CHAPTER 8

3.5K 73 1
                                    

CHAPTER 8: Quinne the fan girl

QUINNA AMERA’ POV

NAPAIWAS ako nang tingin kay Raizer, hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko. Parang ganito rin ang naramdaman ko nang umalis siya at iniwan ako sa ere. Pero parang mas masakit yata ang nararamdaman ko ngayon. Bakit? Why I felt this hurt? May nararamdaman pa ba ako sa kanya? Mahal ko pa ba siya?

Oo masakit, masakit noong nalaman ko na wala siyang maalala. Masakit dahil nakalimutan na niya ako, masakit dahil hindi na niya maalala pa ang ginawa niya sa akin. Ang pang-iiwan niya sa akin, masakit na hindi niya maalala na mas pinili pa niya ang pangarap niya kaysa sa akin.

Hindi naman ako hahadlang sa pangarap niya. He talk to me about his dream at kailangan niya raw umalis ng bansa, I let him go because that’s what he want but doesn’t mean na maghihiwalay nakami. Pero naisip ko na ako pala ang mas mahihirapan kaya pinigilan ko siya, pinigilan ko siya na huwag na siyang tumuloy pa. Alam kong makasarili ang ginawa ko, pero wala,eh. Mahal ko siya noon at ayoko lang naman na hindi siya makasama dahil nasanay na ako nandiyan siya sa tabi ko. But because sa ginawa ko ay nakipaghiwalay siya sa akin.

Sana pala hindi ko na siya pinigilan dati, kaya sana kami pa siguro ngayon. Siguro nga ay masayang pamilya na kami ngayon?

Naramdaman ko na parang may mga matang nakatingin sa akin. Nilingon ko naman si Madam Veivine Sanchez, Raizer’s Mother.

Pinukulan niya ako nang masamang tingin at nginisian. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon. I know her a lot, she’s a monster. Palagi niyang pinapangunahan ang mga anak niya. I hate her but she’s the mother of Raizer kaya nirerespeto ko siya. Dahil mahal ko ang anak niya.

Alam ko noong kami pa ni Raizer ay ayaw na niya sa akin. She hate me too, ayaw niya ako para sa anak niya at alam ko ngayon, sinadya niyang imbitahan ako para makita ang anak niya na mae-engaged sa ibang babae. Alam ko na sinadya talaga niya ito. Gusto niyang ipakita sa akin na wala na akong pag-asa pa kay Raizer? Let’s see Madam Sanchez, let’s see kung ikaw pa rin ang magwawagi ngayon. Alam ko rin na ikinasaya niya ang maghiwalay kami noon.

“Hello, good evening po.” Napatingin ako sa stage kung saan naroroon ang mag-fiancé. Bumaba ang tingin ko sa kamay nila. Mahigpit na magkahawak ang mga kamay nilang dalawa. Close agad? Pss.

“Thank you for being here sa engagement party namin ni Raizer. You know what po... Raizer is my idol, kaya po noong nalaman ko na in-arrange marriage ako kay Raizer ay ang saya-saya ko po... kaya po, bilang future wife niya ay gagawin ko po ang lahat para sa kanya, ang maging perfect wife,” tuwang-tuwang sabi ng babae.

“Perfect wife? Her ass,” mahinang bulong ko at narinig ko ang mahinang halakhak ng katabi ko. Nilingon ko siya at tiningnan nang masama. “What’s funny, Papa?” nakataas na kilay na tanong ko kay Papa. Yeah, Papa ko ang kasama ko. He’s my partner tonight at pinilit lang niya akong pumunta rito kahit alam niyang ayaw ko. Ayoko rin kasi na makita ang Mommy ni Raizer.

“Ang bitter mo, anak,” he commented.

“Whatever, Papa.” I just rolled my eyes.
Naramdaman ko naman na hinawakan ni Papa ang kaliwang kamay ko at pinisil iyon.

“Does it hurt, anak?” malambing na tanong niya.

“Yeah, Papa. I don’t know if, if why I felt this,” sagot ko kay Papa. Nginitian ko lang siya at hinalikan naman niya ang noo ko.

“I told you to tell that he have a triplets, na may anak na nga kayo hindi lang isa, dalawa dahil tatlo pa,” suggestion niya.

“Why I need to do that, Papa? Wala siyang maalala at ayokong madaliin siya,” sambit ko.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon