Chapter 3

250 14 1
                                    

Sa mga sandaling ito ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Naghuramentado sa kaba ang puso ko, at binalot ako ng matinding kahihiyan.

"Let's go, madame," anang lalaki na nasa gilid ko, seryoso ang boses nito ngunit tila may bahid na pakikiusap na sumama ako sa kaniya. "Let me take you back to your room."

The man standing in front of me is no one but Richard Lombardi. I don't know how to react with this situation, I was apparently shocked and overwhelmed nang napagtanto ko kung sino ang sinampal ko.

"I-I... " hindi ko alam kung anong sasabihin ko, pero bigla na lang akong may naisip na paraan para iligtas ang sarili ko sa matinding kahihiyan.

Ano bang dapat gawin ko? Mag so-sorry ba ako? Eh, ano namang idadahilan ko?

Napasapo ako sa gilid ng noo at nagkunwaring sumakit ang ulo. Ipinikit ko pa ng mariin ang mga mata na tila nahihilo ako. Pagkatapos ay nagpanggap akong hinimatay. Bahala na nga!

"Senyorita!"

Ramdam ko ang pagkataranta nila. Hindi ko alam kung sino ang sumalo sa'kin. Wala na akong pakealam kung sino, basta hindi bumagsak ang katawan ko sa sahig. Masakit kaya 'yon.

Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko, ilang sandali ay naglakad ang bumuhat sa akin, nanatiling nakapikit ang mga mata ko habang nakahilig ang aking ulo sa braso ng kung sino. A manly scent went through my nostrils, it smells fresh and earthy that I almost got addicted inhaling the scent.

Sinikap kong hindi gumalaw nang maramdaman ang malambot na kama sa likuran ko, pasimple kong binuksan ng bahaya ang isang mata ko, nang narinig ang pagbukas ng pintuan ay muli akong pumikit.

"Leave us alone, Vernon," Isang malamig na boses ang narinig ko at nakarinig ako ng mabibigat na yapak sa paghakbang.

I heard the front door closing softly. Muli akong nakarinig ng yapak patungo sa kung saan, sunod kong narinig ay ang paghawi ng kurtina sa malakas na pwersa, mariin kong naipikit ang mga mata nang tumama ang nakakasilaw na liwanag sa mukha ko.

"I know you're awake."

I heard his calm voice. Napalunok ako nang mahuli sa akto, dahan dahan kong binuksan ang kanang mata ko at sumunod naman ang isa.

Direktang tumambad sa harapan ko si Rich. I don't know how to addressed him, but it would be so weird addressing him as my husband.

Nakatayo siya harapan ng kama, seryosong nakatingin sa akin habang nakasuksok ang kamay sa magkabilang bulsa. Nag-iwas ako ng tingin at umupo mula sa pagkakahiga.

Tumikhim ako pero hindi nagsalita. Ilang segundo na ang lumipas pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa, hindi ko alam kung boung magdamag ba kaming ganito o ano. Hindi ba siya nangagalay sa posisyon niya? Why would I care about him, anyway? Bahala siyang tumayo d'yan boung magdamag.

"Uhm, I... I'm sorry, sa, uh, n-nagawa ko kanina," hindi ko na natiis ang kakaibang atmosphere sa kwartong 'to, nasa pader ang paningin ko dahil hindi ko magawang tignan si Rich.

I didn't heard him speak. He remained silent in his position.

Huminga ako ng malalim at muling nagsalita. "I'm really sorry about the slap–"

"And what drivens you to do such violence?" His voice is deep and intimidating.

Tila nanlamig ang palad ko nang marinig ang nakakakilabot nitong baritonong boses. Tinignan ko siya at nagtama ang paningin naming dalawa.

"I'm very s-sorry, p-pero... narinig ko kanina.. hindi mo dapat sesantehin ang mga nagtatrabaho rito sa mansyon," diretsang sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri, kinigat ko ang pang-ibabang labi, kinakabahan. "I-I don't know the reason why you decided to get rid of them b-but I d-don't think–""

"That's clearly none of your business," he interrupted firmly, it was as if he is not allowed to accept any of my opinion.

Umuwang ang bibig ko. Asawa niya ba talaga ako? Bakit ganiyan siya magsalita?

Hindi kaagad ako nakasagot. Ilang segundo kaming nakatitig sa isa't-isa bago siya nag-iwas ng tingin at tumalikod, aakmang aalis na subalit kaagad akong nagsalita.

"Sandali! Marami pa akong gustong itanong sa'yo," I said that stopped him from walking. Umalis ako sa kama at naglakad papalapit sa kanya, huminto ako ilang metro ang layo mula sa kanya, nakatalikod siya gawi ko at kitang kita ko ang malapad nitong likuran. "Are we married for real? And If I was in comatose for two years, what happened to me before the incident? Aksidente ba ang nangyari?"

"No," tipid nitong sagot.

"Ha?"

He turned to face me, blanko ang kaniyang ekspresyon. "Hindi ko masasagot ang mga tanong mo."

"B-bakit? Simple lang naman ang mga tanong ko."

Sagutin mo! Asawa raw kita, bakit 'di mo masagot?

Hindi siya nagsalita at nanatili ang tingin sa akin. Bakit ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko? I waited for this, I waited for him because I thought he could answer the questions that has been bothering me.

Aakmang aalis na siya nang aksidente kong nahawakan ang matigas niyang braso upang pigilan siya. His forehead creased, bumaba ang tingin niya sa kamay ko kaya kaagad ko iyong inalis. Nakakatakot siya.

"T-teka. If you won't answer my questions, then please consider this one, tatanggalin mo ba talaga silang lahat sa trabaho?"

He didn't speak. But I already knew the answer by looking at his face.

"P-please, please 'wag mo na silang tanggalin. G-gagawin ko ang lahat, just please, 'wag mo lang silang tanggalin," garalgal ang boses ko habang nakayuko. Huli na nang mapagtanto ko ang huling sinabi.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nang inangat ko ang tingin at tinignan siya ay naroon pa rin ang malamig niyang titig. Matangkad siya kaya bahagya akong nakatingala.

He is very fine, but the coldness and strictness this man held is just something else.

"I-I'll do whatever you please. I promise. M-magiging mabait akong asawa. I mean it, j-just please, please? spare those innocent people," pagsusumamo ko.

His jaw hardened and his forehead creases deeper. Iniwas niya ang tingin at tuluyan akong tinalikuran. Narinig ko ang pagsarado ng pinto.

I can't believe na nagmakaawa ako sa lalaking matigas pa sa bato, pero sat'wing naiisip ko na matatanggalan ng trabaho ang mga tao rito sa mansyon, bumibigat ang pakiramdam ko.

I don't think they deserve getting fired.

Hindi naalis ang paningin ko sa pintuan ng kwarto.

Rich..

Mag-asawa ba talaga kami? Bakit ganoon siya? May nagawa kaya akong mali noon? Pero wala akong maalala! Shit.

Ang lamig ng trato niya.

He Stoled Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon