Chapter 23 - GIanna and Dahlia.

428 6 0
                                    

Elle 

It's been nine months since I found out that I'm pregnant. Buti na lang at nandito si Madison to take care of me and during the day Madison came to see me at the hospital eh nakausap ko ang In-laws ko, nakiusap ako sakanila na huwag sabihin kay Gabrielle na nahanap na nila ako pero kahit sakanila eh hindi ko din sinabi na buntis ako. Instead, I told them that I want to go back to U.S for at least a year and luckily they agreed. At ngayon na malapit na kong manganak, natatakot ako at mas lalo akong Kinakabahan.

So here we are, preparing some stuffs for my babies. Yes, babies kasi twins daw ang magiging anak ko at parehas pang babae. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko nung nalaman kong twins 'yung magiging anak ko. Natatakot ako pero masaya ako. Ganito yata talaga kapag buntis sobrang emosyonal. "Walang kambal na saging, Elle!" Rinig kong sigaw ni Madi mula sa labas ng kuwarto. Pinahanap ko kasi siya ng kambal na saging kasi gusto kong isawsaw sa Ketchup at ulamin. Oo, alam kong weird ang mga cravings ko this third trimester ko pero hindi ko mapigilan eh.

Kita ko sa peripheral vision kong pumasok si Madi sa kuwarto kaya sinimangutan ko siya. "Wala nga kasing kambal na saging anong gagawin ko?" Reklamo niya nung makita niyang nakasimangot ako.

"Oo nga pala. Kinukulit na'ko ng in-laws mo kung kailan daw tayo uuwi." Wika niya habang tinutulungan ako sa pag aayos ng mga gamit.

I took a deep sigh. "Malapit naman na'ko manganak eh." Sagot ko pa pero tumaas 'yung kilay niya.

"May balak ka na bang sabihin kay Gabrielle?" Tanong niya.

Umiling ako at tumingin sakaniya. "No, I have no plans on telling him." Wika ko sakaniya at kita ko nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Elle, talaga ba?" Mariin pa niyang tanong.

"Madi, gaya ng sinabi ko noon. Wala nang halaga kung sasabihin ko pa sakaniya kasi ano't anu pa man ang mangyari eh maghihiwalay at maghihiwalay din naman kami at ayoko na siyang guluhin. I can raise this twins without him." Giit ko pa sakaniya kaya hindi na siya nagsalita at kumontra pa.

Totoo naman kasi, baka kapag sinabi ko eh magulo na naman 'yung isip ni Gabrielle at ayoko na makasagabal pa sa kasiyahan niya. Tama na sa'kin na makita siyang masaya. Hindi rin naging maganda ang naging relasyon namin, oo nagkakasundo minsan pero mas madalas para kaming aso't pusa o di kaya naman eh estranghero dahil sa hindi kami madalas nagpapansinan.

Sa isang linggo pa naman ang estimate ng doctor kung kailan lalabas si Baby pero naghahanda na kami. In case something might happen.

Napahinto ako sa pag-aayos nung biglang sumakit 'yung tiyan ko. "Madi, ang sakit ng tiyan ko." Wika ko kay Madi na busy sa pag-aayos ng gamit kaya napa-angat siya ng ulo sa sinabi ko.

"What?" Natataranta niyang tanong.

"You know what, let's go to the hospital na. Dzai, ayoko magpa-anak noh. Halika kana!" Reklamo pa ni Madi at saka niya ko inalalayan papunta sa kotse niya.

"Madi." I called her while she was still driving. I wanted to tell her to slow down but I am also in pain and I just wanna be in hospital right away.

"Madi, drive faster please." I shouted at her dahilan para lalo siyang magpanic at lalo niyang bilisan ang pagmamaneho.

Pagkadating namin sa Hospital ay agad kaming dumiretso sa Emergency room. All I knew is I am at the emergency room and the doctor came they started to prefer for the operation because they are going fo perform Cesarean section on me. Delikado raw kasi kung magno-normal delivery ako dahil kambal nga ang mga anak ko. I can feel the middle on my skin when the doctor injected a general anesthesia to me.

