"Yes na yes, madam! Si Sir Richard nga!""Umayos kayo! Bilis! Jusko, ano namang gagawin ni Sir Richard dito?!"
"Eeh madam, baka naman pipili ng babaeng magpapaligaya sa gabi? Malaking tip 'to madam!"
"Gaga! Hindi kailanman nagpunta rito si Sir Richard para pumili ng babae! Kung si Sir Declan, oo!"
Nakarinig kami ng isang mabilis at marahas na pagkatok ng pinto. Bumukas iyon at bumungad sa harapan ang nakatayong si Rich sa tapat ng pintuan, sa likuran niya ay si Vernon at isang hindi pamilyar na lalaki.
Pinagmasdan ko ang pagtapak ni Rich papasok sa silid. He slowly scanned the room, tila may hinahanap, I noticed the girls practically drooling over him as he walked in.
Animo'y napuno ng kaba at takot ang lahat dahil sa presensya ni Rich. Sa mga oras na ito ay nakaramdam din ako ng kakaibang kaba, halos hindi maawat sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko.
"G-good evening, Sir! May kailangan ho ba kayo?"
Hindi ko magawang alisin ang paningin kay Rich. He suddenly glanced at my direction. Nagtama ang paningin naming dalawa at mas lalong naghuramentado sa kaba ang puso ko.
Naglakad si Rich patungo sa direksyon ko. He grabbed my arm as he looked at me intently. "Stand up." Galit ang boses ni Rich ngunit nanatiling kalmado ang mukha nito. "I said stand up, Katrina."
Wala akong nagawa kundi tahimik na tumayo mula sa stool na inuupuan ko. Nakarinig ako ng ilang pag singhap. Hinila ako ni Rich palabas ng silid ngunit nasa bandang pintuan pa lang kami nang huminto siya at tumingin sa akin. Nagbaba si Rich ng tingin sa sout kong damit at napansin ko ang pag-igting ng panga niya.
He strictly glanced at the people inside the room. Hindi ko maipaliwanag ang striktong tingin ni Rich at bakas sa mukha nito ang irita. "Who made my wife wear this little shit?"
"A-ah.. S-sir.."
Tumikhim ako at bahagyang hinila pababa ang laylayan ng damit na sout ko. Hinubad ni Rich ang sout nitong itim na coat at nilagay iyon sa balikat ko. He then wrapped his big hand around my arm, pulling me out of the place.
Halos tumakbo na ako dahil sa malalaking hakbang ni Rich. Hinawakan ko ang braso nito at pilit siyang pinapahinto. "R-rich, w-wait. Si Klaresa, kailangan natin siyang tulungan! Please, we shouldn't let her do those things! She's too young!"
Hindi ako pinakinggan ni Rich hanggang sa makarating kami sa kwarto. Padarag nitong sinara ang pintuan nang mahila ako nito papasok sa silid. He released my arm as he averted his lifeless gaze on me.
"Rich, please! P-parang awa mo na. Help her, please. Nakikiusap ako," wala akong pakealam kahit nagsasayang lang ako ng boses ko, kahit naramdaman ko na ang pagtitimpi ni Rich ay hindi ako titigil sa pagmamakaawa sa kaniyang pakawalan si Klaresa.
"Please, Rich.. magpapakabait na ako! Susunod na ako sa lahat ng gusto mo. I promise I w-won't–"
"Take a shower and go to sleep," malamig niyang sinabi at bakas sa boses nito ang galit at pagtitimpi ngunit nanatili siyang kalmado. Nilampasan ako nito at nang lingunin ko siya ay nilagay niya ang relo sa bed side table at niluwagan niya ang kaniyang necktie. "Katrina."
May pagbabanta sa boses na iyon ni Rich. Tinanggal ko ang coat at hinayaan iyong bumagsak sa sahig, kaagad akong lumapit kay Rich at hinila ang necktie nito upang kunin ang atensyon niya. Tinanggal ko ang kaniyang necktie nang hindi tumitingin sa kaniya.
"Ang sinabi ko ay mag-ayos ka at matulog. Huwag mong subukan ang pasensya ko, Katrina."
Pagod ko siyang tinignan sa mata. "P-please, Rich. This will be the last time na makikiusap ako. I promise, magpapakabait na ako sayo."
BINABASA MO ANG
He Stoled Her
RomanceWill you still go back to the memories you both shared even though you were stolen away by another man from him?