Nang nakilala nya si Rachelle ay tinawag nya ito at ako naman ay patay malisya. Malayo pa lang sya, alam ko na na sya yun.
"Uy, Kiel!" bating sigaw ni Rachelle.
"Hey, Chelle! hahaha. Musta?" sabay beso kay Rachelle. Nasa likod ko lang sila habang ako ay nakaharap sa kalsada. Kinuha ko na ang iPhone 4 ko para di ako ma-OP at naglaro ulit ng Temple Run. Di ko na naririnig ang kwentuhan nila ng bigla akong napasigaw very slight dahil nabunggo ang avatar ko sa nilalaro ko.
"Ay aswang!" di ko napigilang magulat and dahil dun naagaw ko ang pansin ng magkaibigan.
"Ummm, nga pala si Alex. New girl friend ko. Hehe." Pakilala sakin ni Rachelle kaya napilitan akong humarap sa kanila. "Sya nga pala yung pinag-tripan mo kanina."
"Ahh oo. Si iyakin. Hi. Sorry ulit about earlier." Nakangisi lang si gago na parang wala lang. "Won't happen again, swear." At inabot nito ang kamay nya. "Kiel nga pala."
"Alex." Tipid kong sagot na hindi nakipagkamay at saka sumimangot at tumalikod ulit sa kanila, taray queen ang peg ko.
Di pa ko nakakapag restart ng game ng biglang may pumarada sa harap namin na sasakyan. Ang sundo ni Rachelle.
"Uy, dito na sundo ko Kiel. See you tom?" paalam ni Rachelle kay Kiel. Akma na kong sasakay din ng napatigil ako sa sunod na sinabi ni Kiel.
"Ako na lang maghatid kay Alex, kung ok lang sa kanya. Para naman makabawi ako, mukhang bad trip pa ata eh." At ngumisi ulit ito. Bago ako makasagot ay pumayag na si Rachelle at bineso na ko at nagpaalam na. Di man lang ako nakapagsabi ng opinion ko. Mga leche!
"So, let's go?" basag ni Kiel sa katahimikan ng makaalis na ang kotseng sumundo kay Rachelle na sinusundan ko na lang ng tingin.
"Hindi, ok lang ako. Jan lang naman ang dorm ko eh, walking distance lang. Thanks na lang. Nice to meet you." At tumalikod na agad ako.
"Ok. Nice to meet you too. Ingat ka ah, medyo madilim kasi dyan, alam mo naman kung anu-ano na lang ang nakatago sa dilim." Pananakot ng loko. "Dyan ka pa dadaan talaga? Balita ko may ano daw dyan though hindi ko pa naman naeexperience. Geh." At lumakad na ito sa opposite direction ko.
Tumingin ako sa paligid, walang tao, si Kuya guard tulog. May streetlamp naman pero nasa dulo pa at medyo madilim nga sya. Nilingon ko si Kiel at nagtaka ako dahil hindi pa sya nakakalayo at binabagalan ata ang paglalakad nya. For sure, naghihintay to na tawagin ko sya, pwes tama sya.
"SAGLIT!" sigaw ko sa kanya. Huminto lang ito at lumingon sakin na tila hinihintay ako na lumapit. "Pasabay na lang pala, medyo pagod na din ako at madilim nga baka may holdaper pa." lakad-takbo akong lumapit sa kanya.
Ngumiti lang ito saka sinabayan ako sa paglalakad. Hindi sa unahan ko o sa likuran ko kundi sa tabi ko, kasabay ko. Mas matangkad sya sakin and I think nasa 5'11" sya being a basketball player. 5'7" lang ako kaya nakatingala ako sa kanya. Gwapo naman pala si Kuya. Medyo moreno pero makinis at malinis, matangos ang ilong at ang pula ng lips, halatang di nagyoyosi. Deep set ang mata nito na medyo singkit pero hindi naman singkit talaga. Chiseled yung features nya, lalakeng-lalake. Broad ang shoulders nito at syempre ang weakness ko, magandang kamay. Nang muli ko syang sinulyapan ay nahuli kong nakatingin sya sakin at nakangisi, hindi ngiti kundi ngisi na ikinaasar ko naman. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko.
"Sorry. Natatawa pa rin kasi ako about what happened kanina. Hahaha." At di nya na nga napigilang tumawa. "Nakakatawa lang kasi yung pagtawag mo sa Mama mo. Hehehe."
Mapipikon na dapat ako pero nung narealize ko nga ang naging reaction ko nawaha na rin ako sa pagtawa nya.
"Loko ka ah! Sino kayang hindi matatakot dun. Tse! Tigil-tigilan mo nga ko." At nawala na nga ang asar ko sa kanya. Malapit na kami sa parking space nya pero tawa pa rin kami ng tawa over the same thing, he's not laughing at me but he's laughing with me. And somehow gumaan ang loob ko sa kanya. Hindi naman pala ito sing pilyo ng iniisip ko, sadyang masayahin lang at mahilig mag-prank na hindi naman nakakasakit sa iba.
Nadaanan namin ang front gate at saktong may mga nagsilabasan din, sila JM. Aarte sana akong titigil kunyari tapos tatakpan ko ang bibig ko na nagulat kuno pero hindi naman appropriate kaya nagpatuloy lang kami ni Kiel sa paglalakad. Nagkatinginan kami ni JM pero yun lang, wala man lang ni-spark ng recognition. Pero okay na ko dun. Hehehe.
Nabigla ako nang tinawag ni Kiel si JM, agad kung kinalma ang sarili sa possible na pag hyperventiliate ko. Agad akong nag mental check kung maayos ba ang mukha ko, ang itsura ko. Iniwan ni JM ang entourage nya at sinalubong si Kiel, habang ako ay nakasunod naman kay Kiel.
"Hey congrats Mr. Freshman!" bati ni Kiel at nagsecret handshake pa ang dalawa. Duh, may ganun-ganun pa.
"Haha, thanks bro. Bakit mo kasi inayawan? Yan tuloy mag-aattend ka ng NSTP. Heheh." Gaahhd, pamatay na tawa, pamatay na boses, pamatay na ngiti. Natutunaw ata ako.
"So san nyo itutuloy party nyo?" tanong ni Kiel at inumpisahan ulit nila ang paglalakad papunta sa parking space. Nung mapansin ito ng entourage nya ay nauna ang mga ito samin, buti di ako nakilala ni Samantha. The hell I care.
"Sa Eastwood, sama ka." Anyaya ni JM kay Kiel.
"Ay sige, have fun na lang bro. Pauwi na rin kasi kami, hahatid ko lang kasama ko." Patukoy sakin ni Kiel at tumingin nga sa direksyon ko si JM na wala man lang bahid ng recognition or anything. I know na naaalala nya ko kasi sya ang nakakita ng phone ko at sya pa mismo ang bumalik nito sakin sa lib.
OMG!
Bigla kong naalala.
***tbc***
BINABASA MO ANG
Highly Unlikely
Fiksi RemajaA story about love. Alex Arevalo - perky, funny and gay. Juan Mikael "JM" Tan - serious, mysterious and confused. Kiel Ramirez - pranskter, sweet and sure. Samahan sila sa kwento ng pag-ibig na puno ng saya, tawa at paminsan-minsang luha. Snippet: N...