CHAPTER 20

3.6K 58 2
                                    

Chapter 20: Incident

“RAIZER, isang taon ang ibinigay ko sa ’yo kaya ngayon sumang-ayon ka na lamang sa inuutos namin sa ’yo. Pakakasalan mo si Myrah as soon as possible. Bigyan mo na ng ina ang mga anak mo. Pàtay na ang Mommy nila.”

“No! You’re a liar, Grandmommy! My Mom is alive!” sigaw ni Jacky at bago pa man siya makalapit sa lola niya ay mabilis ko na siyang binuhat para ilayo roon.

“No, son... Don’t do that...”

“She’s such a liar, Dad! Nandiyan pa ang Mommy ko! Hindi po ba?!” sabi nito na sinabayan pa nang malakas na pag-iyak. Hindi lang naman ito ang unang beses na nangyari sa kanya.

Sa tuwing sinasabi ng lahat na wala na ang Mommy nila ay umiiyak siya. Siya ang mas nasasaktan sa tuwing may nagsasabi no’n.

Siya na batang kilala ko na pinakamakulit at mahilig magpaiyak sa Ate Quinne niya, pati si Jecky ay hindi niya rin tinatantanan pero siya pala talaga ang mas iyakin. Siya ang mas malapit sa Mommy niya.

“I know, son... I know that... Calm down, okay? Huwag ka nang umiyak,” pag-aalo ko at pinunasan ko ang mga luha niya.

Tiningnan ko naman si Mommy at hindi na maipinta pa ang mukha niya. Siguro ay hindi na naman niya nagustuhan ang inasal ng apo niya. “Wala na nga talagang manners ang isa mong anak, Raizer. Kaya dapat pakasalan mo na si Myrah.”

“Mom, alam ko na may kinalaman ka sa nangyari sa Mommy nila. Alam ko...alam ko na sinadya mong dukuton ang Papa ni Quinna,” malamig na sabi ko.

“Sino ka para pagbintangan mo ako ng ganyan, ha?! Ganyan ba kita pinalaki?!” sigaw nito sa akin.

Dahil naman sa pagsigaw ni Mommy ay bigla na lamang umiyak si Quinne. Nilapitan ko siya at agad siyang yumakap sa akin. Nagtago naman sa likod ko si Jacky pero hindi rin siya tumitigil sa pag-iyak.

“D-Daddy...”

“It’s okay, honey. Daddy is here... Mom, umalis na po kayo. Tinatakot ninyo lang po ang mga anak ko,” malamig na sabi ko.

“Hindi kita titigilan, Raizer. Kung ayaw mong may mangyari ng hindi maganda sa mga anak mo ay sumunod ka na lamang sa akin,” banta pa niya at akma na akong magsasalita nang may sumabat na agad sa usapan namin.

“Pinagbabantaan mo ba ang mga anak ko, Madame Sanchez?” malamig na tanong ni Quinna at matapang na hinarap niya ang aking ina.

Natakot naman ako dahil bigla siyang sumulpot at nagpakita kay Mommy. Ang bilin sa akin ni Aurora ay huwag ko munang ilalabas si Quinna at hindi siya puwedeng makita ni Mommy pero ngayon...

“I-Ikaw...”

Naglakad palapit sa amin si Quinna at kumalas naman sa akin ang anak namin para salubungin siya.

“Wala kang karapatan na diktahan ang buhay ng isang tao kahit na ikaw pa ang nagsilang sa kanya, Madame Sanchez. Masyado ka ng maraming ginawang hindi kaaya-aya at baka kahit sa impyerno ay hindi ka na tatanggapin,” malamig na sabi pa niya at kinakalaban niya na nga si Mommy.

“Quinna...” I uttered her name.

Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko. “Madame Sanchez, hindi po magpapakasal ang anak ninyo sa kasama mong babae na ginagawa mo lang din na laruan. Hindi mo naman talaga siya gusto, eh. Ayaw mo lang talaga ako na makalapit pa sa anak mo dahil alam mo... Darating talaga ang panahon na sa akin pa rin siya lalapit, tama po ako, ’di ba?”

“Ano’ng pinagsasabi mo riyan? Bakit nag-iimbento ka lang ng isang kasinungalingan?!”

Sinulyapan naman ako ni Quinna at may gustong ipahiwatig ang bawat tingin niya sa akin. Umiling ako nang maintindihan ko iyon.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon