Chapter 14

263 14 5
                                    


"Vernon?" Mahinang bulong ko nang makita ang nakatayong si Vernon malapit sa mesa kung nasaan sina Laura.

Nang makalapit na ako ay saka palang si Vernon lumingon sa'kin. Kunot noo ko siyang tinignan at nabaling naman ang atensyon ko nang magsalita si Laura.

"Nandito na pala si Kat e," napatingin sila sa gawi ko at wala namang kakaiba sakanilang reaksyon. "Hindi namin alam na magpinsan pala kayo nitong si Vernon, susunduin kana daw."

Magpinsan? Taka kong sinulyapan si Vernon at bahagya pang umarko ang kilay ko.

"Mamaya muna kayo umuwi, Vernon! Kakain muna tayo." Sabat ni Joy.

"Oo nga, dadating na din yung head ngayon."

Ngumisi si Vernon at saglit na tumingin sa akin. "Hindi na. Baka mapagalitan na kasi ako ng nanay nito. Hindi ba naman nagpaalam e."

"Talaga Kat? Hindi ka nagpaalam sa nanay mo?"

Bahagyang umuwang ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin at mas lalong wala akong ideya sa pinagsasabi ni Vernon sa kanila.

"Sige na, enjoy nalang kayo." Sumenyas sa akin si Vernon na sumunod sakaniya. "Alis na kami."

Nahihiya akong nagpaalam sakanila at inis na sumunod kay Vernon palabas ng restaurant. I had no choice but to follow him since I didn't know what to say if I stayed inside. Nakasunod lang ako kay Vernon hanggang sa makarating kami sa kung saan naka park ang kotse.

Tahimik ako nitong pinagbuksan ng pinto at laking gulat ko nang nasa loob ng passenger's seat si Rich. He was sitting quietly, but there was a hint of anger on his cold eyes when he gave me a glance.

"Lagot ka, madame." Panunudyo ni Vernon at binigyan ako ng nakaka-asar na tingin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin bago tahimik na pumasok sa kotse. Katabi ko ngayon si Rich at sinisikap ko na hindi lumingon sa gawi nito. I can't help but to be nervous in his presence that I even fought the urge to glance at him.

Boung byahe ay tahimik kami. Hindi ako makapanewalang ganoon ako kabilis mahanap ng lokong si Vernon. Kararating ko pa nga lang doon sa restaurant! Ni hindi ko man lang natikman ang pagkain nila doon.

"Sit. I need to talk to you."

Pagpasok namin sa mansyon ay 'yon kaagad ang sinabi ni Rich. Kalmado ang kaniyang boses at hinintay ako nitong maupo. Huminga ako ng malalim at tinignan siya.

"I'm tired. Bukas na lang." Walang ganang sabi ko at akmang tatalikuran siya nang bigla nitong hawakan ang kamay ko. "Rich–"

"Kailan ba matatapos ang katigasan ng ulo mo?" His forehead creases deeper. "You didn't even inform me before you went out."

Binawi ko ang kamay at natuon ang atensyon sakaniya. Bahagya pa akong tumingala dahil matangkad siya ng ilang pulgada.

Umirap ako. "And why should I bother telling you?"

Bahagyang gumalaw ang kaniyang panga at tila hindi siya makapanewala sa sinabi ko. Hindi ko pinagsisihan ang sinabi ko at tinitigan siya.

"I'm your husband, Katrina." Kalmado ngunit bakas ang pagtitimpi sa boses ni Rich.

I chuckled as I shook my head. "Shut up. Hindi ko nga naramdaman na asawa kita. It's confusing that you claim to be my husband yet you don't even act like one. Hindi ka pa umuwi kagabi at hindi ka rin natulog rito, kaya bakit pa ako magpapaalam sa'yo? Simpleng pagpapaalam nga rin sa'kin, 'di mo magawa."

Nagkatinginan kaming dalawa. Masama ang tingin ko sakaniya habang nakakunot naman ang kaniyang noo. Bumuntong hininga siya.

"I'll sleep with you tonight."

He Stoled Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon