Chapter 26

61 4 0
                                    

Summer break at napilit ko rin si Kiel to stay na lang sa states hanggang matapos ang dapat nyang tapusin dun at ako na lang ang pupunta sa kanya.


After holy week ang alis ko so before that ay nag-enjoy muna ko dito sa Pinas. Halos araw-araw kaming magkasama ni Rachelle at pumupunta kung saan-saan.


Pumunta kaming Boracay ni Rachelle to spend the holy week there at para na ring farewell party kuno kahit magbabakasyon lang naman ako sa states. We had a reservation na rin ahead since it's the peak season.


Boracay really is beautiful.


While partying ay napansin ko na may kanina pa nakatingin sakin since medyo tipsy na rin ako ay nilapitan ko ito and I almost tripped when I realized that it was JM.


Ngumiti lang ito at sinalubong ako.


"Hello stranger." Bati nito sakin sabay abot ng iniinom kong mojito. "Mukhang lasing ka na ata ahh."


"No, medyo tipsy lang. Nakakahilo. Samahan mo nga ko sa labas, papahangin lang ako. Ang gulo dito." At hindi ko na hinintay ang reply nya, lumabas na ko agad.


Sumunod naman si JM.


"Who are you with?" bungad nyang tanong sakin when he caught up with me.


"Rachelle. Ewan ko na nga ba kung saan na pumunta yun. May nakilala lang nakalimutan na agad na kasama nya ko. Hehe." Tipsy na nga talaga ko kasi ang daldal ko.


"Ahh...kala ko kas-"


"Ikaw? Sino kasama mo? Parati na lang tayong nagkikita kung saan-saan ah. I don't believe in coincidence pa naman, sinusundan mo ko noh?" at biglang natigilan si JM. This past few months nga ay parati ko syang nakikita kung saan man ako nandun. Hindi ko na lang sya pinapansin, iniisip ko lang na baka nagkataon lang kasi masyado na rin naman akong feelingera kung iisipin kong sinusundan nya ko. "Hahaha! Joke lang. So sino nga kasama mo?"


"Huh? Ahh...actually, kasama ko dapat yung mga friends ko kaso hindi na sila natuloy eh nakapagpa book na ko, so I decided na ako na lang mag-isa."


"Dami mong sabi ah. Yes or no lang naman."


"Hindi naman 'yes or no' yung sagot sa tanong mo ah."


"Hindi ba? Heheh." Naglakad-lakad nga kami sa tabing dagat.


Medyo malamig ang hangin pero maaliwalas. Marami pa ring tao kahit gabi na and marami kaming nadaanan na sand sculptures and mga fire dancers. Nakakatuwa.


Natahimik kaming dalawa na may kanya-kanyang iniisip.


Napansin ko na lang na papakonte na ang mga tao at may mga mangilan-ngilang naglalakad din.


Highly UnlikelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon