CHAPTER 1

5.8K 115 2
                                    

CHAPTER 1: Stubborn kid

RAIZER JACK SANCHEZ’s POV

“Hello, Sir. What do you want to preferre, apple juice or manggo Juice?” narinig kong sambit ng isang babae na may malambing na boses. Npatingin ako sa isang flight attendant na nasa tabi ko na pala nakatayo.

“No, thanks,” sabi ko at pumikit lang.

Napaigtad naman ako nang makarinig ako nang malakas na kalabog sa kung saan. Gulat na napatingin ako sa direksyon nang ingay na iyon. Kahit pareho kaming lulan ng eroplano ay magagawa pa rin talaga nila ang ganoong klaseng ingay.

“Hey, kid. What have you done?” naiinis na bulyaw ng flight attendant sa batang lalaki. Nahulog or should I say nabangga siguro ng bata iyong whatever she served. Pss.

“Oh, nothing. Miss short skirt,” narinig kong sabi lang ng bata sa kanya. Ang lamig pa ng boses niya at sa narinig ko ay bigla naman akong nakaramdam ng panlalamig at bumilis din ang tibok ng puso.

Tiningnan ko ang batang lalaki na nakatayo at walang emosyon na nakatingin din sa flight attendant. He’s wearing a blue T-shirt with white short pants and blue rubbershoes.
Cool. I’m really sure na kapag magbibinata na ito ay maraming mahuhumaling sa bata.

“Staring is rude, buddy.”
Napakurap-kurap pa ako nang tumingin siya sa akin at ako pa ang sinabihan niya ng ganoon.

What the hèll! Parang nakikita ko lang sa kanya ang little boy version ko, ah. Shet iyong mukha ko pa noong bata pa ako ay ganitong-ganito ang hitsura ko at walang duda iyon.

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa puso ko, tumitibok na kasi talaga nang mabilis at parang nahihirapan pa akong huminga. Sumikip bigla ang dibdib ko, eh. What the hèll happened to myself?!

“Where’s your Mom, kid?” tanong ulit ng flight attendant at sa boses niya ay nagtitimpi lang talaga siya sa batang kausap niya.

“And why are you asking me if where is my Mom, Miss hort skirt?” balewalang tanong naman ng bata at talaga namang walang manners, ah.

“Ang tabas ng dila mo, ah!” naiinis na sambit ng babae sa kanya. Maski yata ako ay sasakit ang ulo ko kapag ganitong bata ang kausap ko.

“Don’t care.” Pero bakit ang cool ng bata?

“Halika rito bata, dapat turuan ka ng leksyon!” mahina pero pasigaw na sabi ng babae.
Buti natutulog ang ibang pasahero, eh.

“Don’t touch me and excuse me, you’re not my Mom, Miss short skirt---no crop that! Miss maid,” pang-aasar pa ng bata at gusto ko tuloy matawa sa pinagsasabi niya.

“Ano’ng katulong? Hindi ako katulong bata!” Tsk, bakit ba nakikipagtalo pa siya sa bata? Eh, alam naman niya na babarahin lamang siya nito.

“Oh, you’re not? You’re not katulong? What do you call to others?” tanong nito at itinuro niya ang ibang flight attendant na kasalukuyang sini-serve ang mga pasahero. “Just like you, they are serving the passenger, isn't it? And they’re asking if what we are preferred to drink or eat and oh, with a flirting voice. You know what, girl? Mas mabuti pang mag-serve ka na lang sa bahay ninyo kaysa maging katulong sa airplane,” pang-aasar pa ng bata at tumawa rin siya.

“You.” Mukhang nainis na nga ang babae at pulang-pula na ang mukha niya.

“Yes? If you don’t mind. Aalis na ako,” paalam pa niya at sabay na naglakad na papalayo pero inilabas pa niya ang dila niya to annoy the girl.

I'm so shocked...

I can’t help but smile, nakamamangha ang batang iyon. Inisin ba naman ang flight attendant. Tsk. Tsk. Sigurado ako na sakit sa ulo ng mga magulang niya iyon.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang maramdaman kong tumayo si Jersyn. “Where are you going, dude?” tanong ko sa kanya. Siya kasi ang katabi kong nakaupo.

“Comfort room, sama ka, dude?” nakangising tanong niya sa akin at sinamaan ko siya nang tingin.

“Pss, no thanks,” malamig na sabi ko at pumikit na lang ulit ako.

Raizer Jack Sanchez is the name, 31 years of age. I’m a famous singer and at the same time one of the owner of Miracles Entertainment. Apat kami sa grupo ng bago pa lamang kami. Sina Jersyn, Mazeke at Milley. We stayed at New York but we moved at the Canada after that. Our band group name. The Miracles.

Naramdaman ko naman ulit na may umupo na sa tabi ko ang bilis naman yata. “You’re so fast, dude ah,” nakapikit na sambit ko pero hindi naman siya kumibo pa. Hayaan na nga siya. Mayamaya lang ay nagsalita na siya.

“Hey, little boy this is my place.” Little boy?
Napadilat ako bigla at tiningnan ko ang batang tinutukoy ni Jersyn at prenteng nakaupo nga ang batang kinakausap niya.

Teka lang, iyong batang lalaki kanina ’to, eh.

“So? Find the vacant seat, buddy,” walang emosyon na sambit nito at hindi ito nakatingin kay Jersyn. Isa sa kinaiinisan ni Jersyn ay iyong may kausap siya na hindi naman nakatingin nang diretso sa mga mata niya. Kahit matanda at bata pa iyan ay papatulan ng gágo.

“Bastos na bata,” naiinis na sambit ni Jersyn.

“What? Binastos po ba kita? Zees... At bakit mo ba ako pinapaalis, ha?” This time he met his gazed. Kita kong nagulat pa si Jersyn at tumingin sa akin.

“Anak mo ba ’yan, dude?” Ano raw? Ako ba ang tinatanong niya?

“What are you talking about? Kailan pa ako nagkaanak, ha?” inis kong tanong sa kanya, tsk.

“Look, little boy version mo yang batang iyan,” aniya at sabay turo sa bata na wala yatang pakialam sa paligid. Hawak niya kasi...

“That’s my phone, little boy,” sabi ko, tiningnan niya ako pero binalik ulit ang tingin sa phone ko.

“Ano’ng nangyayari rito, dude?” Sulpot naman ni Milley.

“Iyong bata,” ani Jersyn.

“Ano’ng mayroon sa----whoa! Anak mo ba iyan, dude?” Isa pa ito, eh.

“Whatever,” sabi ko na lamang.

“Nose, eyes, eyebrows, ears, cheeks, lips, shape of his head. Dámn man! Parang carbon copy mo lang ang batang iyan, ah.” Gulat na sambit naman ni Mazeke. Hayst. Huwag nila akong guluhin.

“Hey, stubborn kid! Umalis ka na nga riyan. Back to your seat, okay?” I told him.

“Don’t want,” balewalang sambit niya.

“His attitude is same as you dude,” natatawang sabi naman ni Milley. Gusto ko tuloy siyang batukan, eh.

“Come on, little boy. Umalis ka na. Ako ang nakaupo riyan, eh,” naiinis na sabi ni Jersyn.

“Tsk, ako po kaya ang nakaupo rito, eh. Bakit po ba kasi umalis ka tapos babalik ka naman? You know what, may kasabihan po ako. Hindi po lahat ng iniiwan ay may babalikan pa o hindi lahat ng bagay na naiwan ay puwede nang balikan pa kung kailan niya gusto. Remember, ’yong mga iniiwan natin ay nagbabago. Kaya ikaw, huwag mong iiwan ang upuan mo, ha? Baka kasi may nagmamay-ari na.”

What the hèll is that? Bakit yata natamaan ako sa mga sinasabi niya? Na hindi ko alam kung bakit ko ba ito naramdaman na parang may iniwan ako? Weird.

“Nasaan ba ang nanay mo, bata?” Mazeke asked him.

“Bakit po ba lahat na lang ay hinahanap ang Mommy ko?” naiinis na sambit niya.

“What the fvck!" mura bigla ni Jersyn at tiningnan ko siya ng masama. Kita na niya na may bata, eh pss.

“You have a bad mouth, Mister what-the-fvck same with your piggy face. Oh, I’ll go na nga,” he said at sabay na takbo ng bata.

“What the hèll!” sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko at mahinang natawa na lamang ako sa naging reaction nila. Nagulat naman kami nang bumalik siya.

“I forgot! You can see me at the billboard if the airplane landing at the airport. I have a picture there. Chao, froglets!” Sabay-sabay na nalaglag ang mga panga namin dahil sa tinawag niya sa amin, oo baka kasama rin ako.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon