Chapter 10 - Torn Between

423 4 2
                                    


Elle

It's been one week since I was hospitalized. Nothing changed between me and Gabrielle. Mas lalo nga lang yatang lumala eh.

I'm on my way to work, isang linggo na rin 'yung nakalipas simula nung huli akong pumasok sa trabaho, after kasi akong ma-discharge sa hospital pagka-uwi 'ko ay nag-file agad ako ng leave for one week.

I haven't contacted Michael yet. Kamusta na kaya si Kie? Nahihiya ako sa nangyari kaya I avoided him for awhile at isa pa, hindi 'ko alam kung paano ako haharap sa kanila ng ganito 'yung kalagayan 'ko.

I mean physical, I'm already fine but I'm still drained mentally. Pagpasok 'ko pa lang ng opisina ay wala akong Michael na nakita. "Is he absent or what?" I whispered to myself. Kaya dumiretso na lang ako sa work space ko. Pagkalapag ko ng gamit ko sa table ay bubuksan ko na sana 'yung desktop na nasa harapan 'ko nung bigla namang may nag abot ng coffee sa gilid 'ko.

Pag-angat 'ko nang tingin. I saw Michael.. he's still holding the cup of coffee habang nakatingin pa din siya sa'kin. Para akong nabuhayan nung makita 'ko siya. "Start your day with a cup of coffee and you'll feel better." He said that makes me smile. I didn't expect that he still do remember the exact words I told him when I met him during our first year as a college student.

**** Flashback ****

Pasulyap sulyap ako sa wrist watch na suot 'ko at palingon lingon ako sa paligid. Argh! Bakit ba naman kasi kahapon 'ko pa naisipang mag-binge watch eh, yan tuloy nalate akong magising at hindi ako naka-review para sa exam namin.

I was in the cafeteria trying to review our lessons as if may maa-absorb pa 'ko sa last minute na'to bago ang mismong exam.

Palingon lingon ako nung mapansin 'ko ang isang lalaking nakaupo hindi kalayuan sa table kung saan ako nakaupo.

Kilala 'ko siya dahil classmate 'ko siya pero siya 'yung tipo ng kaklase na hindi tipikal dahil lagi lang itong tahimik at bihira lang makilhalubilo sa mga estudyente. Nakikita 'ko lang siyang nakikipag-usap sa classmates namin kapag may groupings o reporting.

Gusto kong mag-review! Pero wala akong maka-partner. Bakit ba naman kasi ngayon pa naisipan ni Madison na umabsent eh, kung kailangan exam day.

Nag aalangan akong tumayo at lumapit kay Michael, hindi 'ko alam kung paano 'ko siya ia-approach kasi base sa facial expression niya ngayon na seryoso ay mukhang badtrip siya. Siguro hindi din siya nakapag-review.

Ilang hakbang na lang at makakalapit na'ko sakaniya pero bigla akong may naisip gawin. Dumiretso ako sa isang stall sa cafeteria namin na puro drinks lang 'yung tinda particularly coffee.

I bought two coffee, for me and for Michael. Napalingon ako sakaniya habang umu-order ako at nakita 'ko 'yung pagbuntong hininga niya ng malalim. Kaya agad kong kinuha 'yung coffee at lumapit sakaniya.

I cleared my throat and handed him the coffee. I saw the curiosity in his eyes. "Start your day with a cup of coffee and you'll feel better." I said but I guess he is hesitant, if he'll get the coffee or not kaya I just put it down to the table in front of him. "Ang sungit naman." Bulong 'ko when I turned my back. "Thank you." I heard him said. Kaya napalingon ako. "Have a seat, you're finding a partner to review with?" Saad pa nito kaya agad akong umupo sa harap niya at pinatong 'yung gamit 'ko sa table.

*********

That's how I met Michael at simula no'n naging close na kami. "Nangangalay na'ko, Elle." Nagulat ako nung nasa harapan 'ko pa din si Kie at hawak hawak niya pa din 'yung coffee, waiting for me to get the coffee pero kanina pa pala 'ko nakatulala kaya hindi 'ko agad napansin.

Chaotic Love Affair✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon