CHAPTER 18

3.3K 52 0
                                    

Chapter 18: Amera

“CHEERS!” sabay-sabay na itinaas namin ang wine glass at ininum ang laman nito.

Maingay sa paligid dahil sa malakas na tugtog ng DJ at ang sigawan at tawanan ng mga customer na nagsasayaw sa dance floor.

“Whoa! Ang tapang nang lasa nito!” komento ni Mazeke.

“So, kumusta Raizer?” tanong sa akin ni Jersyn.

“Never been better,” wala sa sariling sagot ko at tumawa naman siya.

“Seriously, bro? Try to move on kasi minsan,” suhestiyon naman ni Miles. Hindi naman ganoon kadali ang mag-move on. Kung alam mo rin na kasalanan mo.

“It’s hard,” sambit ko at naramdaman ko na tinapik ni Miles ang balikat ko.

“Subukan mo pa rin.”

“If I will trying to move on, does it mean ay kakalimutan ko na talaga siya? No way! Sobrang nasaktan ko siya noong iniwan ko siya noon tapos kalilimutan ko nga siya and then now? No way to hèll,” sambit ko at tumayo ako. .

“Raizer! Where are you going?!”

“We’re still drinking, bro!”

“Let him go, he need to be alone, again...”

Naglakad lang ako patungo sa exit at nang tuluyan na nga akong nakalabas ay umupo ako sa isang sulok.

“Quinna...sweetheart... Where are you, love? Magpakita ka naman sa akin, oh! Alam ko naman na...buhay ka pa, sweetheart... love...” Heto na naman ako umiiyak na naman ako. Palagi na lang eh... Bakit ba kasi ang bilis nang pangyayaring iyon? Ni hindi pa ako nakakapagpaliwanag sa kanya ay bigla na lamang siya mawawala? “Quinna...”

“Minsan kasi kausapin mo muna ang tao at magplano kayo ng maayos. Hindi iyong ikaw lang ang nagpaplano sa lahat, kaya hayan bye-bye agad.” Napaigtad ako sa gulat nang may biglang nagsalita at umupo sa tabi ko.

“W-What the fvck?! You scared me!” sigaw ko at narinig ko ang tawa niya.

“Funny, eh? Long time no see, Sanchez. Kumusta ang mga inaanak ko?” tanong niya sa akin at napakunot-noo naman ako. Man makilala ko na kung sino ang babaeng bigla na lamang sumulpot.

“Same to you, where have you been? You know, he’s looking for you,” sambit ko at ngumiti siya sa akin nang mapait.

“Somewhere far away from him? Sometimes we need to be alone, lalo na kung sobra na tayong nasasaktan. We need to be selfish muna,” malamig na sambit niya.

Nalaman ko ang nangyari sa kanya a year ago, and I know she was in pain. Sobra-sobra rin siyang nasaktan at nag-give up din siya.

“For what? Being alone is fvcking hard you know,” I said.

“Uh-huh, but at least nakapagpahinga tayo. So, kumusta ka? Ang triplets? You need a mother? What if I  volunteered to be your wife?”
natatawang sambit niya. Alam kong nagbibiro lamang siya.

“Funny? You have twins and a husband who waited for you. Just go home. Matuto ka ring magpatawad sa taong naging tangá rin sa pag-ibig,” sambit ko na parang may pinaghuhugutan pa.

“And how about you? Do you think she can forgive you, knowing that you left her?” makahulugang tanong niya at mabilis na napatingin ako sa kanya.

“Tell me, may alam ka ba?”

“What if, I’ll say yes? Do you think I’m going to tell you the truth, Sanchez?” Kinikilabutan talaga ako sa malamig niyang boses. No doubt that she’s dangerous, a ruthless and powerful business woman.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon