Tinawagan ko si JM agad to let him know that I'll be spending Christmas with Kiel and his parents and that I'm really sorry na hindi ako matutuloy sa kanila.
"Ganun ba...?" rinig ko ang lungkot at disappointment sa boses ni JM pagkatapos kung ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi ako matutuloy sa kanila.
"Yes JM..." medyo awkward na ang nararamdaman ko dahil na rin sa nahihiya ako sa kanya pero alam ko naman na naiintindihan nya.
But it's more than that, alam namin pareho na mauudlot ang kung anumang umuusbong between us, I'm not closing my doors and I will always treasure and appreciate JM and his efforts pero alam naman nya na mahal ko pa rin si Kiel at hindi na mawawala yun. I will always love Kiel.
"I understand...just send my regards to Kiel and his parents. Hopefully, gumaling sya. Whatever happens, I'm just here. A-always..." I felt his sincerity naman sa sinabi nya, after we bid farewell ay naputol na nga ang linya.
There was a little bit of finality ng naputol ang linya, it seems like there was an unstated understanding na pumili na ko sa kanila and final na ang desisyon ko. I'll give it to JM for being a true gentleman. Alam ko nasaktan ko sya pero alam nya rin naman before hand kung ano talaga ang nararamdaman ko.
Mahirap din naman sakin ang sabihin sa kanya pero masasabi ko rin na hindi ako nahirapan kung sino ang pipiliin ko.
Kiel was happy and yun yung tuwa na meron sya dati, yung sigla at sweetness na ugali nya ay bumalik, kung ano at sinong Kiel ang nakilala at boyfriend ko ay bumalik kahit pa may iniinda syang sakit pero kinakaya nya, nakakaya nya dahil sakin, don't mean to brag but Tita Celine said that Kiel is giving up hope and does not want to live kaya na rin nakipagkita na sakin si Tita at nakiusap na bisitahin si Kiel.
Pero hindi lang ako bibisita, I'm here to stay with Kiel all the way.
Masaya naming pinagdiwang ang pasko, kahit alam kong baka ito na ang huling pasko ni Kiel ay hindi ko na pinagtuunan ng pansin yun. Importante ang ngayon, ngayon na masaya kami, magkasama kami at kapiling namin ang isa't isa. Sabay na lumalaban at hinaharap ang problema.
After magligpit at magayos ay nakita kong nasa veranda si Kiel at mag isa. Tahimik na rin ang buong bahay dahil mag-aalas tres na rin ng madaling araw.
"Merry Christmas babe..." niyakap ko si Kiel mula sa likod, "I'm very, very happy."
"Ako din naman po...sobra, sobra. Salamat sweetness." Ngumiti sya at kumalas sya sa pagkakayakap ko at humarap sakin.
Nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata, the same brown eyes na humihigop sa lahat ng lakas ko. He is very beautiful.
May kinuha sya sa bulsa ng jacket nya at bigla akong nangamba ng lumuhod sya sa harap ko. Di ko napigilang takpan ang bibig ko nung nakita ko ang hawak nya na parang inaalay sa harap ko.
"B-babe..." Kiel is choking and I can see tears na namumuo sa mga mata nya, "this may not be what you imagined or what you think will happen but this is what I can do for now."
Di ko na rin napigilang lumuha sa tuwa sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa ni Kiel and pigil na pigil ko ang paghinga sa susunod nyang sasabihin.
"Babe...I love you and I will literally die without you...Alex Arevalo..w-will you give me the honor to s-spend the rest of my life with you?" at naiyak na ko ng tuluyan.
Napaluhod din ako pagkatapos nyang sabihin yun at diretso lang ang tingin ko kay Kiel kahit umaagos ang luha sa mga mata ko, sinuot nya ang singsing at pagkatapos nun ay niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.
Umiiyak ako sa sobrang tuwa at sa lungkot na rin. Masayang-masaya ako kasi hindi ko inaakalang magpo-propose sakin si Kiel, I know how much he loves me but I didn't think that he'll go this far. But because he is Kiel, he surprised me once again.
At the back of my mind ay naiisip kong hindi na sya magtatagal at yun yung ikinalulungkot at kinakatakot ko pero like I said, importante ang ngayon. Mangyayari ang mangyayari at hinahanda ko na rin ang sarili ko pero hindi ko hahayaang masayang ang oras ko at panahon sa kalungkutan at pagsuko.
"Hindi mo pa rin ako sinasagot babe." Sambit ni Kiel habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Kumawala ako sa pagkakayakap at tiningnan ko sya sa mata.
"Kiel Ramirez..." my voice cracked, "I am the happiest person right now and yes, I'd love to be with you for the rest of our lives." And he kissed me.
The kiss that sealed his proposal, the kiss that erased all fears and insecurities and sorrows.
We made love that night and it was the happiest night of my life. Kiel has always been a generous and demanding lover, passionate and hungry, caring and aggressive. We made love in front of the fireplace and I thought that it was very cliché but it is what it is. We can never be happier.
The following days were spent with the preparation for the wedding. Small ceremony lang sya pero grabe ang preparation dahil na rin si Tita Celine ang punong abala. We will have the ceremony sa Botanical Garden and para talaga syang typical na wedding between a man and a woman. May kinuha syang wedding planner and request na rin namin ni Kiel to have an intimate wedding, classic and private na nagustuhan din naman ng parents ni Kiel.
Rachelle came to Baguio also, dala nya si Calvin, dahil sya daw ang "Maid of Honor" ko na self-appointed na naman pero na-appreciate ko naman ang effort nya. Hindi naman kami naging ganun ka-busy sa preparation kasi nga may wedding planner na rin naman kaya ang ginagawa na lang namin ay shopping at pagpapaganda. Habang papalapit na ang kasal namin ni Kiel (ihhhh...kilerg) ay mas lalo akong nae-excite. Hindi ako kinakabahan or yung cold feet but I feel excited talaga.
***tbc***
BINABASA MO ANG
Highly Unlikely
Teen FictionA story about love. Alex Arevalo - perky, funny and gay. Juan Mikael "JM" Tan - serious, mysterious and confused. Kiel Ramirez - pranskter, sweet and sure. Samahan sila sa kwento ng pag-ibig na puno ng saya, tawa at paminsan-minsang luha. Snippet: N...