Chapter 30

58 3 0
                                    

Two years na sana kami ni Kiel sa araw na to and all I have are the bittersweet memories when we were still together. I realized na kahit iniwan nya ko ay di nya pa din ako pinabayaan, like what he said nasa pangalan ko na yung unit ng condo namin at yung joint account namin ay ako na ang sole owner.


I was on my way to school nang naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Bigla akong nanlamig nang mabasa kung kanino galing ang text.


Hope ur doing ok. Miss you.


Feeling ko lahat ng dugo ko pumunta lahat sa ulo ko. Namanhid ang mga kamay ko, bumalik lahat ng sama ng loob ko, galit at hinanakit.


Kung kelan ok na ko saka sya magti text! Kung kelan natutunan ko na syang kalimutan kahit mahirap saka sya manggugulo ulit?! Masaya ba sya sa pinaggagawa nyang paglalaro sakin?


'Miss you'? anong ibig nyang sabihin? Gago ba talaga sya? Akala nya ba isang text nya lang magkakandarapa na agad ako sa kanya? Ulol!


Pero may mahinang boses ang nagsasabi sakin na mag-reply.


Tanga lang di ba? Local number number nya ang gamit nya which means na andito sya sa Pinas. Ano bang gusto nyang mangyari?


Ang gulo. Naguguluhan ako.




Pagkahatid sakin ni JM sa pad ko ay umuwi na rin sya agad kasi maaga pa kami the following day. Pupunta kaming Tagaytay. Pagkapasok ko ng building ay binati ako ng guard at may inabot sakin na package. Dineliver daw kanina and walang nakalagay kung kanino galing.


Pagkapasok ko sa unit ay agad akong pumunta ng kusina para buksan ang package, medium-sized box at medyo mabigat.


When I opened it at nakita ang laman ay hindi ko na napigilang umiyak.


Isang white na teddy bear at frame ng pictures namin ni Kiel. Ito yung favorite picture ko naming dalawa na hindi ko na alam kung san ko nalagay. Apparently, may kopya si Kiel at yun ang pina-blow up nya at pina-frame in black and white. At the back, may naka scribble na 'Sorry.'.


Galit na galit ako at sobra akong naiinis sa kanya. Hindi ko na talaga alam kong anong gusto nyang mangyari.


Hindi ako nagagalit sa kanya kasi napatawad ko na sya at natututunan ko na ngang mag move on, naiinis ako at nagagalit sa sarili ko kasi alam ko at alam ng puso ko na kaya ko syang tanggapin ulit sakaling babalik sya sakin. Ayoko na talaga pero pag nagkataon na gugustuhin nga nyang bumalik, sigurado akong tatanggapin ko sya kahit pa nasaktan ako sa ginawa nya.


May sakit na nga ata ako sa utak.





After ng gabing nun ay hindi na ulit nagparamdam si Kiel sakin. Nilihim ko ito kay JM kasi hindi na rin naman importante yun, ngayon pa na unti-unti na ring nahuhulog ang loob ko ulit kay JM.

Highly UnlikelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon