya sa akin at pumulupot agad ang mga braso niya sa baywang ko. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan ko siya sa salamin.

“Ang triplets?” tanong ko.

“Nasa baba na. Handa na rin sila.”

“Baka mamaya niyan ay si Quinne lang ang mas excited sa concert niyo. Siya lang ang may gusto sa music. Si Jacky? Nah, mabilis siyang mainip. Si Jecky... Hmm, tingnan natin,” sabi ko at natawa siya.

“Malalaman natin mamaya ang reaction ng dalawa. Kilala ko na si Quinne, siya yata mas suportado sa akin, eh,” he said.

“Sinusuportahan naman kita, ah,” ani ko.

“Yes, alam ko naman iyan. Pero ang sabi sa akin ni Quinne ay ayaw na ayaw mo noon sa music. Maski nga siya ay pinagbawalan mo na,” sabi niya.

“Ang daldal talaga ng anak mong babae, ’no?” He chuckled softly.

“Let her be. Nag-iisang prinsesa lang natin siya.”

“Bumaba na tayo,” pag-aaya ko sa kanya. Hinalikan pa niya ang balikat ko saka niya hinawakan ang kamay ko.

Hindi na nga nanggulo sa amin ang Mommy ni Raizer. Dahil guilty rin naman siya sa ginawa niya at sincere siya sa paghingi ng paumanhin sa amin. Hindi lang kami nakakapag-usap dahil nandoon pa rin talaga ang masungit na aura niya. May mga pagkakataon pa nga ay pagtataasan ako ng kilay pero siguro iyon na lamang ang nagagawa niya.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon