CHAPTER 3

5K 88 0
                                    

CHAPTER 3:MEET AGAIN

QUINNA AMERA NANDEZO’s POV

“SUSUNDUIN mo na ang mga apo ko, anak?” tanong sa akin ni Papa at tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Nag-uusap kami over the phone.

“Yes po, Papa. I’m already here na nga po, eh,” sabi ko, pinark ko sa gilid ang kotse ko at siya namang pag-andar ng itim na ban na iyon.

Bumaba na ako agad para hanapin sila sa loob. Alam ko naman na naghihintay na sila sa akin at hindi sila aalis agad kung wala ng signal ko.

Habang naglalakad naman ako ay may bata agad ang sumalubong sa akin.

“BOO!” biglang sigaw ng maliit na boses mula sa likuran ko at hinawakan pa ako nito sa baywang ko at pinulupot niya rin ang mga maliliit na binti niya sa paa ko. Napabuntong-hininga na lamang ako, mabuti na lang ay sanay na sanay na ako sa panggugulat ng anak ko.

“Jacky Merre,” sambit ko sa pangalan niya.

“I really hate when someone call me by my name and worst sobrang bad ng second name ko po, Mom. Gross!” reklamo niya at bumitaw na sa akin.

“My son, the gross is a bad word,” sabi ko at lumevel sa kanya. Niyakap naman niya ako and I hug him back.

“Miss me, Mommy?” nakangiting tanong niya sa akin.

“Yes, of course. I miss my stubborn and ang pinakamakulit na anak ko,” nakangiting sagot ko.

“Aigoo... Pss, and I missed you too po, Mommy ko,” malambing na sabi niya at hinalikan ang pisngi ko. Napangiti ako sa ginawa niya at binuhat ko na siya pero napangiwi ako.

“Wew! Ang bigat na ng baby ko,” natatawang sabi ko. Bumungisngis lang siya at tuwang-tuwa pa talaga siya.

“Where’s your ate and kuya?” tanong ko.

“There, Mom!” sabay turo niya sa kinaroroonan nina Jecky.

Naglakad ako palapit sa kanila. Nakaupo ang panganay kong si Jecky Merro habang nagbabasa na naman siya ng libro niya, si Jecky ay seryosong bata, tahimik at minsan lang kasi iyan magsalita at mailap sa mga tao. Matalino at suplado. Si Quinne Zerra naman ang pangalawang anak ko, naka-earphones na naman siya? I’m sure na nakikinig ito ng music.

She know I hate music so much, kaya pinagbabawalan ko siyang bumili ng mga CD at album ng favorite singer niya. Si Quinne ay iyakin talaga siya. Kung ano ang gusto niyang mga bagay ay dapat maibibigay mo sa kanya agad pero madali naman siyang magsawa. Si Quinne ay madali rin siyang magselos kung kayakap ko ang dalawang kapatid niya.

Nagtatampo kung minsan at hindi mo basta-basta mahahawakan iyan. Sensitive ang nag-iisang anak kong babae. Gugulatin mo lang o kukubitin ay iiyak siya agad. Pero mabait at sweet naman siya.

Si Jacky Merre naman ang bunso ko, pasaway, makulit, energetic, at minsan sakit sa ulo. Makikita mo na lang siya na may bata na siyang paiiyakin. Kung matanda naman ay babatukan, aasarin at papaluin ng mga bagay na hawak niya. Hindi naman siya nananakit ng pisikal. Basta isang katok lang at maraming aasarin okay na siya.

He loves dog and cat pero ayokong mag-alaga siya no’n kaya hindi ko siya binilhan ng pets. Iyong last time kasi ay hinagisan niya ng pusa ang Ate Quinne niya kaya iyak naman nang iyak ang kapatid niya.

Si Jecky lang naman ang inaasar niya na hindi siya pinapansin. Kasi kung papatulan siya ng kuya niya ay tatawa lang siya at mas lalo pa siyang mang-aasar sa kapatid. Suplado minsan mabait pero sweet naman. At si Jacky ang mas binabantayan ko hindi dahil sa pasaway siya kundi basta gusto ko lang na siya ang mas bantayan ko dahil bunsong anak ko siya.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon