"HELLOOO." Basag ng isang hitad sa daydreaming ko. Nasa harap ko ngayon si Rachelle Simeon – ang aanga-angang tisay na anak ng isang ex-General ng AFP.
"Good morning. How may I help you?" bating-sagot ko naman sa kanya.
"Gosh, nosebleed. Tinitingnan mo na naman noh?" tanong nya na tinutukoy si JM na kasalukuyang may binabasa sa loob ng lib.
"Tanga. Yun lang nosebleed ka na agad. And FYI, nadaanan lang sya ng mga mata ko noh." sabay ismid ko at pinagpatuloy na ang ginagawa ko na naputol ng pumasok sa library si JM. Ako ang SA na naka assign sa library at dahil na rin siguro sa hilig ko sa libro kaya ako nag volunteer sa section na yun. I say volunteer kasi walang gustong magpa-assign sa library dahil na rin sa old maid naming school librarian na ipinanganak sa time ng mga dinosaurs. Ako lang ang nag tyaga, kesa naman dun ako sa lab. Yuck. Scary.
"Charot ka. Basang-basa na kita noh." singhal naman ni Rachelle. "What time out mo? Sabay na tayo mag lunch. My treat."
"Dapat lang noh, after I did your book report. Duh. Out ko na in 30. Hintayin mo na lang ako, k? Magbasa ka jan ng libro para naman. . ."
"Oo na! Tse!" sabay talikod ng hitad sakin at dumiretso sa periodicals section para mag skim ng mga magazines. Rachelle and I became friends unang araw pa lang ng klase. Gusto ko sanang i-maintain ang mysterious effect ko, aloof kunyari, para walang manggugulo sakin kaso pagkaupong-pagkaupo ko pa lang dumaldal na agad si Rachelle sakin. She's obviously a very friendly person kaya kahit gusto ko mang magpakaarte na kunyari intimidating, hindi gumana kasi katabi ko ang kapwa ko daldalera.
Eksaktong 11:30am ay tumunog na ang bell. I was about to badge out na nang – "Excuse me!"
Pamilyar ang boses na yun. Mala anghel. Boses yun ng soul mate ko, boses yun ng taong iniibig ko ng over-over. Boses yun ng – "EXCUSE ME!"
"Ay sorry, ummm... how may I-I...err.. help you?! Hehe" gosh, first time nya kong tinawag!
"I just wanted to ask if you have any books about Greek Architecture." Sagot ng aking sinisinta na gwapong-gwapo sa kanyang blue shirt. Kahit hindi sya nakatingin sakin habang nagtatanong , ayos lang. Solve na ko. "Are you ok?"
"Huh? Ahh, tama. Greek Architecture. Nasa bandang dulo malapit sa aircon, I can get it for you if yo-"
"Hoy bakla! Nag bell na. Di porket pogi yung nagpapatulong sayo kinalimutan mo nang magla-lunch tayo." Syempre na imbyerna ako sa biglaang pagsulpot ng manananggal sa moment namin ni JM.
"Sandali lang haa? I'll just get it. Wait." Sabi ko kay JM sabay punta sa dulo ng library para kunin ang kailangan nya habang pilit ko namang dinedeadma si Rachelle na naka-tiger look sakin. Pareho silang nakatayo ni JM sa harapan ng ledge na naghihiwalay sa reading area at working space ng mga SA.
Dali-dali kong hinanap ang book at pagkakuha ay nagmamadali naman akong bumalik sa station ko at binigay ang book kay JM at nakangiti pa rin ako.
"Here. It's a little bit heavy pero for sure kaya mo nama-" di pa ko tapos ay tumalikod na ito pagkakuha ng book mula sakin. Di man lang nag "thank you" or kahit tango na lang!
"Oh, ano ka ngayon? Ngwahahah!!" basag trip sakin ni Rachelle. Oo, disappointing kasi di man lang nya ko tiningnan pero okay na rin yun at least alam nyang nag eexist ako. Alam nga ba nya talaga? Haizt.
"Gaga! Busy lang yung tao and please yung bunganga mo nasa lib pa rin tayo, marinig ka ni Ms. Canbas, huling tawa mo na yan." Sabay kuha ng gamit ko. "Tara na!"
"Hihihi. Pahiya ka no." hagikgik naman ni Rachelle habang sabay kong palabas ng lib. Deadma lang ako pero sa isip ko, okay na ko. At least, kinausap nya ko. Emergerd!! Isang sulyap pa bago kami tuluyang nakalabas ng lib. Hihi.
***tbc***
BINABASA MO ANG
Highly Unlikely
Fiksi RemajaA story about love. Alex Arevalo - perky, funny and gay. Juan Mikael "JM" Tan - serious, mysterious and confused. Kiel Ramirez - pranskter, sweet and sure. Samahan sila sa kwento ng pag-ibig na puno ng saya, tawa at paminsan-minsang luha. Snippet: N...