Chapter 13 - Stuck Together

352 4 2
                                    

Elle

It's been three days since Tita Melissa decided to stay with us. It's uncomfortable for me to see and stay with Gabrielle pero unti unti na din naman kaming nasasanay at isa pa, ngayong gabi na rin naman kasi aalis si Tita Melissa. So we could go back to normal na after this, Iin our usual set up.

Sobra kong nakahinga ng maluwag nung malampasan 'ko 'yung mga tanong ni Tita Melissa tungkol kay Amethyst nung nakaraan. Akala 'ko kasi malalaman na ni Tita 'yung tungkol sa kasunduan namin ni Gabrielle.

"Anak, 'yung nga binilin 'ko sa'yo ha. Huwag mong kalimutan and make sure you and Elle could enjoy your out of the town." Paalala ni Tita Melissa habang nasa dining table kami at kumakain ng hapunan.

After this, Gabrielle and I were going to a business trip to represent his parents because they weren't able to go due to Tita Melissa's condition and she needs to undergo chemotherapy at hindi makakabuti sa sakit niya ang bumyahe pa sa malayo kaya kahit ayaw kong makasama si Gabrielle eh I have no choice.

Her health is already improving now not unlike the first time I met her few years ago. Sobra siyang nanghihina no'n at halata mo na nahihirapan siya sa sakit niya at mag adjust sa mga chemotherapy niya. Ngayon kasi nakapag-adjust na siya and she's used to it na, kaya wala namang masyadong problema.

The first time that Tita Melissa told us about this business trip is kahapon lang din kaya wala kaming choice ni Gabrielle kung hindi pumayag. I'm hesitant to say yes at first kasi alam 'ko namang kaya niya mag-isa kahit wala ako pero mapilit si Tita Melissa.

"Hihintayin kita sa kotse." Wika ni Gabrielle mung makasalubong niya 'ko when I was about to go upstairs after we finished my dinner while he is going downstairs, nauna kasi siyang matapos samin ni Tita kumain eh.

Kinuha 'ko lang 'yung cellphone at bag 'ko na nasa kuwarto at sumunod na'ko kay Gabrielle sa kotse. Tahimik lang ito at mukhang malalim ang iniisip. Bago kami umalis ni Gabrielle eh nauna siya samin kasi sinundo siya ni Tito Anthony ang daddy ni Gabrielle.

Nung nasa biyahe na kami ay biglang buhos ng malakas na ulan, dahilan para maantala 'yung biyahe namin. Madulas 'yung daan at kung hindi kami hihinto sandali ay baka naman ma-aksidente kami o kaya lumubog sa baha 'yung sasakyan namin.

Ilang minuto ang lumipas at bahagyang tumila 'yung ulan pero hindi yo'n naging sapat para makausad kami sa biyahe namin dahil nung sinubukan ni Gabrielle na paandarin 'yung sasakyan ay hindi na ito umaandar.

Ang malas naman bakit ngayon pa kasi umulan? Ni hindi nga namin alam kung nasaan na kami dahil para kaming nasa gitna ng kawalan. Tanging isang malakas na buntong hininga lang ang narinig 'ko sakaniya nung hindi siya nagtagumpay na mapatakbo 'yung makina ng sasakyan niya.

"What happened?" Tanong ko dakaniya, tumaas naman 'yung kilay niya sa tanong ko. "Di ba, obvious? Nasiraan tayo." Sarkastikong sagot niya. Kapag minamalas ka nga naman oh! Bakit ba naman kasi ngayon pa umulan ng malakas?

"Saan ka pupunta?" Pigil 'ko kay Gabrielle nung makita 'ko siyang akmang baba ng sasakyan.

"Susubukan kong ayusin 'yung makina ng sasakyan, dito ka lang." Sagot niya bago bumaba.

Naiwan naman akong mag isa sa kotse habang sinusubukan niya itong ayusin. I tried to open my phone para sana humingi ng tulong o makatawag pero lowbat pala 'ko.

Tinignan 'ko si Gabrielle na busy pa rin sa pag aayos nang sasakyan kaya nagpasiya kong bumaba. "Bakit ka bumaba?" Sigaw ni Gabrielle sa'kin. "I tried to call for help pero lowbat na 'ko, baka may battery pa 'yung cellphone mo, akin na." Sagot 'ko sakaniya. Tumingin naman siya sa kotse at ngumuso. "Nasa loob ng kotse." Wika niya kaya agad akong bumalik sa loob para kunin 'yung cellphone niya.

Chaotic Love Affair✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon