TBT 60

55 2 0
                                    




"Hi," bungad ko pagkasagot ng tawag ni Anton. 

"Hi, sorry I called. I was worried, you weren't replying to my messages," he explained. 

"Natakot ka, no? Akala mo I ghosted our friendship?" Sabi ko pa na tinawanan niya lang. 

Kasi naman, after the announcement there were a lot of things that happened. Kinailangan namin na maging active lalo na sa pag sagot ng mga katanungan ng ibang bata. May mga Senior High School pa nga na dumadayo sa second floor ng building namin... pero ang hula namin ay either gusto nilang makita yung mga crush nilang ate, or yung mga crush nilang kuya. 

I opened my iMessage's inbox and saw lots of worried texts from him. 

"Hala! I totally forgot to switch off my DND mode kanina. I'm sorry. Kakatapos lang kasi ng meeting ko with the higher-ups," now it was my turn to explain. Wala talagang nagpapatalo sa aming dalawa at palagi kaming nage-explain kahit hindi naman talaga kailangan. "Was the meeting about Night Jamming?"

Tumango ako kahit alam ko naman na hindi niya ako nakikita, "Yep," sabi ko pa habang pina-pop yung dulong letra na para bang may maidadagdag yun sa sagot ko. 

"Pagod ka na?" The guy from the other line asked and my heart skipped a beat. 

Minsan lang siya mag Tagalog and mostly sa texts lang. Parang nung mga una-una ay nagsasalita siya kasi napuna ko yun sa kaniya pero after no'n balik na kami sa pagsasalita ng ibang lenggwahe. Minsan nga kapag nakikitambay ako sa unit nila ay kinukulit ko siya pero namumula lang yung tainga niya tapos mas nahihiya lang siya. 

"Medyo, pero kaya pa naman," sagot ko. 

"You want to eat lunch?"

"I ate with the council kanina, hindi na kasi ako lumabas ng office pagka-balik ko," I went there straight from my morning class. Mostly kasi ng mga klase ko ay umaga, nine to twelve, tapos may hapon naman. Today ay excused ako sa one to four in the afternoon class ko dahil nga sa meeting. Hinayaan lang din ako ng professor ko dahil maayos naman ang performance ko. 

"How about snacks?" 

"Sure, mag merienda tayo. By the way, saan pala? 

Narinig ko ang kaunting pag hum niya na parang nag-iisip bago sumagot, "I know a near place. The place is good as well as its ambience. Their food is good, too. Every time I go there I find to love and vibe the songs they play," mahaba-haba niyang sabi. 

Ayon sa mga nasagap kong balita also known as kwento ng mag boyfriend and girlfriend ay rarely daw mag salita itong kausap ko. Minsan daw ay kinakaya nito na naka-headphone lang at nakikinig ng music. Minsan naman sa mga usapan ay taga thumbs up lang kahit na in person naman nangyayari yung meeting, kaya medyo nagtataka ako na pahaba ng pahaba ang mga sinasabi niya. 

Hindi naman ako nagre-reklamo.

To be honest, I kinda like it. 

Mas naririnig ko yung boses niya, pati na rin yung mga  thoughts niya... minsan kasi bigla-bigla na lang siyang nagsasabi ng mga fun fact. Yung iba hindi naman nakakatuwa kasi about death ng mga hayop. 

"Daanan mo ako sa baba?" 

"Hmm?" 

"Sa baba kako, kay lalabas na ako ng building," I said. 

"Are you sure?" Napansin ko na may pagi-ingat sa boses nito. 

"Yep," sabi ko ulit habang inaayos ang mga gamit na nagkalat sa lamesa ko. 

"Okay, be there in fifteen," ngayon naman ay tunog siyang naka ngiti habang nagsasalita. 

"See you," bulong ko sa phone bago ibinaba ang tawag. 

True to his words, maganda nga ang place na napili niya. One of the highlights is the private room. Para siyang dine in resto na chill lang but at the same time intimate. Pwede kang mag enjoy ng coffee and snacks sa longue or umupo sa formal tables for dining. Mayroon din na mga personal and private rooms na pwedeng i-rent for hours. Napili nga namin yung private room para na rin tahimik. 

"I usually go here when I have long breaks, I just book a private room online and then pay when I get here," he stated while making himself comfortable sa kabilang dako ng upuan. Literal kasi siya na private room tapos for two pa, ang ending para siyang cubicle na medyo malaki naman pero table and upuan lang talaga yung design tapos naka-surround yung chairs na may pillows sa lamesa. 

I look at the painting na naka sabit sa bandang taas ng ulo niya, "This is actually a nice place, not gonna lie." 

With a smile, he said, "I told you." 



The Beautiful Thing (Lucky Girlies #1)Where stories live. Discover now