Chapter 31

55 3 0
                                    

After nun ay napansin kong mas naging masayahin si JM and when I asked him kung anong nangyari bakit parang may nagbago sa kanya , sinabi nya naman na things are working out good raw between him and his Dad. At nag shift na rin sya sa Architecture na gusto nyang kurso. It seems that everything is finally falling into places.


Magpapasko na naman at hindi ko maiwasang isipin ang nakaraang pasko. The happiest Christmas of my life pero hindi naman ako nalulungkot kasi alam ko namang magiging happy din ang pasko ko this year. Plano ko nang sagutin si JM sa mismong Christmas day.


I finally accepted that Kiel is now just a special memory, he will always be a part of me and he'll always have a special place in my heart. Wherever he is and whoever he's with I just hope that he's happy and contented.


Nung araw na yun ay excited si JM na kinakabahan, sabi nya his father invited me to spend Christmas with them and nagtataka sya kung pano ko nakilala ang father nya. Napangiti lang ako, hindi pala sinabi sa kanya ng Don and ok lang din naman sakin.


JM and I were busy shopping for Christmas gifts nang naramdaman kong may tumatawag sa cellphone ko. Nagulat ako at kinabahan ng makitang Mommy ni Kiel ang tumatawag pero kumalma rin ako ng naisip ko na baka mangangamusta lang ito or iinvite ako to spend Christmas with them. I was hoping na sana mangangamusta lang.


"Hello po, Tita Celine?" bati ko sa kabilang linya.


"Hi Alex. How are you?"


"I'm good po. Kayo po, kamusta na? It's been a while ah." Masigla pa rin ang boses ko and I mouthed to JM na mommy ni Kiel ang kausap ko.


"I think I'm okay. Nak, hindi ka na dumadalaw samin ng Tito mo. Nagtatampo na ko sayo."


"Ay sorry po Tita. Medyo nahihiya po kasi ako sa inyo. Heheh."


"Bakit naman? Kaw talaga... pero I understand...ummm, nak may papakiusap sana ako sayo." At biglang nag-iba ang boses ng mommy ni Kiel.


"Ano po yun Tita?"


"This is a really big favor, and magso-sorry na ko. In behalf of Kiel, ako na yung hihingi ng tawad." Nagtataka na ko sa sinasabi ng mommy ni Kiel.


"Tita, wala naman po kayong kasalanan and matagal ko na pong napatawad si K-Kiel."


"Alex...can we meet? Please? Very important lang."


"S-sige po Tita. Kelan po?"


"Pede bang later na Nak? Importante lang talaga."


Pumayag nga ko sa balak makipagkita ng mommy ni Kiel. After naming mag shopping ni JM ay hinatid na nya ko sa Royal Hotel na meeting place namin ng mommy ni Kiel, hindi na ko nagpahintay kay JM at sinabi kong magtataxi na lang ako.


Pumayag naman si JM pero naramdaman kong nag-aalala sya na parang kinakabahan, I assured him na I'll be ok and magkikita na lang kami kinabukasan at pumasok na kong hotel bago pa sya makasagot.

Highly UnlikelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon