Chapter 4

78 4 0
                                    

"Excuse me." Tambad samin ng babae na naka mini skirt at varsity jacket over her tank top. Si Samantha.


Nakatayo lamang sya sa harap namin na tila may hinihintay na mangyari. Naku, wag lang sya makagawa-gawa ng something na di ko magustuhan kasi makakatikim talaga sya sakin.


"Are you deaf? That's our spot." Sabat naman ng alagad nya, si Nicole.


"Oh, I'm sorry. I'm not aware that you have to have a lease to sit on these bleachers. As far as I know, they're for students and last time I check I am a student of this university." Pakli kong sagot sabay poker face.


"You know what, you're right. These bleachers are for students. PAYING students. Nagbabayad ka ba dito?" sarkastikong sagot ni Samantha sabay ngiti. Yung ngiting aso. Yung made of plastic.


"Eh ano naman sayo kung di –"


"Friend, alis na lang tayo. Besides, and dami namang lamok dito. Eww." Putol ni Rachelle sa sasabihin ko.


"NO! I have the same right as these stup-"


"What's going on?" sabad ng isang boses mula sa aking likuran. Kahit di ako lumingon kilala ko ang boses na yun at for sure kilala nyo rin.


"Hi babe." Sabay halik at pumulupot agad si Samantha na parang ahas kay JM. "I was just asking these losers to find a different spot kasi tambayan natin to eh."


"Losers your face." Di ko na napigilang sumabat. Nakatingin lang si JM. Walang reaksyon na makikita sa mukha nya. "Tara na nga Rache, nangangati ako. May allergy kasi ako sa malandi."


Pagkasabi nun ay tumalikod na kami agad at dali-daling umalis. Narinig kong may sinabi pa si Samantha at pinatigil sya ni JM pero di ko na pinansin.


Dahil sa pikon ay napakain ako ng strawberry sundae na libre ulit ni Rachelle. Okay lang na isipin nyong nambuburaot na ko sa kaibigan ko pero wag nyo sanang kalimutan na ako ang gumagawa ng lahat ng projects nya at reports, so patas lang.


"Hay naku friend, hayaan mo na yun. Ang landi talaga nung Samantha na yun, mukha namang sapatos." Pagpapakalma sakin ni Rachelle.


"Di lang mukhang sapatos, mas maganda pa nga ingrown ko sa kanya. Leche sya. Tinawag pa tayong 'losers'?! Batuhin ko kaya sya nitong iPhone ko nang–" dun ko namalayan na wala sa bulsa ko yung iPhone 4 ko. (Dapat may emphasis yung iPhone 4.)


"Ay walang pagpapahalaga." May tampo kunyari na sabi ni Rachelle.


"Tse! Di pa kasi ako sanay na may iPhone 4. Teka sandali, tingnan ko sa bag. Baka naman tinago mo bruha ka."


"Wala noh! Baka naiwan mo dun sa bleachers." Pakli naman ni Rachelle. "Burara!"


"Lika dali, samahan mo ko baka andun nga yun!" di ko na hinintay ang pagsagot ni Rachelle at dali-dali akong bumalik sa bleachers. Malayo pa lang kita ko na na wala na dun sila JM at Samantha. May iba na ring nakaupo.


Nilapitan ko agad ang mga nakatambay na nandun at nagtanong kung may napansin ba silang iPhone 4 dun na naiwan. Wala daw – mga sinungaling! Mga mahihirap!! Mga magnanakaw!! Pero baka wala nga talaga.


Naiiyak na ko at kinapa ko ulit ang bulsa at hinalungkat ang bag papunta sa kung saan. Nakita ko si Rachelle na papalapit at inaya ko syang pumunta ng lib baka dun ko naiwan. Alam namin pareho na nagamit ko pa ang iPhone 4 habang nakaupo kami sa bleacher kanina pero nagbabakasali pa rin ako na himalang napunta ang phone ko sa lib. I was expecting na di ko makikita ang phone ko dun, pero binuksan ko pa rin ang purple box at ng makita kong wala nga itong laman, nanlumo akong naupo at tumingin kay Rachelle.


"I'm sorry friend." Maluha-luha kong paumanhin. "Di man lang umabot ng 24 hours sakin, kakaasar."


"Hay naku. Ikaw kasi napaka burara mo. Pano na tayo makakapagusap nyan? Yaan mo, hanap na lang ulit ako ng spare phone sa bahay." Balik siglang sabi ni Rachelle.


"Ay, may ari ka ba ng factory ng cellphone?" biro ko namang sagot.


"Hehehe, hindi naman –"


"Excuse me. I guess sayo to?" biglang sabat ng isang boses kay Rachelle. At tumpak na naman kayo, si JM. "Naiwan mo ata dun sa bleachers kanina." At inabot nya sakin ang phone, I mean iPhone 4 ko.


"Ay hala, thank you. Salamat. Talaga."


"No worries." Akmang tatalikod na ito ng biglang sinabi nya "By the way, it would be safe to put a passcode on that. Pero it's a good thing na wala din kasi nalaman kong sayo when I checked the pictures. I hope you don't mind." Pagkasabi nun ay tumalikod na sya.


Napalitan ng kaba at pagkapahiya, sobrang pagkapahiya ang galak at tuwa ko. Hindi ko nga nalagyan ng passcode to kasi di pa ko masyadong marunong. That means nabuksan nya ang gallery, nakita nya ang mga pics, nalaman nyang ako ang may ari. Nakita nya ang mga pics... ang mga pics... as in pictures... nakakahiya.


Ok sana kung scandal ko nakita nya makaka move on pa ko pero pictures sa gallery. . . gosh. . . pictures NYA na kinuhaan ko sa mga tarpaulins na nakapaligid sa school. Nakakahiya!!! Gusto ko ng mawala, gusto kong matunaw, gusto kong maglaho, gusto kong mag migrate sa ibang bansa!!


***tbc***

Highly UnlikelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon