Chapter 29

62 3 0
                                    

Lumipas ang mga araw at lahat sakin nagbago. Hindi na ko ang dating Alex na masayahin, makulit, bungisngis. Wala na yung Alex na yun, namatay na yung parteng yun ng sarili ko.


Naapektuhan ang pag-aaral ko at muntik na ring maapektuhan ang friendship namin ni Rachelle.


"Friend, alam ko masakit at mahirap yang pinagdadaanan mo...kung yan yung way mo to cope, sige pero sana wag mo naman kaming itaboy palayo kasi gusto lang naming damayan ka. Hindi ka nag-iisa." Litanya na naman ni Rachelle sa labas ng kwarto ko.


2 weeks na kong ginugulo ng bruhang to. Pero wala akong lakas para tumayo, wala akong lakas para kumain at wala na rin akong lakas para umiyak pa. Tuyong-tuyo na ang mga luha ko.


Wala akong ganang kumain at swerte na si Rachelle pag nakaka dalawang subo ako.


"Friend!! Aalis na muna ko. May food na sa ref. At sana maligo ka na rin."


"Bruhaa!!!" at binato ko ng unan ang pintuan.


"Ay! It's a sign na bumabalik ka na nga. See you later!" pamamaalam ng hitad.


Siguro nga ok na ko. Siguro kelangan ko ring magluksa para makapag-move on na rin ako. At bigla nga kong nakaramdam ng gutom.


Bumangon ako at lumabas for the first time after 2 weeks.


Hapon pa lang pala at nakakasilaw naman ang liwanag sa buong bahay. Nanghihina ako at nangangatog ang tuhod ko, I made my way down stairs nang nagulat ako ng bumukas ang pinto at may pumasok.


"Uy, thank God you're up! Here...you need anything?" inalalayan ako ng bagong pasok habang bitbit ang mga pinamili nya.


"Water." Ang dry ng lalamunan ko at medyo malat ang boses ko.


"Here. Ummm...initin ko lang yung food. For sure gutom na gutom ka na."


Nagtataka pa rin ako kung bakit sya andito. Tinawagan ba sya ni Rachelle?


Pinaghanda ako ni JM at wala kaming imikan, in fairness masarap yung hinanda nya na baked something at naparami ang kain ko.


Gutom nga ko. Habang kumakain ako ay busy naman sya sa kung anumang ginagawa nya sa kusina and from time to time nagtatanong sya kung ano pa kailangan ko.


After kong kumain ay umakyat na ko agad at nagbabad sa tubig. Tapos na ang pagluluksa ko, tapos na ang pageemote ko. It's time to move on, forgive, live life and be free again. Matagal akong nagbabad at after nun ay nagligpit ako ng room ko at maya-maya ay lumabas na rin.


Nadatnan kong nasa kusina pa rin si JM, nakaupo sa dining at nanunuod ng tv habang may niluluto sa oven. Nang napansin nya ko ay agad itong tumayo.


"Hey, do you need anything? Merienda? Wait, matatapos na rin yung ni-bake ko. Ummm...fruits? Wait..." at nagbukas sya ng ref para kumuha ng prutas.

Highly UnlikelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon