Chapter 1

344 18 0
                                    

"How many times do I have to tell you? Hindi mo na kailangang pumunta pa rito, Katrina." Hinila ni mom ang braso ko palabas ng bahay. "Gusto mo bang mapagalitan ka na naman ng daddy mo?"

"M-mom, gusto ko lang naman po kayong kamustahin ni dad."

"Hindi muna kailangang mag-alala sa amin. Your sister’s here to check on us. May sarili na kayong bahay ni Lukas at bakit hindi mo na lang gawin ang tungkulin mo bilang asawa?" Galit na sinabi ni mom.

Nagbabadiya ang luhang tumulo sa gilid ng mga mata ko. Gusto kong sabihin na manatili rito sa bahay ngunit hindi ko na lamang isinatinig. "We already talked about this, Katrina. Huwag mong hintayin na ang daddy mo mismo ang kumausap sa’yo."

Yumuko ako at tumango. Pinipigilan ko ang luhang tumulo. "Pasensya na po, mom."

"Go ahead. Huwag ka ng bumalik rito."

Lumabas ako ng gate at hindi ko na nilingon si mom. Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa nangyari. Pakiramdam ko magmula noong ikinasal ako ay hindi na ako parte ng pamilya. Pero wala akong tapang para magreklamo, mukhang ito na nga talaga ang kapalaran ko.

Katulad ng mga nagdaang araw, ginagawa ko ang tungkulin bilang asawa. Abala si Lukas sa trabaho pero natutuwa naman ako dahil umuuwi pa rin siya sa bahay. Hinintay ko siyang makauwi nang sumapit ang gabi. Nang makarinig ako ng tonog ng sasakyan sa labas ay kaagad akong bumangon at sumilip sa bintana.

Natanaw ko si Lukas na lumabas mula sa kotse. Napagtanto kong hindi sakaniya ang kotseng nasa labas. May kinausap siya mula sa loob ng kotse ngunit hindi ko maaninag kung sino. Ilang sandali ay bumukas ang sasakyan, natanaw ko ang pigura ng isang babae, niyakap nito si Lukas kaya nakatalikod ang babae sa gawi ko.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga oras na ‘yon. Sandali silang nagyakapan ngunit bumalik na ako sa higaan. Humiga ako sa kama, napansin kong basa ang unan ko. I cried until I fell asleep.

Dumaan ang dalawang araw at napapansin ko ang pagiging balisa ko.  Hindi ko kinausap si Lukas tungkol doon sa nakita ko. I keep it to myself,  ayaw kong magkaroon kami ng away, mas makakapekto iyon sa relasyon naming dalawa.

Napansin kong papaubos na ang mga ingredients rito sa bahay kaya minabuti kong pumunta sa grocery store. Habang namimili ako ng mabibili ay may narinig akong boses.

"Do you want that? Put it in the cart." Pamilyar ang boses at nasisiguro kong boses iyon ni Lukas. Kinabahan kaagad ako.

"What’s wrong? Let’s go, let’s pay for it all."

Hindi ako nagkakamali. Boses talaga ni Lukas iyon.

I gripped the cart handle and started walking para hanapin kung saan nanggaling ang boses. Luminga linga ako sa paligid, namataan ko ang pamilyar na likuran ng isang lalaki hindi kalayuan, may lumapit sa kaniyang babae at sabay silang umalis.

Lukas. Alam kong si Lukas iyon. Dalawang araw na rin siyang hindi umuuwi sa bahay. Iniwan ko ang cart sa gilid at halos patakbong sinundan si Lukas at ang kasama nitong babae. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may bigla akong nabunggo.

"Sorry! Sorry po-" Tinulungan kong tumayo ang nabunggo kong lalaki ngunit iniwaksi nito ang kamay ko.

"Ano ba! Bulag ka ba?!" Sigaw nito na ikinalingon ng ilang tao. "Ang taba taba mong babae, hindi ka pa tumitingin sa dinaraanan mo!"

"Pasensya na po. Pasensya na po talaga..." Binalot ako ng hiya dahil sa nangyari. Umalis ang lalaki at naiwan akong nakatayo. Huli na ng mapagtanto ko ang tungkol kay Lukas, hindi ko na sila mahanap.

Biglang tumunog ang cellphone ko, hinagilap ko ito sa bag at nakita ang pangalan ni dad sa screen.

"D-dad?" Garalgal pa ang boses ko kaya bahagya akong tumikhim. Hinintay kong magsalita ang kabilang linya.

He Stoled Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon