Chapter 19 - Oplan Finding Elle.

436 4 0
                                    

LMichael


Pauwi na ko ng pinas and I want to inform Elle but I couldn't reach her phone. Nasa eroplano na ko pero patingin tingin pa rin ako sa cellphone ko, hoping to get a reply from Elle but I received no reply at all. I turned off my phone before the flight. Baka tulog na yo'n dahil anong oras na din naman sa pinas.

Bu I don't know why I feel something strange. Hindi ako mapakali. Okay lang kaya si Elle?

I fell asleep during the flight. Siguro nagising ako bago kami makalapag sa airport. I feel so tired and I don't have any proper sleep for weeks kaya siguro pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Dumiretso ako agad sa condo, siguro bukas ko na lang pupuntahan o kakausapin si Elle because I really need to get some rest and bring back my energy. Nung nasa building na ko ng condo ko eh nakita ko si Gabrielle sa may Information desk. "Sinong hinahanap niya?" I whispered to myself pero nung makalapit ako ay narinig kong ako 'yung pakay niya kaya tinawag ko siya.

"Michael Alejandre, Sir?" Tanong nung babae sa Information desk kay Gabrielle.

"Yes, I would like to talk to him." Sabi pa ni Gabrielle at dali daling tignan nung babae 'yung record nila pero nagdesisyon na kong tawagin si Gabrielle.

"Sir, wala po siya ngayon. Ilang weeks po siyang hindi umuwi.." Paliwanag nung babae.

"Gabrielle?" I called him kaya nabaling 'yung tingin niya sa'kin.

"Gabrielle, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya but he look so disappointed seeing me with all my stuffs.

Nag aalangan pa siyang magsalita. "I just wanna ask if did you know where Elle is? Nanlaki 'yung mata ko sa tanong niya. What the hell?

"Elle? Bakit sa'kin mo siya hinahanap?" Sarkastikong wika ko sakaniya.

"Don't tell me she's missing?!" Mariing ko pang tanong sakaniya but he look so puzzled right now..

"Gabrielle, what happened?! Ano na namang gonawa mo kay Elle?" Giit ko pa sakaniya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Look, we didn't fight, okay? I told her to stay home kasi masama 'yung pakiramadam niya pero umalis pa rin siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta! We're okay. Nandito ako para humingi ng tulong at hindi makipagtalo sa'yo." Wika niya pa na parang nainis siya sa tanong ko.

"Si Amethyst." I heard Michael whispered..

"What do you mean? I was with her earlier." Sagot ni Gabrielle. "I mean baka magkasama sila kasi 'yung girlfriend mo lapit ng lapit kay Elle at gustong makipag close." Suhestyon ko sakaniya pero biglang nagiba 'yung ekspresyon ng mukha niya at napalitan yo'n ng pag-aalala.

"She already knew." I heard Gabrielle whispered that makes me surprised.

"Ano?" Tanong ko pa sakaniya.

"She already knew, about the marriage and she's mad at me and Elle but I talked to her awhile ago and it seems like she's fine already. She even wants to talk to me and Elle to clear things up." What Gabrielle said makes me worried even more.

"Do you really believe her?" Dismayado kong tanong sakaniya. "Sinong taka ang naloko tapos gusto na agad makipag usap at okay na agad siya. ONLY THOSE WHO HAVE SOMETHING BAD IN MIND WILL DO THAT." Giit ko kay Gabrielle.

"She's not like that Michael." Depensa pa niya kay Amethyst.

"Really? Hindi ko alam na uto uto ka din pala, you're so easy to deceive." Sarkastikong wika ko sakaniya at aalis na sana ko nung bigla ulit siyang nagsalita.

"I just want to find Elle, please help me." Rinig kong pakiusap niya.

"I won't stop you from finding her but I won't help you either. I will find her in my own way, Gabrielle." Mariin kong wika sakaniya bago ko siya tuluyang talikuran. I know it's kinda harsh but I can't help but to feel mad at him. He already have Elle by his side yet he failed to protect her.

"Fine, I won't force you to help me pero sana naman kapag nahanap mo na siya. Inform me, I'm still her husband and I have the right to know but I will also do something to find her too, I'll inform you when I get some leads." Wika nito bago umalis. I was left guilty. I appreciate him coming to me and exerting some effort to find his wife. I hope we find Elle ASAP!!!

One thing is for sure right now, that Amethyst knew something at ito namang si Gabrielle eh parang gusto pang magbulag-bulagan sa mga salita ng babae na yo'n. Una pa lang talaga, I can sense that there's always something off to her even before.

Nung nakapasok ako sa unit ko ay dali dali kong inayos ang mga gamit ko. Paano ko makakatulog nito ngayong alam kong nawawala si Elle. Nag-aalala ako sakaniya.

Busy ako sa mag aayos ng mga gamit ko nung biglang may tumawag sa'kin. "Hello, Madi?" Sagot ko sa mula kabilang linya.

"Kie, let's meet up. It's important." Rinig kong bungad niya pagkasagot ko ng tawag at bakas sa boses niya ang pag-aalala kaya hindi na ko nagdalawang isip pa at pinuntahan ko siya.

Nung makarating ako sa kinaroroonan ni Madi ay nagpapanic siya. "What happened?" Tanong ko sakaniya then she turned to me looking so worried.

"Elle is missing!" Dismayadong wika niya.

Napaupo na lang ako sa couch niya at napabuntong hinanga. "I know." I whispered at napatongin siya sa'kin.

"Gabrielle told me." Saad ko pa.

"How can we find Elle?" Natatarantang tanong niya sa'kin but as of this moment, I don't know either. Either of us had no clue where Elle went.

"What if we go to Gabrielle's house?" Suhestyon ni Madi but I rejected it.

"He already asked for my help but I rejected it but he told me that he'll give us update once he find Elle." Paliwanag ko but I saw the disappointment in her face.

"Kie, now is not the time para pairalin yang EGO MO." Sermon pa niya sa'kin. I can't blame her and she's right. Maybe kapag nakipag-tulungan kami kay Gabrielle eh mas mapabilis 'yung paghahanap namin kay Elle after all, all we want is to find Elle.

Chaotic Love Affair✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon