CHAPTER 22

3.2K 49 1
                                    

Chapter 22: Unexpected visitors

“MAY SINABI ba ako kanina na aalis ka?” malamig na tanong ko sa kanya at nagawa kong hampasin ang dibdib niya. Frustrated lang ako dahil siya ang aalis pagkatapos niyang pigilan ako kanina na sumama sa best friend ko?

“Quinna...”

“Pagkatapos mong magmakaawa kanina sa kaibigan ko tapos aalis ka rin pala? Ayaw mong sumama ako kanina kay Pearls dahil ang sabi mo ay ikaw ang mag-aalaga sa akin?” Hinuli na niya ang kamay kong nananakit sa kanya at pumulupot agad ang braso niya sa baywang ko saka niya ako hinapit palapit sa katawan niya.

“I’m sorry...” sambit niya at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako nang dumidilim na naman ang paningin ko at ramdam na ramdam ko rin ang panghihina ng katawan ko. “Q-Quinna... Quinna...”

Pinipilit ko naman ang sarili ko na huwag mawalan nang malay. Dahil nagsasawa na rin ako na palagi akong ganito. Wala ng nagbabago pa. Pero napapansin ko na nangyayari lang iyon kapag stress ako o emotional. Hinagod ni Raizer ang likuran ko dahil parang alam na naman niya ang mangyayari sa akin.

Naramdaman ko na pinangko niya ako at ibinaba niya ako sa sofa. Mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin.

“Hmm...”

“Stay awake, Quinna... Stay... sweetheart...” malambing na sabi niya at dumampi ang labi niya sa sentido ko. Kahit pinipilit ko ang magising lang ay nananakit naman ang ulo ko. “Quinna...”

Sumiksik ako sa leeg niya at nang nanuot sa ilong ko ang matapang na perfume niya ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Naging pantay na rin ang paghinga ko. Ilang segundo kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko. Napadilat ako at hindi na madilim ang paningin ko.

Ngayon ko lang napigilan ang pagkawala ng malay ko. Hindi ko lang alam kung paanong nangyari o baka...nagawa nga akong pakalmahin ni Raizer. Huminga ako nang malalim.

“Paano pa kita iiwan ngayon kung ganito palagi ang nangyayari sa ’yo?” mahinang tanong niya sa akin at sinalubong ko ang mga mata niya. Tipid lang akong ngumiti sa kanya.

“G-Gusto ko ng tubig. Nauuhaw ako,” sambit ko at muli akong pumikit.

“Puwede po ba kami makahingi ng isang basong tubig, Manang?” May kasambahay siguro si Papa na malapit lang sa side namin kasi nagawa pa niyang utusan ito.

“Sige po, Sir,” narinig kong sagot nito.

“Quinna... Paano mo napigilan iyon?” tanong niya.

“A-Ang alin?” tanong ko sa kanya.

“Ang tungkol sa syncope mo?” tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang collar ng polo niya at nanigas pa ang katawan niya dahil sa pagdampi ng tungki ng ilong at labi ko. “Quinna?”

“I need to relax my body,” I replied.

Mayamaya lang ay bumalik na ang kasambahay na inutusan niya at may dala na itong basong tubig. Katulad lang nangyari kanina ay naubos ko rin ang laman no’n.

“Maraming salamat po. Quinna, gusto mo bang ihatid na lamang kita sa kuwarto mo para magpahinga?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako.

“Mamaya na,” sabi ko at niyakap ko lang siya pabalik. Hindi ko akalain na gagaan ng ganito ang pakiramdam ko kapag siya ang kasama ko. Napapanatag ako.

***

Nasa loob na ako ng kuwarto ko at kasama ko ang mga anak ko pero nanonood sila ng cartoons. May TV sa room ko kaya malayang-malaya talaga ang triplets kahit hindi na nila kailangan pang bumaba.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon