Prologue

624 29 4
                                    

"Let's put an end to this marriage," mariin niyang sinabi habang nakaharap sa glass wall ng opisina at nakatitig sa malayo.

Ang paningin kong nakapirmi sa mga sapatos ko ay umangat at tumitig kay Lukas. He didn't get any response from me as I continue to be silent.

Nang siguro'y nairita na siya sa pananahimik ko ay nilingon niya ang gawi ko. "I'm divorcing you. Gusto mo bang paulit ulitin kong sabihin sa'yo 'yan? I want a divorce, damn it!"

Yes, i heard it. Rinig na rinig kita, Lukas. Bukod sa malakas na pagkabog ng dibdib ko, nangingibabaw ang galit at iritadong tono ng boses mo.

But no matter how loud your voice is, even if you'll keep repeating those words to my face, your wife is incapable and unfit, so how can she help you? if she can't even help herself at all.

"Susubukan kong kausapin–" isang malakas na palo sa mesa ang pumutol sa dapat kong sasabihin.

"For God's sake, hindi ka ba puweding gumawa ng sarili mong desisyon? Kailangan ba talagang nakadepende ang desisyon mo sa mga taong nasa paligid mo?"

"H-hindi naman sa ganoon–"

"Then let's get divorced.  If you care about what our parents might say, that doesn't concern me. Maghihiwalay tayo sa ayaw at sa gusto nila." matigas nitong sabi.

Mas lalong nanikip ang dibdib ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.

"Alright. Bigyan mo muna ako ng sapat na oras... I will try to convince my parents, and after that–"

"Hindi ka nila papayagan at susundin mo ang gusto nila. Am i right? That's how obedient you are." malamig niyang sinabi at tumalikod paharap muli sa malaking glass wall.

Namumuo ang luha sa gilid ng aking mata na kanina ko pa tinitigilan sa pagtulo. I build the courage to speak.

"If there might be any conflict, we will still have to get divorced anyway. Kaya 'wag kang mag-alala, gusto ko lang ipag-alam ito sa parents ko. Papayag sila o hindi, magiging malaya ka pa rin.."

Naglakad siya patungo sa kaniyang mesa at hindi kaagad nagsalita. Hinila niya ang upuan at umupo doon.

"Do what you want. Just stick to the plan. By the end of this month, we will get divorced." aniya at inihilig ang likod sa swivel chair.

Napalunok ako at marahang tumango. Hindi na ako tumugon at tumitig sa kaniya ng ilang segundo bago tumalikod palabas ng kaniyang opisina.

Aakmang ipipihit ko na sana ang seradura ng pinto nang maunahan ako at biglang bumukas iyon. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa harapan ang aking kapatid.

"Ate..." mahinahon ang aking boses at tinatantya kung bakit siya narito.

She stared at me for a few seconds with a hint of confusion in her eyes, but her expression suddenly changed when she smiled, not in a genuine way but rather in a fake approach.

"Oh, you're here din pala?" aniya at ngumiti nang bahagya saka siya tuluyang pumasok sa opisina at nilampasan ako.

Tulala akong nakatingin sa pagsarado ng pinto. Narinig ko ang ilang mga yapak ni ate at ang masayang tono ng boses nito.

"Hello again, Mr. Montejor, my dad asked me to bring this to you. And he also wants us to talk about the new project–"

"Cut it out, Ava." nangibabaw ang malamig at maawtoridad na boses ni Lukas. "Alam niya na. There's no need to pretend. Your sister and I, agreed of getting a divorce."

"L-Lukas, what do you mean?" naguguluhang tanong ni ate.

Lumingon ako sa gawi nilang dalawa.

Tinapunan ko ng tingin si Lukas at isang nangangahulugang tingin ang iginawad ko sa kapatid ko.

He Stoled Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon