After ng gabing yun ay nagsimula na nga kong ihatid-sundo ni Kiel, walang mintis kahit pa ang lapit-lapit ng dorm ko. Every night din kaming kumakain kung saan-saan at syempre libre nya kaya nakakatipid ako sa hapunan.
Ngwahaha. At madalas din kaming kasabay mag-lunch pwera na lang pag may basketball practice sya since malapit na nga yung UAAP keme.
Hindi rin nawawala ang small gifts nya na minsan extravagant gifts talaga. I so love the huge teddy bear na naghihintay sa kotse nya nung sinundo nya ko after my Mcdo shift. Syempre kelangang umarte ako di ba? Umabot na ata ng Taiwan yung buhok ko.
Mas lalo ko syang nakilala bilang si Kiel at hindi bilang isang Ramirez. He's fun to be with, sensitive din sa feelings ng iba and he is capable of showing his feelings din. Mabilis syang tumawa pero hindi sya agad-agad umiiyak, ayaw nyang ipakita ang kahinaan nya sa ibang tao. He remembers every little things at hindi sya proud, he will admit na mali sya and he'll say sorry if he needs to.
He can be a little possessive minsan at may pagka-seloso pero reasonable naman and I find that cute.
Everyone in the school eventually found out about Kiel courting a nobody at ang mas nakapag-sensationalize ng controversy ay ang fact na bakla ang nililigawan nya. I just found out about it when Rachelle told me after ng duty ko sa lib.
"Andaming side comments about you mahfriend." Sabi ni Rachelle habang papunta kami ng next class.
"Ayokong marinig." Pakli kong sagot sa kanya. "Tsaka feeling ko na talaga artista ako para pag-aksayahan nila ng panahon nila."
"Well, narinig ko lang naman yun sa girl's washroom. Hayaan mo na. Inggit lang sila, ganda mo kasi!" at bumungisngis na kami pareho.
Pagpasok namin sa room, awkward yung naramdaman ko. Everyone is looking at me, yung mga friends ko, nakangisi. Yung mga hindi ko masyadong friends, nakasimangot at tiger look, especially Rico Alvares.
Rico Alvares is the youngest son of a former beauty queen na nakapangasawa ng Japanese tycoon pero hiwalay na. Rico is not the son of the Japanese tycoon ha, anak sya sa pagkadalaga ng ina. And si Rico ang karibal ko sa lahat ng bagay at sya ang pinakapanget na bakla for me. Mataba, one-length yung buhok na alaga sa rebond, maitim ang leeg at siko at kili-kili and super bitch.
He is very vocal about his crush on Kiel and when he found out na ako ang nililigawan ni Kiel, kulang na lang pakulam nya ko.
The class went by smoothly until nag-silabasan na kami ng classroom.
"The nerve! Sa isang patay gutom LANG?! Na paulit-ulit ang damit every week? Gosh." Parinig ni Dugong sakin. Ayoko namang mag-assume na ako yung pinaparinggan nya pero sa likod ko mismo?! Tas nakabundol pa yung tyan nya sa backpack ko.
"Uy friend! Saan pala kayo magdi-dinner mamaya ni Kiel?" tanong naman sakin ni Rachelle na halatang inaasar pa si Dugong.
"I don't know eh. You know naman Kiel, he's full of surprises. Heheh." Pa-kilig ko namang sabi sabay lingon sa likod ko at ngumiti ng nakakaloko. Inggit ka lang Dugong!
At pumunta na nga kami ni Rachelle sa gym. Nadatnan naming nagpa-practice ang basketball team and when Kiel saw us he called for a 15 minute break.
Patakbo syang pumunta sa kinauupuan namin at ampogi nya sa jersey shirt nya. Tapos and ganda ng arms nya tas may pawis-pawis pa. Bakit sya pag pinawisan parang ang yummy pa rin, pag ako ang pinagpapawisan parang kadiri.
"Hi sweetness. Miss me already?" pagpapa-cute nitong bati.
"Lul! Gusto ko lang mag man hunting."
"Sus. Kaya pala dikit na dikit yung mata mo over this." Sabay turo sa katawan nya na ikinapula naman ng mukha ko. "Ohhh, nag blush! Heheh!"
"Tse! Asan na yung water mo?"
"Ay andun sa bag ko. Wait po." At pumunta sya sa bag nya na nasa kabilang side ng gym at kinuha ang tubig nya.
"Friend, ang sweet nyo. Bili lang akong food, yung maalat. Naumay ako sa 'sweetness' nyo eh, SWEETNESS." Pagkairap ay tumayo na at umalis na rin si Rachelle.
I still can't believe that someone like Kiel Ramirez would like someone like me. He's more than I hoped for. Hay. Syempre unti-unti ng nawawala yung pagka crush ko kay JM. He's somebody that I used to know. Lakas ko talagang maka MTV mode lately.
"Nag merienda ka na po?" tanong sakin ni Kiel pagkabalik nya.
"Magmemerienda pa lang kami ni Rachelle. Ikaw ba? Nakakalimutan mo atang mag-hydrate ahh?"
"Ay hindi naman po. Ako pa, takot ko lang sayo."
"Charot ka. May kukwento ako sayo." Pagseseryoso ko na.
"Sure, now na ba?"
"Yep, saglit lang naman to. Alam na kasi ata nila na may nililigawan kang dyosa." Nakangiti kong sabi while waiting for his reaction.
"Yeah. I heard nga na marami ng nakaalam, actually sa team ko lang naman sinabi ewan ko bakit kumalat."
"Sinabi mo sa team mo?!" that's when I realize na kanina pa nga tingin ng tingin samin yung mga team mates nya at yung iba tinutukso pa sya pero hindi naman yung pinapahiya kundi yung tuksong usual na pang-aasar ng barkada pag may nililigawan ang ka-tropa nila.
"Yep. They're like brothers to me." At lumingon ito sa team at kinantyawan naman sya pero imbis na maasar ay ngumiti rin lang ito at umiiling-iling. "See? They wanted to meet you at tinuro naman kita sa kanila so alam na nila kung sino yung kinahuhumalingan ko."
"Lul!" yun lang ang nasabi ko, I was expecting na ipapakilala nya ko pero hindi pala. Kiel noticed my sudden change of mood at ngumiti lang ito.
"Gusto ka nilang makilala pero ayoko." What?! So kinahihiya nya ko. I knew better. "Kasi gusto ko pag pinakilala kita sa kanila, tayo na."
Yun naman pala. Hihihihi. At namula ulit ako. Basang-basa na talaga ni Kiel ang mood ko at ang mga iniisip ko. At ako din naman sa kanya kahit papano.
Hindi na ko nakasagot sa kanya kasi kilig na kilig na ko at ayokong ipahalata sa kanya though alam kong alam nya na natuwa ako dun sa sinabi nya. Bumalik na sya sa court at nag-start na ulit yung game practice nila. After nun ay dumating na rin si Rachelle na may dalang merienda at nanuod kami ng game until mag start yung next class namin. Sumenyas na lang ako kay Kiel na aalis kami at tumango lang naman ito habang naglalaro at nag-kiss sa hangin. Hihi kileeerg.
***tbc***
BINABASA MO ANG
Highly Unlikely
Teen FictionA story about love. Alex Arevalo - perky, funny and gay. Juan Mikael "JM" Tan - serious, mysterious and confused. Kiel Ramirez - pranskter, sweet and sure. Samahan sila sa kwento ng pag-ibig na puno ng saya, tawa at paminsan-minsang luha. Snippet: N...