Chapter 5

268 12 0
                                    


"Good evening, ma'am!" Bumungad sa harapan ko si Klaresa na may dalang tray at may nakapatong na kape roon, abot tenga ang kanyang ngiti na pumasok sa kwarto. "Pinag-utos po sa amin ni Senyorito na magtimpla ng kape at ikaw raw ho maghahatid sa kwarto niya."

Gumalaw ang ulo ko at bahagyang umangat ang kilay sa narinig, napalunok ako nang bumaba ang paningin ko sa kape. Tumikhim ako at nilipat ang tingin kay Klaresa na kanina pa nakangiti. "Puwede bang.... ikaw na lang ang maghatid niyan sa kwarto niya?"

"Pass po, ma'am. Baka mukha ko pa po ang unang makakatikim nitong kape, hehe," pag-iling ni Klaresa at marahang inabot sa akin ang tray, binuksan niya ang pintuan ng silid at iginaya ako sa labas. "Ihahatid na po kita sa kwarto ni Sir, ma'am, baka kanina pa naghihintay si Sir sa inyo."

Ngumiwi ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Ayoko sana, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili sa tapat ng malaking pinto.

"Goodluck ma'am!" Ani Klaresa at nag thumbs up pa sa akin, itinuro niya ang pintuan sa harap ko at sumenyas na kumatok ako. "Galingan niyo ha?"

"T-teka–" hindi ko na natapos ang dapat sasabihin nang kaagad umalis si Klaresa.

Walang hiyang Klaresa, akala ko ba bestie kami?

Bumuntonghininga na lamang ako habang nakatitig sa pinto. Nilakasan ko ang loob at kumatok ng tatlong beses, pinihit ko ang seradora at kagat labing sumilip sa loob. Bahagyang madilim, tanging lampshade lang ang nagbibigay ilaw sa loob, niliitan ko pa ang mga mata ko para makita ang kabilang sulok ng kwarto.

Maingat akong pumasok sa loob, luminga linga ako sa silid at nang may nakita akong pakurbang mesa ay doon ko muna nilatag ang tray. Kinakabahan ako, tama ba itong kwarto na napasukan ko?

From where I was standing, I could see a glass wall covered with cream curtains on its way to the veranda, I saw how the curtains motioned in a rough manner as the wind comes in, with the curtains sudden movements, I saw a silhouette of a man standing righteously behind the glass wall.

I walked towards the veranda, bahagya akong nabigla nang makita si Rich ngunit kaagad rin akong napatakip sa ilong ko dahil sa naamoy kong usok ng sigarilyo.

"Get back inside," malamig na sinabi ni Rich kahit hindi ito nakatingin sa akin, bakas ang pagiging maawtoridad sa tono ng pananalita nito.

"I said get back inside the room, Katrina."

This is the second time he mentioned my name, noong una hindi ko gustong marinig ang pangalan ko, nagiging dahilan kasi iyon sa pagsakit ng ulo ko. Pero ngayon, hindi ko man lang naramdaman ang pagsakit nito.

Lumapit ako kay Rich at kinuha ang sigarilyo mula sa kanyang kamay, ramdam ko ang malamig niyang titig nang agawin ko iyon mula sa kanya, I then dropped the cigarette on purpose without any hesitation.

"What are you doing?" Ramdam ko ang galit sa boses ni Rich, hinarap niya ako at humakbang siya papalapit sa akin. "You can't do whatever you please, little woman."

"I can," sagot ko sa matapang na boses at kahit bahagyang madilim ay ramdam na ramdam ko ang mariin niyang titig. "I don't like you smoking, Sir."

"That doesn't bother you," magaspang ang kaniyang boses at hindi pa rin ako natinag doon. "Bumalik kana sa loob at matulog."

"Paano kung ayaw ko?" I raised my head, tila hinahamon siya. Hindi ko alam kung bakit nagmamatigas ako, ayaw ko siyang magalit, I just don't know what's gotten into me.

He remained silent.

Binalot kami ng ilang segundong katahimikan, pakiramdam ko ay nakatitig kami sa isa't-isa, malakas ang loob ko na tagalan ang titig sa kanya dahil sa madilim na paligid.

He Stoled Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon