Pakiramdam ko ay uminit bigla ang katawan ko at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa ni Rich.
"S-sorry," I stated as I spare him a glance.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kandungan niya. It feels like I am fluttering at hindi ko alam kung bakit, or maybe I was just really nervous at hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon namin ni Rich. Kahit tingin niya pa lang ay naaasiwa na ako.
"Stay here," pagkuwa'y sabi ni Rich habang nakatingin nang mariin sa akin. Tumayo siya at marahas na sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mahahabang mga daliri. Animo'y pinapakalma ang sarili. "Someone will bring your dinner later on."
Napalunok ako sa lamig ng kaniyang boses. "O-okay."
Tinalikuran ako ni Rich at lumabas siya ng kwarto. Sinundan ko naman siya ng tingin at pinanood ang pagbukas sara ng pinto. Tila nakahinga naman ako ng maluwag nang makaalis siya. Ilang sandali nga lang ay hinatid ng katulong ang isang tray ng mga pagkain. Hindi naman ako ganon ka gutom kaya siguro ay konti lang ang makakain ko ngayon.
Matapos kong kumain ay niligpit ng katulong ang pinagkainan ko.
I slept before realizing that Rich had returned. Hindi ko na siya naabutan na bumalik sa kwarto dahil nakatulog na ako nang mahimbing.
Pagkagising ko kinaumagahan ay mag-isa lang ako sa silid at hindi ko nakita si Rich. I wonder if dito rin kaya siya natulog kagabi? I didn't sense him being in the bed last night.
Umalis ako mula sa kama at minabuti kong mag shower na lang muna. Nang matapos ako ay hindi ko pa rin nakikita ang presensya ni Rich. Napag-alaman ko na lang mula kay Manang Felipa na nasa loob pala ito ng kaniyang opisina at abala sa kanyang trabaho.
"Kanina pa nagising si Richard at mukhang hinihintay din niya ang paggising mo, hija," nakangiting sabi ni Manang Felipa habang inaayos niya ang mga damit sa cabinet. "Hinihintay ka rin ng Senyora at gusto ka niyang makausap."
"Sino po si Senyora?"
Bahagyang natigilan ang matanda sa aking tanong. Tumingin siya sa akin at marahang nagsalita. "Si Senyora Teresita ang lola asawa mo, hija. Satingin ko'y ngayon mo pa lang siya makikilala, tama ba ako?"
I nodded as response. Wala talaga akong masyadong kilala sa mansyong ito gayong kararating pa lang namin dito kahapon. I don't even understand Rich kung bakit palipat lipat kami ng area. If I were the one to decide, I'd rather stay in the first mansion where I also live in for a long amount of time. Mas komportabli ako doon. I badly miss the presence of Klaresa and Dra. Alvarez.
Pinapili ako ni Manang Felipa ng sosoutin. Simpleng damit na kulay krema ang pinili ko. Nang matapos akong mag-ayos ay hinatid niya ako kaagad sa isang kwarto.
"Nasa loob ang Senyora," sabi ni Manang Felipa habang nasa tapat kami ng malaking pinto. "Pumasok kana, hija."
Tumango ako at hindi ko alam kung bakit ako kabado. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang maluwag na silid.
Napatingin sa gawi ko ang isang matandang babae na nakaupo sa sofa. She was sipping on her coffee and placed it on the table when she saw me.
"Hello, dear," isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. "Halika, umupo ka rito."
Ang kaninang kaba ko ay tila nabura sa sistema ko. Naglakad ako palapit at umupo sa katapat na sofa.
"G-good morning po," I greeted her with a small smile.
Tumingin sa akin ang matanda at ngumiti. Bahagya ng kulubot ang kaniyang mukha ngunit kapansin-pansin pa rin ang ganda nitong hindi kumukupas.
"Have you eaten breakfast, hija?"
BINABASA MO ANG
He Stoled Her
RomanceWill you still go back to the memories you both shared even though you were stolen away by another man from him?