A couple of months passed by quickly. Mas lalo kaming naging close ni Kiel. At parati kaming magkakasamang tatlo with Rachelle kung saan-saan. Usual tambayan nila ang library pag wala silang pasok na dalawa at ako naman ang naka duty, pero most of the time nasa mga bleachers lang kami sa school ground pag pareho kaming may free time or after ng klase. I still have my part time jobs at minsan sinasamahan pa nila akong mag tutor.
Kami ni JM, well going strong pa rin. Ang strong pa rin ng agwat namin sa isa't-isa. Minsan nagkakatinginan kami pag nagkakasabay sa elevator or sa library or sa cafeteria or sa hallway pero hanggang dun lang. I attempted to have small talks with him pero tango lang or total deadma ang napapala ko. Hay! Kung di lang kita mahal! Charot!
Pero nung mga nakaraang araw, napapansin ko na extra sweet ata sakin si Kiel. Ayoko namang bigyan ng kung anong meaning pero kasi over na.
Maraming beses nya na kong hinintay talaga hanggang sa matapos ang shift ko sa Mcdo at ni-treat ako mag-dinner bago ako hahatid papauwi. Meron ding tutulungan nya kong magligpit ng mga books sa lib or hahatiran nya ko ng sandwich or burger or kung anu-anong food pag naka-duty ako sa library. Meron ding bibilhin nya ang mga bagay na nasasabi kong gusto ko, like one time may nadaanan kaming record bar, sinabi kong favorite ko si Adele, the following day I was surprised na may dalawang albums ako ni Adele na nakalagay sa locker ko. At isa pa yun, inalam nya yung locker code ko, kala ko naman makikilagay lang sya ng kung anu-anong gamit nya dun pero para lalagyan nya lang pala ng mga surprises nya.
Hindi ko naman gustong lagyan ng kung anu-anong meaning pero bakla lang ako, marupok at feelingera lalo na nung malaman kong sakin nya lang ginagawa yun. I asked him one time kung binibigyan nya rin ba si Rachelle, he told me that he doesn't have to kasi baka di rin lang naman daw maappreciate ni Rachelle tsaka may pera naman daw ito.
"Hay naku friend. Manhid ka ba or tanga?" bulyaw sakin ni Rachelle nang pinabasa ko sa kanya ang text sakin ni Kiel.
You're important to me. Iyakin!! Hahaha!
Text sakin ni Kiel when I asked him kung bakit nya ko hihintayin ulit after ng shift ko sa Mcdo.
"Actually, ayoko lang mag-assume friend."
"Okay. Para di ka mag-assume eh di tanungin mo. Why complicate things?"
"Wow English." Biro ko kay Rachelle pero napaisip naman ako sa sinabi nya. "Oo nga noh. May point ka dun. Minsanan ka lang nakakapag-isip ng ganyan ah. Congrats mahfriend. Heheh."
"Tse!"
After ng shift ko ay sinundo nga ko ni Kiel, well not exactly sinundo since kanina pa sya naghihintay pero he was there like what he promised. We had dinner at a different place na naman.
This is somewhere around San Juan, it's not that lavish pero it has good taste.
After we settled in at ng nakapag-order na ay sinimulan na agad ni Kiel ang pangungulit sakin about my day at kwento rin sya tungkol sa nangyari sa kanya sa araw na yun. Dinner was served at kwentuhan pa rin kami. I was about to finish my dinner when I got serious then I asked him:
"Kiel, why are you doing this?" nabigla sya sa tanong ko and na-confuse. "This. Why are you so nice to me?"
"Alam kong serious ka kasi nage-english ka na eh." after nyang uminom at nagpunas ay sumeryoso na rin sya. "Okay...
"Remember nung tinakot kita sa banyo? Nung lumabas ka dun sa cubicle... I felt something I can't explain. I thought natatawa lang ako na natutuwa sayo nun. Tapos nung nakita ko nga kayo ni Rachelle parang gusto kitang asarin pa. But then hindi yun eh, gusto kitang kasama..." taimtim lang akong nakikinig sa kanya.
He paused, an awkward pause.
"Do you remember nung sinabihan kitang 'I like you'? I meant that...pero kasi...parang naging uncomfortable ka nun kaya sinabi ko na lang na like kitang maging friend. Napahiya na kasi ako. Heheh." A nervous laugh. Napainum sya ng tubig.
Tiningnan nya lang ako sa mata. Di ko alam pano magre-react. Makikipagtitigan din ba ko? Natatakot ako kasi baka mabasa nya o mahalata nya na kinikilig ako sa mga sinasabi nya. Ayoko namang tumungo o tumingin sa kung saan baka isipin nyang di ako interesado sa mga pinagsasabi nya. I am not expecting this but somehow I am anticipating na sasabihin nyang gusto nya ko at gusto nya kong ligawan pero malabo eh.
Hindi naman ako kagandahan. May Adam's apple pa ko.
Pero hindi sa pagmamayabang, ok naman ang itsura ko. Hindi pa naman ako nakutya ng mga bata samin na panget ako, oo natawag na kong bakla ng mga batang squatter pero hindi naman ako natawag na panget. Yun kasi ang batayan ko, kasi nga di ba hindi nagsisinungaling ang mga bata? Yung ibang mababait na bata 'Ate Ganda' yung tawag sakin. Hehehe. Swear!!
5'7" lang ako, hindi mataba at hindi naman ganun kapayat, balingkinitan lang. Hindi maputi at hindi rin naman maitim, mejo lang pero makinis naman ako noh at mabuti na lang hindi ako balbon kaya keri kong makipagsabayan ng pekpek shorts pero hindi ko naman ginagawa.
Sakto lang din ang aking mukha. Medyo bushy na eyebrows na tini-trim ni Rachelle every now and then, bilugan na mata na minsan napagkakamalang naka-contact lens – sadyang brown lang talaga kasi, hindi rin matangos ang ilong ko pero di naman pango at cute lang – button-nose ika nga, mejo full lips – mala Angelina Jolie (kontra?), at subtle jaw lang, yung hindi naman mapanga talaga na parang pitbull. Sabi kamukha ko daw yung Enzo Pineda ba yun may nagsabi na kamukha ko din daw yung Dominic Rocco, hindi ko naman sila gaanong kilala at naniniwala talaga ako na ang kamukha ko talaga ay si Tyra Banks.
So hindi na talaga kumibo pa si Kiel.
"Hmmmm...hindi mo pa rin sinasagot tanong ko kung bakit mo to ginagawa." Basag ko sa awkwardness at sa tension between us.
"Hindi pa ba obvious?" balik nyang tanong. Hindi ko naman na-gets agad.
***tbc***
BINABASA MO ANG
Highly Unlikely
Teen FictionA story about love. Alex Arevalo - perky, funny and gay. Juan Mikael "JM" Tan - serious, mysterious and confused. Kiel Ramirez - pranskter, sweet and sure. Samahan sila sa kwento ng pag-ibig na puno ng saya, tawa at paminsan-minsang luha. Snippet: N...