Chapter 12

665 29 6
                                    


"What the fuck are you saying?" Bakas ang galit sa tono ng pananalita niya. Hindi kaagad ako nakapagsalita nang lumapit siya at huminto ng ilang pulgada mula sa akin. "And where did you get that book?"

Kumurap ako at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi. Naitikom ko na lamang ang ang aking bibig dahil hindi ko alam kung ano'ng ipapaliwanang ko sakaniya.

Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Bigla na lang lumabas ang salitang 'yon sa bibig ko.

"W-wala. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko," nagtangka akong talikuran siya ngunit hinawakan niya ang pulsuhan ko kaya napaharap ako sakaniya. "Rich, just forget it."

"How can I forget if my wife is asking me to have sex with her?" Halos magtagpo na ang kaniyang kilay na nakatingin sa'kin. Napauwang naman ako dahil sa walang preno na bibig niya. "Put that book away. I have my own way to fuck you."

Halos nahigit ko ang aking hininga sa kanyang sinabi. Sa kalagitnaan ng katahimikan ay may biglang nag vibrate na cellphone sa ibabaw ng kama.

Binitawan ni Rich ang kamay ko. He turned to get his phone from the bed and gave me a glance before heading out of the room.

Uminit ng bahagya ang aking pisngi habang nakatingin sa direksyon ng libro. Napailing na lamang ako at nagbihis saka humiga sa kama. Sa ilang minuto kong pag-iisip ay hindi ko na namalayan ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

Napurnada ang tulog ko nang makarinig ako ng ingay mula sa pinto. Gusto kong magmulat ng mata ngunit mabigat pa ang talukap ko. Naramdaman ko ang pag-uga ng kama. Kilala ko na agad kung sino ang tumabi sa akin.

I had my eyes closed and I had no intention 
of opening them. Pinaramdaman ko lang ang bawat galaw ni Rich sa aking likuran.

"Great, tinulugan ba naman ako." I heard his low voice pero sapat na para marinig ko.

Is he drunk? Hindi naman mukhang lasing ang boses niya pero medyo may naaamoy akong alak mula sakaniya.

Nakapirmi ako sa posisyon ko na nakatagilid kaharap ang pader. Ilang sandali ay naramdaman ko ulit ang paggalaw ni Rich at ang paglapat ng katawan nito sa likuran ko.

His muscular body was behind me, and I could feel his breath against the skin on my neck. Bahagya akong napasinghap nang pumulupot ang braso ni Rich sa aking bewang.

Shit. Hindi ako sanay na ganito siya. We had shared the same bed many times, yes, pero hindi naman siya ganito sa akin.

Mas lalong hinila ni Rich ang katawan ko palapit sakaniya.

"I'm sorry, Katrina..." He whispered. Naguluhan ako pero pagkatapos nun ay wala na akong narinig sakaniya. Hindi na rin siya gumalaw at nakayakap lang sa'kin hanggang sa nakatulog ako sa bisig niya.

Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na si Rich sa kwarto. Inaasahan ko na 'yon dahil palagi ko naman siyang hindi nadadatnan sat'wing gigising ako ng umaga.

"Bagay nga sa'yo, hija," komento ni Manang Felipa habang nakatingin sa akin.

Pinagmasdan ko ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Hapit sa aking katawan ang white blouse na suot ko na tinernohan naman ng black pencil skirt na hanggang ibabaw ng aking tuhod.

Lumapit sa akin ang isang babae na mukhang kasing edad lang din ni Klaresa. Nilabas nito  mula sa isang kahon ang kulay itim na heels at pinasuot sa akin.

Kanina ko pa lang nalaman na magtatrabaho ako ngayon sa isang kompanya ni Rich. Ayaw ko sanang pumayag dahil wala naman akong alam sa gano'ng trabaho but since si Lola Teresita na mismo ang nag request ay wala na akong magagawa doon.

He Stoled Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon