"Madame, nandito na tayo sa destinasyon. Stop staring at the empty wall, you might go crazy," ani Vernon na nasa tapat ng pintuan habang hawak ang seradura ng pinto.Gabi na at nasa gitna pa rin kami ng karagatan, nakaupo lang ako sa kama na naka indian sit habang balisang nakatingin sa sulok ng silid at nag-iisip nang biglang dumating si Vernon.
Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Are you serious right now, Vernon? Mukha bang malapit na akong mabaliw?"
Tumikhim siya at hindi inaasahan ang supladang sagot ko. "I'm sorry, madame. But I am serious, nakarating na tayo sa patutunguhan."
Inayos ko ang pagkakaupo at tumayo mula sa kama. "Nasaan si Klaresa?"
"She's waiting for you outside," ani Vernon at iginiya ako palabas ng silid.
Nang makalabas kami ay natanaw ko si Rich sa may hindi kalayuan na tila hinihintay ako. Hindi ko siya kayang tignan dahil sa nangyari kanina. Ba't pa kasi nanghahalik? Naagaw ang atensyon ko nang matanaw ang isang napakalaking barko na ilang metro lang ang layo mula sa amin.
"Let's go, madame."
"Teka," pinigilan ko si Vernon habang manghang mangha na nakatingin sa napakalaking barko na umiilaw. "Saan tayo pupunta? Papasok ba tayo sa barkong 'yan?"
"Yes, madame."
"Bakit? Saan na naman ba tayo pupunta?"
"Malalaman mo rin pagdating, madame. Let's go, the boss is impatiently waiting."
Napangiwi ako at napairap sa kawalan. Ano pa bang aasahan ko kay Vernon? Manang-mana siya sa suplado at walang modo niyang amo!
Lumapit kami sa kinaroroonan nila Klaresa. Nang sumulyap ako kay Rich ay seryoso na itong nakatingin doon sa malaking barko, kung saan patungo ang yacht na sinasakyan namin ngayon. Saan na naman kaya kami pupunta?
"Good evening, Mr. Lombardi, your grandfather had been waiting for you to arrived," nang makapasok kami sa higanteng barko ay sumalubong kaagad sa amin ang tatlong lalaki na naka puting uniform. Nagsalita iyong nasa gitna nila. "This way, please."
Ang hula ko ay nasa pangalawang deck kami ng barko, manghang mangha pa rin ako dahil mas dumoble ata ang laki nito sa malapitan. Naglakad kami sa isang mahabang hallway at pumasok sa isang elevator.
Nilingon ko si Klaresa at napansin kong kanina pa ito nakayuko at mukhang balisa. Tatanungin ko sana siya ngunit napansin ko ring nasa akin ang paningin ni Rich.
Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas ang elevator, bumungad sa amin ang napakalawak na upper deck! Halos malaglag ang panga ko sa sobrang luwag at ganda ng paligid. Marami ring tao at mukhang may pagdiriwang na ginanap.
Nabunggo ang braso ko kay Rich dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Nang nilingon ko si Rich ay seryoso itong nakatingin sa akin. Iniwas ko ang paningin at naramdaman ko na lang na may brasong pumulupot sa baywang ko.
"Hija!"
Napalingon ako sa isang matandang nakangiting naglakad patungo sa amin ni Rich. Bahagya akong nagulat nang yakapin ako ng matanda.
"I finally happened to see you after such a long time!" Anang matanda sa masayang boses bago kumalas sa pagkakayap sa akin.
Sino ba 'tong matandang 'to? Bakit feeling close?
"She doesn't know you yet, lolo," may lumapit pang isang lalaki na hindi ko kilala, matangkad ito at guwapo, ngunit mas matangkad ata si Rich ng isang pulgada sa kanya. "I'm Richard's brother, Declan."
Lolo at kapatid ni Rich ang dalawang lalaking kaharap ko ngayon? Napalunok ako sa napagtanto. Oh God. Family reunion ba ito?
"I am Richard's grandfather, hija. I'm Liandro Lombardi, puwede mo akong tawaging lolo," nakangiting sinabi ng matanda.
![](https://img.wattpad.com/cover/354080651-288-k996102.jpg)
BINABASA MO ANG
He Stoled Her
RomanceWill you still go back to the memories you both shared even though you were stolen away by another man from him?