One day umalis si Kiel ng early morning dahil daw may surprise sya sakin and I thought na baka may bibilhin lang sya or may pinagawa sa bayan at kukunin nya lang pero laking gulat ko talaga ng makauwi na sya na walang dala pero may mga kasama.
"Alex...??" di ako makapaniwala sa nakita ko at di ko alam kung tatakbo ba ko o ano at bigla na lang akong nagulat ng bigla akong yakapin ng mga bagong dating. Nakita kong nakangiti lang si Kiel at tumango sakin saka umakyat sya ng kwarto namin.
Naiwan ako sa sala kasama ang mga taong dinala ni Kiel sa bahay.
"Sinabi samin ni Kiel ang lahat..." sabi sakin ng kasama ni Kiel pagkatapos naming naupo sa sofa. Gulat na gulat pa rin ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"A-alex..." may pagka alanganing tanong sakin ng isa pang kasama ni Kiel, "anak...hindi namin alam kong anong sasabihin namin ng Tatay mo sayo."
Tumingin ako kay Inay, maamo pa rin ang mukha nito kahit na halata na ang edad nito pati na rin si Itay. Mahigit limang taon kaming hindi nagkita pero hindi ko man lang makuhang mayakap ang mga magulang ko. Parang waka akong sabik na nararamdaman.
"Alex...alam namin na masama ang loob mo samin ng inay mo pero alam din namin na matalino ka at naiintindihan mo kung bakit kami pumayag na dun ka na lang muna sa tyahin mo." Naramdaman ko ang hiya at pagsisisi sa boses ni tatay.
After kung mag graduate ng elementary ay naka-plano na kong tumigil sa pag-aaral at tumulong na lang sa bukid. Alam ko naman na hindi na ko kayang pag-aralin nila Itay kaya naihanda ko na ang sarili ko na tumanda sa Sagada bilang tagapag alaga ng gulayan namin.
Pero gumuho ang mundo ko nung nalaman kong pumayag sila Inay at Itay na dun daw muna ako sa Maynila sa tyahin ko at papag aralin daw ako kapalit ng konting halaga na gagawin nilang dagdag puhunan para sa gulayan namin.
Napapayag din naman ako sa gustong mangyari nila Itay at Inay pero hindi ko inakala na papag aralin nga ko pero gagawin din naman akong all-around katulong. Alam kong walang kasalanan ang mga magulang ko pero hindi ko pa rin maiiwasang mag tampo kasi hindi naman ako nanghihingi ng karangyaan sa kanila.
Ayos na ko na tumulong sa kanila, hindi ko naman hinihingi sa kanila na pagaralin nila ko ng high school.
Pero nung nakita ko sila ulit na kasama ni Kiel ay nawala lahat ng sama ng loob ko at napalitan ng guilt. After all these years ay sinara ko ang pintuan ko sa kanila and I realized what a stupid ******* I was to my parents, I realized how I missed a lot of times na kasama ko sila.
"Tay...N-nay...sorry po," at gumaralgal na nga ang boses ko, niyakap ko sila pareho, "Sorry din po kung nag tampo ako sa inyo. Hindi ko alam na sobra ko na pala kayong namimiss."
Nag-iyakan kaming pamilya at napatawa na rin sa tagpo naming yun. Likas kaming masayahin at nagbibiruan, kahit mahirap lang ang buhay namin pero kuntento na kami. Naiintindihan kong para rin naman sakin ang ginawa nila Inay at Itay. Matagal ko nang alam na ginawa nila yun para pag ipunan ang pang kolehiyo ko pero hindi nila alam na ganun pala ang magiging sitwasyon ko.
"Ano ba yan anak? Ang drama na natin." Awat ni Itay sa iyakan namin.
"Hahah...oo nga tay. Teleserye lang." at sisinghot-singhot naman ako.
"Nak, masaya kami na nagkita rin tayo. Ang laki-laki na ng ipinagbago mo." Sabat naman ni Inay. At naalala ko kung pano sila nahanap ni Kiel.
"Nga pala Nay, pano kayo nakita ni Kiel?" taking tanong ko.
"Ahh yung boyfriend mo? Ewan ko nga rin eh, bigla na lang sumulpot kanina tapos yun kinuwento nya samin ang lahat tapos pinakita nya sakin yung mga pictures nyo para daw ibedensya tapos yun nalaman namin na ikakasal na raw kayo. Nabigla kami ng tatay mo at na -high blood pa nga ata si Itay mo eh. Heheh."
"Oo nak. Pero unang kita pa lang namin dun ay alam naman namin na mabait syang tao. Tapos inimbitahan nya kami na bumaba raw ng Baguio, at nagulat kami ng paakyat kaming Kiltepan at sinakay ba naman kami ng helikopter. Pers taym ko talaga yun nak, ang saya tas yung Inay mo nakapikit buong byahe. Hahaha."
"Loko..." pakli ni Inay kay Itay at tawanan nga kaming nagkwentuhan at nag catch up sa buhay-buhay.
My parents then went sa bahay na inupahan ni Tita Celine for the families and friends na dadalo sa ceremony. Sinamahan ko sila dun at ng bumalik na ko ng bahay ay agad kong hinanap si Kiel.
Nasa likod sya ng garden at nakaupo lang habang umiinom ng beer.
"Can I join?" ngiti kong tanong sa kanya at bigla naman syang umusog and he opened his arms inviting me to sit down and cuddle with him.
He took a sip from his beer bottle.
"Thank you babe." Sabi ko sa kanya while cuddling and enjoying the warmth of our body so close together, "you never failed to surprise me and make me happy."
"I lived to make you happy." And when we realized the pun ay naramdaman ko ang pag tense ng katawan nya. He calmed when I hugged him na parang sinasabi ko na everything will be fine and he calmed and continued drinking his beer.
***tbc***
BINABASA MO ANG
Highly Unlikely
Teen FictionA story about love. Alex Arevalo - perky, funny and gay. Juan Mikael "JM" Tan - serious, mysterious and confused. Kiel Ramirez - pranskter, sweet and sure. Samahan sila sa kwento ng pag-ibig na puno ng saya, tawa at paminsan-minsang luha. Snippet: N...