CHAPTER 7

3.9K 75 1
                                    

CHAPTER 7: Welcome party

RAIZER JACK’POV

KUMALAS ako sa pagkakayakap ko mula sa kanya at walang sabi-sabing naglakad ako sa kanya palayo. Matinding kirot sa sentido ko ang nararamdaman ko. Sobrang sakit nito.

“Tito, where are you going po?” narinig kong tanong ni Quinne sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa.

“Raizer Jack!” Si Jacky naman ang tumawag sa akin. Alam ko na siya iyon, eh. Dahil boses niya.

Dali-dali akong lumabas mula sa nanay nila. Naguguluhan ako. Bakit may ex-girlfriend ako? Ang sabi sa akin ni Mommy ay hindi naman daw ako nagkaroon ng girlfriend o
karelasyon dito sa Pilipinas. Dahil hindi ko pa raw plano na magkaron ng ganoon. Hindi ko na maalala pa ang sinabi sa akin noon ng Mommy ko.

Hindi ko na namalayan na nasa bahay na ako. Nadatnan ko sa living room si Kuya Ram at nanonood siya ng TV. Nang mapansing niya ako ay agad niyang in-off iyon at hinarap ako.

“Hindi mo sinasagot ang phone mo, Jack. Nag-alala kami, ang tagal mo na kasi sa labas, eh,” sabi pa ni Kuya Ram.

“N-Naglakad-lakad lang ako sa labas. Magpapahinga muna ako, Kuya,” paalam ko at hindi ko na hinintay pa si Kuya na sumagot dahil naglakad na ako.

“Sa black door ang kuwarto mo, Jack,” sigaw ni Kuya Ram.

Pagkapanalo ko sa looks ng kuwarto ko ay humiga ako kaagad sa kama ko. Inilagay ko ang kaliwang braso ko sa noo ko at bumuntong-hininga.

Naalala ko naman ang nangyari kanina at sa sinabi ni Quinna. Totoo kaya na ex-girlfriend ko siya? Totoong may relasyon kami dati?

Shet, wala talaga akong maaalala. Wala kahit na isa. Kumikirot pa rin ang ulo ko sa sakit at mas lalong sumasakit lang siya kapag pinipilit ko na alalahaning siya.

Sino ba talaga ang nagsasabi sa akin ng totoo? Si Mommy ba o si Quinna? Sinong paniniwalaan ko?

Si Quinna, bakit galit siya sa akin? May nagawa ba akong hindi maganda sa kanya dati na ikinagalit niya? Nasaktan ko ba siya?

Kanina no’ng niyakap ko siya ay nakaramdam din ako ng pamilyar na comfort but fvcking shet! Ni hindi ko naman talaga iyon maalala pa, eh.

Napabuntong-hininga na lang ako at pumikit, I asked my mother about Quinna tomorrow.

QUINNA AMERA’s POV

NAKAUPO LANG ako rito sa dining area, hindi ko sinundan si Jack. Bakit pa? Bakit ko pa siya hahabulin kung kusa na nga diyan umalis?

“'My! Kilala ninyo po siya, hmm?” Quinne asked me.

“Quinne, ’di ba sabi ko sa inyo. Huwag ninyo siyang kauusapin? Hindi ninyo naman siya kilala,” sabi ko.

“Why is that, Mom? He’s kind naman po,” Jecky reasoned out. Isa pang batang ito, eh. Mailap siya sa tao pero nagawa niyang lumapit kay Jack? Nang ganoon lang kadali? Nang hindi siya nagdadalawang isip man lang?

Well, no doubt, self. He’s the father of your children. Hitsura pa lang ay alam na ng lahat na si Raizer Jack ang ama ng triplets. Pero hindi niya iyon malalaman dahil wala akong balak na sabihin pa sa kanya, lalo na may amnesia siya.

“Basta, layuan ninyo siya. Hindi siya nakabubuti para sa atin,” pangangaral ko at sana makinig na lamang sila sa akin. Para wala ng gulo.

“No way po, Mommy!” sigaw ni Jacky at patakbong lumabas sa kusina.

“Quinne...” tawag ko kay Quinne nang makita ang pagpula ng mga mata niya.

“I hate you, Mom!” sigaw niya at lumabas din siya. Oh, dámn it. Ano ba talaga ang nangyayari sa mga batang iyon?

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon