CHAPTER 12

3.5K 58 1
                                    

CHAPTER 12: GIRLFRIEND

ILANG MINUTO kaming magkayakap at ako na ang unang kumalas mula sa mahigpit na pagkakayakap niya sa akin. Mahinang dumaing pa siya nqng lumayo ako.

“That’s enough, Raizer. I have work to do,” sambit ko.

“Okay, come on, I’ll cook for our breakfast,” he said at marahan na hinila niya ako.

“Magluluto ka ng nakaganyan lang, seriously?” inis kong tanong sa kanya. Mabilis naman siyang nagbihis at lumapit agad sa akin. Suot na niya ang puting v-neck t-shirt niya at itim na pantalon.

“Saan mo ba ako dinala?” tanong ko habang tinitingnan ko ang paligid. Maganda ang bahay at mamahalin ang mga kagamitan sa loob.

“Wala ka talaga idea kung saan kita dinala?” nakangising tanong niya sa akin at sinilip pa niya ang mukha ko. Napa-pokerface na lamang ako.

“Gising ba ako noong dinukot mo ako kagabi, ha?” nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Ang lakas ng loob niya gawin iyon sa akin. Pss.

“Hindi nga. So, hindi mo talaga alam?” pamimilit niya sa akin.

“What do you think? Magtatanong ba ako kung may alam ako, ha?” masungit na tanong ko pa rin sa kanya at tumawa lang siya. Mahinang pinisil niya ang tungki ng ilong ko at hinampas ko siya sa braso.

“Chill, sweetheart. Masyado kang hot,” natatawa niyang sambit.

“Tigilan mo ako, Raizer. Hindi pa rin ako natutuwa sa ginawa mo sa akin kagabi,” pagbabanta ko pero tumawa lang ang gágo. Ang akala ba niya ay masaya ako sa pandudukot niya sa akin, ha?

Nakagat kami sa kitchen at pinaupo niya ako agad. Nagsuot pa siya ng apron at nagsimula na nga siyang magluto. Mabilis lang naman siya, dahil scramble eggs at sinagang lang naman ang niluto niya. Nagtimpla rin siya ng dalawang cup of coffee.

Mayamaya lang ay kumain na kami ng breakfast. Hindi nga lang ako mapakali at nakakain nang maayos. Hindi niya kasi inaalis ang pagtitig niya sa akin. Kinilabutan ako.

“Raizer... I can’t eat my breakfast,” naiiritang sambit ko.

“Why? Gusto mong subuan kita?”

“Not that, you moron! Stop staring at me that like you want to eat me alive!” pagalit na sambit ko at ngumisi lang ang gágo.

“Oh, sweetheart. I love to eat you,” he said at nag-init lang ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya.

“You pervert!” sigaw ko at tumawa lang siya. “Raizer Jack!”

“Alright sweetheart. I’m sorry okay?” Tsk!

“Ilang taon tayong hindi nagkita tapos ganito ka agad ka-close sa akin, ha? Ni hindi ka man lang nailang sa akin!” saad ko.

“Dahil...hindi naman ako naiilang na kasama ka. Mas nararamdaman ko na ang pagka-miss ko sa ’yo,” aniya at tuluyan na akong hindi nakapagsalita.

***

PAGKATAPOS naming kumain ay nagpasya kaming umuwi na at nalaman ko na nasa condo kami ni Kuya Ram. Wala akong idea kung bakit ba niya ako dinala rito at kung ano ang mga binabalak niya.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng condo. Ayoko naman siyang hawakan, eh. Pero siya ang humuhuli sa kamay ko kahit na ayaw ko pa.

“I’m goin’ to set an appointment with the cardiologist doctor, Raizer,” I told him.

“Okay, pero kaya bang maibalik ulit ang memorya ko kung gagawin ko iyon?” his question.

“That’s possible if you don’t have a serious head injury or something. But if you have, there is no possibilities that your memories will be back and it remains in your past. Tuluyan na iyon mababaon sa limot,” paliwanag ko na ikinabuntong-hininga niya.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon