Chapter 2

263 14 0
                                    


Wala akong ginawa kundi ang umupo sa kama at nakatulalang nakatingin sa bintana. I still can't believe that I slept for two years and woken up from vegetative state, and worst, wala akong maalala.

Who am I? Where do I live? What happened to me and why am I in comatose? What was my life then?

Hindi ko alam at walang sagot na pumapasok sa isipan ko. Gulong gulo ang utak ko, every question that popped into my head, feels like i’m in distress, pinipiga ang ulo ko sa sakit.

"Senyorita, ayos lang ba kayo?" nilagay ng babae ang isang tray na may lamang klase-klaseng pagkain sa kama, lumapit siya sa’kin at tinapat ang kamay sa noo ko. "Naku, madame, nilalagnat kayo. Saglit lang ho at tatawag ako ng doktor."

Hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan siyang umalis. "S-sandali. Puwede ba akong pumunta sa bathroom?"

"P-pero senyorita, mataas ho ang lagnat ninyo. Teka lang ho at tatawag muna ako ng doktor." she went out of the room, leaving me in silence.

Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid. The room was spacious, filled with natural light, maraming mararangyang gamit, and a gold shelves at the opposite end of the room. I looked for the bathroom, fortunately, may namataan akong itim na pintuan 'di kalayuan.

Tumayo ako sa kama at naglakad patungo sa itim na pinto, binuksan ko ito at pumasok sa loob, tumambad sa harapan ko ang isang malaking salamin, sa ibaba nito ay ang maluwag na sink.

Nakita ko ang sarili sa salamin. Tulala ako habang nakatitig sa repleksyon ko. Pinagmasdan ko ang sarili. Mapayat. Sakto lang ang tangkad. Maputi ang balat at may pakurbang buhok. Napahawak ako sa manipis ngunit maputla kong labi.

Nakita ko na ang sarili sa salamin, subalit hindi ko naman alam kung sino talaga ako. Wala akong alam sa boung pagkatao ko.

Biglang bumukas ang pintuan.

"S-senyorita! Narito lang pala kayo. Nandito na ang doktor."

Lumapit ang babae sa akin at inalalayan ako sa paglakad. Nang makalabas kami ay muli kong nakita ang doktora, may inaayos siyang gamit at nang makita ako ay kaagad siyang lumapit sa akin.

"Hija, sobrang sama ba ng pakiramdam mo?" pinaupo nila ako sa kama at binigyan ng tubig. Tumanggi akong uminom dahil hindi naman ako nauuhaw. "Kailangan mo munang uminom ng gamot bago ka kumain."

As told, I took the medicine and felt a little better. May dalawang babaeng nakabantay sa loob ng kwarto at tila sinusubaybayan ang mga kilos ko. Inasikaso nila ako at pagkatapos kong kumain ay muli akong natulog.

Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay nag-aapoy yata ako sa lagnat. Medyo madilim ang boung silid at tanging lampshade sa gilid ng kama ang nagbibigay liwanag.

Sinubukan kong gumalaw, ngunit napansin ko ang pigura ng isang lalaki, hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madilim ang sulok na kinaroroonan niya. Nakaupo siya sa kalapit na bangko, kaharap ng kama.

Nagsanhi ng tonog ang paggalaw ng upuan at narinig ko ang mabigat na yabag ng paa.

"You're awake."

Nagsimula ng kumalabog ang dibdib ko nang makarinig ako ng baritono at malamig na boses.

"S-sino ka?" Garalgal ang aking boses at pakiramdam ko ay sinisipon ako. Lumiit ang paningin ko upang maaninag ang lalaki.

Hinawi ko ang kumot at umupo sa kama, tumapak ang mga paa ko sa malamig na sahig, tumayo ako at nang nag-angat ng tingin ay nasa harapan ko na ang lalaki. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya dahil lumalabo ang paningin ko.

"Who are you?" Nakatitig ako sa malabong lalaki. Hindi ito nagsalita, ramdam ko ang mariin nitong titig sa’kin, I could smell his manly scent. Nakakabingi ang katahimikan at naririnig ko lang ang pagkabog ng dibdib ko.

He Stoled Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon