EPILOGUE

3.4K 51 0
                                    

Epilogue

RAIZER JACK SANCHEZ'S POV

"PUPUNTA po ako sa States, Mom. Isasama ko po ang girlfriend ko. May natanggap po akong invitation mula sa isang entertainment doon," pagbabalita ko kay Mommy at napahinto siya sa pagkain niya. Kumakain pa lamang kami ngayon ng agahan namin.

"Pupunta ka na nga sa States ay isasama mo pa roon ang babaeng iyon?" tanong niya sa akin at halaga sa boses niya ang inis.

"Mom. She's my girlfriend."

"At alam mo ang mangyayari sa kanya kapag isinama mo pa siya. Masisira lang ang pangarap mo, Raizer," sabi niya.

"Mom, future doctor po ang girlfriend ko at hindi naman po masisira ang pangarap ko ng dahil lang sa kanya. Baka nga ako pa ang makasisira ng pangarap niya kung sakali man."

"Ikaw lang ang aalis, Raizer. Hindi mo isasama ang babaeng iyon."

Kontrolado nga talaga ni Mommy ang buhay ko noon kaya nang nagbanta siya na may gagawin siya sa girlfriend ko ay napilitan akong sundin ang mga gusto niya para sa akin.

Hindi naman sana ako maniniwala na kaya niyang magbanta pero may mga litrato siyang ipinakita sa akin kaya sumuko na ako agad sa kanya.

Mahal na mahal ko si Quinna at ayaw kong mapahamak siya ng dahil lang sa akin. Kaya kahit gusto ko siyang isama sa abroad ay hindi ko nagawa. Sa huli ay ang pakikipaghiwalay pa rin ang naisip kong solusyon para maging ligtas siya mula sa mga kamay ng aking ina.

Alam ko rin na marami pa siyang mga pangarap at ayokong isa ako sa magiging hadlang no'n.

Mahigpit ang hawak ko sa dalawang plane ticket na binili ko. Isa talaga ito sa plano ko. Ang isama ko siya.

Balak kong isama siya ng hindi na nalalaman ni Mommy pero... "Nakikita kita, son. Alam kong dalawa ang binili mong plane ticket. Dahil para sa kanya ang isa. Tama ako hindi ba?" sabi niya mula sa kabilang linya.

"Bakit niyo po ba ito ginagawa sa akin, Mommy?" tanong ko sa kanya.

"Ginagawa ko ito para sa 'yo, Raizer. Wala naman akong ibang gustong gawin kundi ang magandang kinabukasan mo lang."

Biglaan din ang paghihiwalay namin kahit wala sa plano ko.

"Raizer... please don't..." nakikiusap na sambit niya at niyakap pa niya ako para lang huwag ko siyang iwan. Masakit ang makita siyang ganito pero wala akong magagawa. Ang kaligtasan niya ang mas inaalala ko.

"Just let me, Quinna. We are too young and I know baka may iba pa tayong makikilala at mamahalin kapag pinakawalan natin ang isa't isa. Hayaan mo na lang akot umalis and this is my dream, sweetheart, please..." Kahit hindi ko siya gustong bitawan ng dahil lang doon at hindi ko na nakikita pa ang sarili ko na magmahal sa ibang babae. Siya lang talaga.

"P-Paano naman ako, Raizer? Tayo? I thought you love me?"

"Quinna, mahal naman kita. Mahal na mahal kita pero mas mahal ko ang pangarap ko. I need to go... Just let me go, please..."

"Don't leave please, please Raizer... Don'y... I-I can't live without you please, sweetheart..." Punong-puno ng mga luha ang kanyang pisngi at mugtong-mugto na rin ang mga mata niya. Napakawalang puso ko talaga upang paiyakin siya at saktan lang ng ganito.

"Kaya nga ayoko ng magpaalam pa sa 'yo eh. Ganito lang ang gagawin mo. Let's break up, Quinna. Masasaktan ka lang kung hindi tayo maghihiwalay," malamig na sabi ko. Tila may patalim nga ang bumaon sa dibdib ko sa sobrang sakit nito.

"No! No Raizer, no way! S-Sige na...hahayaan na lang kitang umalis b-basta huwag na tayong maghiwalay, sweetheart... Payag na ako, please..." Hindi na nga ako sigurado pa kung pagbalik ko ba ay may naghihintay pa sa akin o kung puwede ko pa siyang balikan.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon