"Good morning, Katrina!" Masiglang bati sa akin ni Girly kinaumagahan at bahagya pa akong nabigla sa pagtawag nito sa pangalan ko. She stood up from her seat at bumeso sa akin. "Oh, dear, is it okay if I call you by your name?""Y-yeah, it's fine," ngumiti ako sa kaniya.
Kakarating lang namin ni Rich dito sa isang restaurant ng barko, maaga pa at hindi pa madami ang tao sa loob, sa isang table ay naroon si Girly at ang asawa nitong si Matthew, sa kabilang side naman ng mesa nakapuwesto ang kapatid ni Rich na sumisimsim ngayon ng kape.
Nilingon ko si Rich na nasa likuran ko. Pinaghila ako nito ng upuan kaya naiilang akong umupo doon. Umupo rin si Rich katabi ko at kaagad itong sumenyas sa waiter.
"Nauna na pala kaming mag-order, hindi kasi namin alam kung anong gusto niyong breakfast," ani Girly at ngumiti sa akin.
I glanced at Rich who is checking on the menu he was holding, he suddenly shifted his gaze on me. "What do you want?"
"Okay na sa'kin kahit ano," sabi ko na bahagyang ikinunot ng noo ni Rich ngunit kalaunan ay may sinabi rin ito sa waiter.
"Try this fluffy pancakes, Kat, masarap 'to," suhestiyon ni Girly at nilapit sa akin ang pinggan na may lamang pancakes. "This is super delicious with milk. Right, babe?"
Nilingon ko si Matthew na nakatingin kay Girly, tumango ito at ngumiti saka hinalikan sa labi ang asawa. "Anything you like is good."
"Oh my gosh, babe! Don't do that. Nakakahiya!"
Nag-iwas ako ng tingin at inabala ang mga matang tumingin sa ibang direksyon.
"Psh, ngayon ka pa nahiya? Kanina pa kayo halos maglampungan sa harap ko. Ngayon ka pa talaga nahihiya?" Narinig kong iritadong sambit ng kapatid ni Rich na si Declan. "Get a fucking room."
Tumawa si Girly. "Do you mean, you should get a girlfriend, Declan? Gosh! Stop the flirting stage! Get a development!"
"Get a what?"
"Tigilan niyo na 'yan," singit ni Matthew sa usapan at nginitian ang asawa. "Don't mind him, babe."
"Yeah, right. Ano bang mapapala ko sa mga taong single?" Umirap si Girly at nang tumingin ito sa direksyon ko ay ngumiti ito. "Don't mind your brother in law, Katrina. Kanina pa kasi 'yan dito kaya mukha 'yang sabog ngayon."
I smiled a bit. Tumingin ako kay Declan na bumuntonghininga na lamang. Dumating ang waiter at nilatag nito ang mga pagkain sa mesa. Ang huling nilatag ay ang isang kape sa harapan ni Rich bago umalis ang waiter.
"Eat," maawtoridad na utos sa akin ni Rich. He took a sipped of his own coffee before putting it back to its place.
Abala si Girly at ang asawa nito sa pag-uusap, sumasali naman si Declan sa usapan ng mag-asawa habang nanatiling tahimik si Rich sa aking tabi at pinapanood ang bawat pagsubo ko.
"Kat, puwede mo ba akong samahan sa labas? Let's get some fresh air," anyaya ni Girly ilang minuto matapos kong kumain. Tumayo siya sa kaniyang upuan at aakmang hihilain ako.
"Stay here," bakas sa boses ni Rich ang pagiging maawtoridad nito habang nakatingin sa akin. He averted his gaze to his cousin's direction. "Let's move to the other table, Matthew."
Tumayo si Rich kasunod ang pinsan at kapatid nito patungo sa malapit na kabilang table. Naiwan kaming dalawa ni Girly sa dating mesa. Tila may pinag-uusapang importante ang tatlo dahil bigla silang naging seryoso, subalit ang paningin ni Rich ay nanatili sa direksyon ko.
"He can't let you out from his sight, huh?" Nakangising sabi ni Girly at sumulyap sa kabilang table. "Don't mind them, they are talking about business so.. they need privacy."

BINABASA MO ANG
He Stoled Her
RomanceWill you still go back to the memories you both shared even though you were stolen away by another man from him?