I feel like I am half awake-half asleep while they started to perform the operation...


















Madison

Umuwi na lang ako nung wala akong mahanap nung kambal na saging na gusto ni Elle. Jusko tong buntis na 'to kung ano anong cravings. Minsan sa'kin pa pinapakain ang tira niyang pagkain.

Napatingin ako kay Elle nung sinabi niyang masakit ang tiyan niya. Sa susunod na linggo pa man kasi ang schedule niya pero nagdesisyon na kong dalhin siya sa Hospital at delikado na baka mapano pa siya at mga babies niya.

Daig ko pa nanay dahil sa sobrang kaba ko habang naghihintay sa labas ng emergency room. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala 'yung nga pinagdaanan ni Elle while she was pregnant eh.

Halos hindi ako makatulog dahil sumasakit daw ang balakang ni Elle at panay ihi sa gabi. Tapos 'yung cravings niya laging dis oras ng gabi jusko. Akalain mo bang magpahanap sa'kin ng manggang kalabaw ng 2am ng madaling araw? Sa STATES PA AH! Kundi ko lang talaga kaibigan ko to, baka napektusan ko na to eh. Sayang nga at wala si Kie kasi sigurado akong sasakit din ang ulo niya sa mga cravings ni Elle na pang out of this world. Isang beses nga, kinukulit niya ko dahil gusto niya raw makita si Gabrielle at yakap yakap niya pa nga picture ni Gabrielle habang natutulog eh hahaha tapos nung nagbook ako ng Ticket pabalik ng pilipinas aba umatras. Okay na daw siya kahit picture lang ni Gabrielle.

Napapangiti ako habang naalala ang mga ganap namin ni Elle nung buntis siya. Sabi ni Elle, GIanna at Dahlia raw ang ipapangalan niya sa twins. Excited na'ko maging Tita ninang!

Makalipas ang mahigit 40 minutes eh lumabas na rin 'yung doctor mula sa operating room.

"Are you related to the patient?" Bungad nung doctor kaya tumango na lang. "The operation has been successful. We will transfer the patient to the regular room and we will put the babies in incubator, if you want to see them, they are in the nursery room. You can go there." Saad nung doctor bago umalis. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Doctor. Nagdesisyon muna akong sundun si Elle sa kuwarto niya para na rin ma-check kung okay lang ba siya.

Nung makarating ako sa kuwarto ni Elle ay nadatnan ko siyang mahimbing pa ang tulog at makalipas ang ilang minuto may nurse na kumatok. Dala dala nila 'yung Twins tapos saktong kakagising lang din ni Elle. Ang ku-cute naman ng mga inaanak ko, ang tataba ng pisngi at namumula ba naman sa puti. Magiliw na inabot nung nurse 'yung isa sa mga twins tapos inalalag niya ang isa naman ay kinuha ko para bitbitin. "Kaya pala ang laki laki ng tiyan mo eh, ang tabachingching ng mga batang ang ku-cute!" Wika ko kay Elle habang bitbit ko ang isa sa mga twins tapos ay tumawa lang siya.

"In Fairness ha, walang nakuha sa mukha mo. Kamukhang kamukha ni Gabrielle, matatanggi niya ba, na'ko mukhang hindi eh." Sinamaan ako ng tingin ni Elle pagkasabi ko no'n.

"Matangos ilong nila ah, matangos rin naman ilong ko. Tapos tignan mo 'yung mata bilugan!" Depensa ni Elle kaya tinawanan ko siya. Pano totoo naman siyam na buwan niyang dinala tapos magiging kamukha lang ng tatay. Parang mga carbon copy ni Gabrielle, girls version gano'n.

Nilapag ko 'yung isang twins sa tabi ni Elle kasi malaki naman space ng kama niya. "My GIanna and Dahlia." I heard her whispered to them while playing their fingers.

Hay, may baby fever na yata ako sa ka-cutan nila huhu pero puwede ko naman sila ituring na anak eh. Returnable pa! Kapag makulit isasaoli ko lang kay Elle. Basic!

Chaotic Love Affair✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon