CHAPTER 11

3.6K 67 0
                                    

CHAPTER 11: Please stay

NAGISING ako kinaumagahan ay nasa loob na ako ng kuwarto na hindi pamilyar sa akin.
Color dark blue and white ang structure nito.

“W-Where am I?” tanong ko sa sarili ko at nang maalala ko na ang nangyari kagabi ay napabalikwas ako nang bangon. “What the héll?” mura ko at pinasadahan ko pa ang katawan ko.

Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kong nakapagpalit na pala ako ng kulay puting sando at saka kulay pink na pajama. Gosh! Sino naman ang nagpalit nito sa akin? Naalala ko na papasok pa lamang ako sa bahay namin nang may nagtakip naman sa ilong ko at hinila ako palayo. Isinakay pa ako nito sa kotse niya. Wait, sino naman iyon?

Mabilis na tumayo ako at lumapit sa pintuan. Pipihitin ko na sana ito upang makalabas na ako but bigla na lang bumukas ito.

“Hey, good morning, Quinna,” bati sa akin ni... Malamang si Raizer! Siya ang naaalala kong kumuha sa akin kagabi!

Dumapo agad ang mga mata ko sa kanyang katawan. Great! Nakahubad baro pa siya at tanging tuwalya lang ang suot niya sa pang-ibabang bahagi ng katawan niya.

Bayolente akong napalunok nang nakarating na iyong mga mata ko sa maumbok niyang-- urgh! Parang ang sarap pisilin iyong abs niya!

“Eyes up, Quinna. Stop eye-ráping me.” Mabilis na tumingin ako sa mga mata niya at nakangisi pa talaga siya.

“I am not!” mariin na sigaw ko.

“Oh, sweetheart I---uggh!” He didn’t finish his words dahil napahawak siya bigla sa ulo niya. Napaano naman siya?

“Hey, are you okay?” nag-aalalang tanong ko at mabilis na lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kaliwang palad niya at marahang pinisil-pisil ’yon. “Raizer, are you okay?” Kinabahan ako bigla.

“M-My head,” mahinang sambit niya at hinila ko siya sa paupo sa kama. Tumabi lang ako sa kanya habang pinisil ko nang mariin ang palad niya. Upang mawala iyong pananakit ng ulo niya. “Are you really okay, Raizer? Answer me!” natatarantang tanong ko.

Doctor ako at hindi ako ganito kung mag-alala at natataranta pagdating sa mga pasyente ko and great! Sa kanya lang! Bakit kasi hindi niya ako sagutin?!

“I-I’m fine, I just... uh...”

“What? You’re just what?” tanong ko at tiningnan ko siya na namimilipit pa rin sa sakit.

“I just remembered something," sagot niya sa marahan na boses.

“Something what?!” Hindi ko na napigilan pa at pinagtaasan ko na siya ng boses. Kita na nga niya na para na akong aatakihin na sa puso!

“Something... Uhm. I used to call that endearment to someone I know but I can’t remember,” aniya at kumunot naman ang noo ko.

“What endearment?” nagtatakang tanong ko.

“Sweetheart. Sweet---Ahh fvck!” sabi niya at napahawak ulit siya sa ulo niya. Dumadaing din siya.

“Raizer!” sigaw ko sa pangalan niya.

“I’m fine. May naalala lang ako na...na... Basta.” Pss, ano ba kasi iyon?

“Direct to the point please, dàmn it!” sigaw ko at narinig ko siyang humalakhak.

Ang gágo! Nakuha pa niya ang tumawa sa lagay na iyan? Hinampas ko siya sa braso niya pero napahiyaw na lamang ako nang hinila niya ang kamay ko at pinaupo ako sa lap niya nang patagilid.

Pumulupot agad ang mga braso niya sa baywang ko at niyakap pa nang mahigpit. Inilapit din niya ang pisngi niya sa dibdib ko.
Literal na umawang ang labi ko sa gulat.
Kumalabog na naman nang malakas ang dibdib ko.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon