Chapter 12 - Almost Caught.

378 4 3
                                    



Elle

Nagising ako na pakiramdam ko ang bigat bigat ng nakadagan sa'kin, pag lingon 'ko sa kabilang banda ng kama ay nakita 'ko si Gabrielle na mahimbing na natutulog at nakayakap sa'kin.

Tss. Mukha ba kong unan para yakapin niya?Ang bigat bigat niya tapos dinaganan niya 'ko?! Sabi 'ko sakaniya na huwag siyang lalampas sa puwesto niya pero halos mahulog na'ko sa kinahihigaan 'ko dahil nasakop niya na 'yung buong kama. Kung hindi niya nga lang ako yakap yakap ay baka nahulog na'ko ng tuluyan! Nung mahimasmasan na ko ng tuluyan ay buong lakas 'kong siyang tinulak papunta do'n sa kabilang banda ng kama. Wala kong pakielam kahit magising pa siya o ano. Hello?! Ang bigat niya kaya at nangangalay na'ko! Akala 'ko magigising siya sa ginawa 'ko pero hindi pala. Tsk! "Tulog mantika." Bulong ko sa sarili ko.

Tatayo na sana ako sa kama nung bigla akong hinila ni Gabrielle pabalik dahilan para ma-out of balance ako at mapahiga ulit sa ibabaw niya! I tapped his face to wake him up pero ang hirap niyang gisingin! "Gabrielle, baka naman gusto mo nang bumangon at bitawan ako." Singhal 'ko sakaniya. Nakita kong dumilat 'yung mga nata niya at napalingon siya sa'kin kaya dali dali naman niya kong tinulak papalayo nung makita niya 'ko.

"Aray! Makatulak ka naman! Eh, ikaw tong humila sa'kin kanina!" Reklamo 'ko sakaniya dahil muntik na'kong mahulog sa kama sa pagkakatulak niya buti na lang na balance ko 'yung sarili ko.Hindi naman ito kumibo at diretsong lumabas sa kuwarto 'ko. Aga aga, badtrip siya. Aba.

Namumuni-muni ako sa may balcony nung natinig kong may nag-ring na cellphone. Nung makalapit ako sa bed side table ay nakita ko na cellphone pala ni Gabrielle'yung nagri-ring.

Lumapit ako para tignan kung sino 'yung tumatawag sakaniya nung makita 'ko 'yung pangalan ni Amethyst. I was just looking at Gabrielle's phone ringing nung huminto yo'n tapos ay nag-send sakaniya si Amethyst ng message.

"Good Morning, Babe. I miss you! See you later at Joshua's birthday party." She said via text message. Agad akong nakaramdam ng lungkot habang binabasa ko 'yung mensahe ni Amethyst. I didn't open the whole message of her and only read the preview of it so I didn't know if what else did she said to her message for Gabrielle but I don't wanna know. Agad kong binaba 'yung cellphone ni Gabrielle nung marinig kong may kamatok sa kuwarto ko at nakita ko si Tita Melissa sa may pintuan kaya dali dali kong tinago 'yung cellphone sa drawer.

"Ma, Good morning." Bati ko kay Tita Melissa.

"Good Morning, Hija. Ah, I just wanna ask for some help in the kitchen?" Tanong nito sa'kin at pasulyap sulyap niyang tinignan 'yung loob ng kuwarto 'ko kaya agad kong sinara iyon. Baka kasi mapansin niya pang wala ro'n si Gabrielle eh. Tapos sa sinamahan ko si Tita mag-prepare ng breakfast.

"Hija, can you come with me sa mall. I wanna buy some decorations, Christmas decorations. Malapit na kasi ang pasko, you too, you should buy decorations na para dito sa bahay niyo." Rinig kong sabi ni Tita habang inaayos niya 'yung mga plato.

I almost forget that it was already Christmas season na nga pala. Hindi 'ko naman kasi masyadong sini-celebrate ang pasko simula pa noon dahil wala naman akong pamilya bukod do'n sa orphanage na may simpleng handaan tuwing noche buena.

"Yes. Ma, of course, I'll come with you." Masigla kong sagot sa tanong niya kaya nakita 'ko ang ngiti sa mga labi niya. While we're busy arranging the table and chitchatting about Christmas holiday. Gabrielle suddenly appears in front of us.

"Nakaka-abala ba ko sainyo?" Nakangiting wika niya tapos ay lumapit ito sa Mommy niya para i-beso. Tapos ay lumapit siya sa'kin para halikan ako sa pisngi kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan lang ako ng mokong.

"Na'ko, hindi naman anak, kanina ka pa nga namin hinihintay ni Elle. Nagku-kuwentuhan lang kami tungkol sa pasko." Wika naman ni Tita.

I even heard her whispered. "At saka kinu-kuwento kita kay Elle nung bata ka pa. Hay, Jusko! Ang kulit kulit mo kaya lalo na tuwing holiday season." She whispered. Nakita 'ko naman na parang medyo na mula si Gabrielle sa binulong ng Mommy niya.

Chaotic Love Affair✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon