Elle
Magdamag lang ako nakatitig sa kisame ng kuwarto ko, hindi naman ako nakatulog ng maayos. Naka-idlip man ako dahil sa hilo pero siguro mahigit trenta minutos lang ako nakatulog at nagising din agad ako. Nabaling 'yung tingin ko sa wall clock sa kuwarto ko at hindi ko namalayan na alas kwarto na pala ng umaga!
Total hindi rin naman ako makatulog kaya nag-desisyon na lang ako bumaba sa kusina para magluto ng umagahan.
Ito na siguro 'yung huling beses na ipagluluto ko siya. "Elle?" Muntik na'kong mapatalon sa gulat nung marinig 'yung boses ni Gabrielle, nakaupo siya sa may high stool chair sa may main kitchen na may hawak na bote ng alak.
"Elle." Malambing nitong saad sa pangalan ko. Haist! Ang aga aga niya naman mag-inom.
"Napaatras ako nung tumayo si Gabrielle sa kinauupan niya at akmang lalapit sa'kin. Sabi ko na dapat hindi na lang muna ako bumaba eh.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip 'yung nangyari do'n sa lumang kubo. Argh! Nung makalapit sa'kin si Gabrielle ay niyakap niya ako. Tutulak ko sana siya palayo kaso naramdaman kong nakatulog siya na nakapatong 'yung ulo niya sa balikat ko. What the hell? Akala niya ba baby siya?! Ang bigat kaya niya!
Sinusubukan kong alalayan si Gabrielle para dalhin siya sa kuwarto niya. I grabbed Gabrielle's phone para tawagan 'yung driver niya na sana ay gising na. Sana hindi ako nakaka-istorbo ang aga aga pa kasi. Stay in naman 'yung mga helpers namin dito sa bahay kaya puwede ko silang tawagin kahit kailangan basta hindi lang during night dahil malamang pahinga din naman nila yo'n.
"Ma'am." Tawag sa'kin ni Manong. "Kuya, paalalay naman si Gabrielle sa kuwarto niya." Bilin ko sakaniya. Habang ako naman ang naiwan sa kusina para linisin 'yung mga kinalat ni Gabrielle na bote ng alak. Tsk.
"Na'ko! Ma'am, Elle. Ako na ho yan." Sulpot ni Manang Jossy habang pinupulot ko 'yung mga kalat.
"Sige ho, magluluto na po ako." Wika sa kaniya at saka na ko dumiretso sa dirty kitchen.
Hinanda ko na 'yung mga ingredients na kailangan ko para sa tatlong putahe na lulutuin ko buti na lang ay tinulungan na ko maghiwa ni Manang kaya kahit paano ay hindi ako nahirapan at napabilis kami sa pagluluto tapos ay inayos na din namin lahat ng niluto namin. Mga quarter to six na kami natapos sa pagluluto at paghahanda. Ipapagising ko na sana si Gabrielle para mag-umagahan na, gusto ko kasi siya makasabay kumain ng breakfast, alam ko namang may hang over pa siya kaya pinagtimpla ko na din siya ng mainit na kape.
"Manang, paki gising naman po si Gabrielle." Pakiusap ko kay Manang Jossy habang nagtitipla ako ng kape, dahil sigurado akong masakit ang ulo no'n ni Gabrielle. Sobrang dami niya ba namang nainom eh.
Sinunod naman ni Manang 'yung sinabi ko at pagkababa nga nito ay kasunod niya si Gabrielle na halatang inaantok pa at mukhang pagod.
"Kumain ka na muna bago ka matulog ulit." Wika ko sa kaniya nung makaupo siya at saka ko nilapag sa harap niya 'yung kapeng tinimpla ko.
He looks at the food in front of him and look at me too. Nagtataka ba siya?!
"Did you cook all of these?" Nakakunot noong tanong niya, sabay higop do'n sa kape.
"Marunong ka magluto?" Ulit pa niyang tanong pagkatapos humigop ng kape.
"Oo." Sagot ko sa kaniya, pupunta sana akong dirty kitchen para magtipla din ng kape ko nung pinigilan niya ko.
"Sabay na tayo kumain." Halos pabulong nitong wika, sa palagay ko ay nahihiya siya.
"Magtitimpla lang ako ng kape ko." Wika ko pa sakaniya at lnung makabalik ako ay napatingin siya sa'kin na parang nagtataka.
BINABASA MO ANG
Chaotic Love Affair✔️ (COMPLETED)
RomanceElle and Gabrielle tied the knot because of an unexpected circumstances in their lives. A marriage that will turn their world upside down. Even though Gabrielle is already in love with Amethyst, Elle begins to develop feelings for him. When Elle is...