CHAPTER 15

3.4K 55 4
                                    

CHAPTER 15: His plan

RAIZER JACK’S POV

“RAIZER! Raizer saan ka pupunta?” tanong sa akin ng isang babae, ngunit hindi ko makita ang mukha niya. Songs labo para makita ko pa siya. Hindi ko lang alam kung bakit.

“Uuwi ako sa Pilipinas,” sambit ko.

“What?! Are you insane?! Hindi ka babalik doon!” sigaw niya sa akin kaya hindi na ako nakapagtimpi pa.

“Who do you think you are?! You’re just nothing to me, bítch! Wala kang karapatan para hadlangan ako!” sigaw ko sa kanya. Sino ba siya? Sino ba siya para sabihin sa akin iyon?

“Do you think ba ay hahayaan ka na ng Mommy mo na umuwi ka na sa Pilipinas? You need to stay here!” sigaw niya at dahil sa inis ko ay agad na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.

Wala akong pakialam kung babae siya at masaktan ko pa. Naiinis na nagagalit lang ako sa kanya.

“This is your fault, Catherina! This is your fault, kaya ako nandito ngayon! Kaya naiwan ko roon ang babaeng mahal na mahal ko. Nang dahil iyon sa ’yo!” sigaw ko at ramdam na ramdam ko ang paglabas ng ugat sa leeg ko.

Ang babaeng mahal na mahal ko...

Ang babaeng mahal na mahal ko...

Ang babaeng mahal na mahal ko...

Ang babaeng mahal na mahal ko...

Sandali lang...

“Daddy! Daddy! Daddy, wake up!” Napabalikwas ako nang bangon at habol-habol ko ang hininga ko.

“What the fvck is that?” mura ko at sinapo ko ang ulo kong kumikirot.

Anong klaseng panaginip naman ’yon? Ang babaeng mahal na mahal ko? I-Iniwan ko? Teka lang, sino? Sino naman iyon?

“Daddy!” Nanigas naman ako nang makita ko ang mukha ni Jecky.

“J-Jecky? Ano’ng ginagawa mo rito?” naguguluhan kong tanong at naalala ko naman ang nangyari kanina.

Daddy... Talaga bang anak ko siya? Totoo ba ang sinabi kanina ni Mommy? Ang triplets na ito.

“Daddy, kailangan ka po ni Mommy...” nakikiusap na sabi niya sa akin. Mommy?

Hindi ba si Quinna ang Mommy nila? At totoong...anak namin sila? Shet, naguguluhan ako. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong malaman ang lahat. Kung ano ba talaga ang nangyayari at bakit masyado na ring magulo?

“A-Anak ba talaga kita, Jecky?” sa halip ay tanong ko sa kanya.

“O-Opo. Iyon po ang...sabi sa akin ni Mommy,” sagot niya at yumuko pa. Parang nahihiya pa siyang sabihin iyon sa akin.

“What? Sinabi talaga iyon ng Mommy mo? Na ako talaga ang Daddy ninyo? Pero bakit...bakit wala naman siyang sinasabi sa akin?”

“Noong pumunta po kayo sa bahay namin ay kinausap ko po ang Mommy ko. Na kung kayo po ba ang Daddy namin and Mom telling the truth,” he said.

But why? Bakit hindi sinabi sa akin ni Quinna? Bakit nilihim niya ito sa akin? Ano ba talaga? Balak niya bang itago sa akin ang mga anak ko?

Kaya naman pala... Kaya naman pala iba ang nararamdaman ko para sa mga bata na ito. Iyon pala... Fvck...

Mataman ko namang tinitigan ang mukha nya. Kaya ganoon din ang naging reaksyon ng mga kaibigan ko noong nakita nila si Jacky. Hinawakan ko ang mukha niya. Naluluhang niyakap ko si Jecky.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon