Naguguluhan na pumasok si Laura sa loob ng opisina nang ipinatawag ito ni Rich. Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin.
"Y-yes, Sir?"
"Assign her as a staff member in your team." Sabi ni Rich na hindi tumitingin sa akin.
"Po? But Sir, I thought she was going to be your secretary?"
"She's a new hire with a low-level position," madiing saad ni Rich at walang emosyon na bumaling ng tingin kay Laura. "You might suggest her to another team. I don't think she would make a good secretary."
Kaagad na naglakad palabas si Rich sa opisina. Naiwan akong nakatanga at nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga salitang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit napipikon ako kahit na ginusto ko naman 'yon.
"Grabe, ay, ang harsh ni Sir sa'yo," nakangusong sabi ni Laura at humalukipkip na napapailing pa. "Ang gulo talaga ni boss. Buti na lang gwapo siya at natitiis ko siya! Hmp!"
I bit my inner cheek. Napamaang ako at tahimik na tinitigan siya. Bigla naman siyang ngumiti at hinawakan ang aking braso.
"Tara na! Don't worry, Kat. I will assign you to my team. Mababait ang mga co-workers ko doon." Nakangiting sabi niya at hinila na ako palabas ng opisina.
Dinala ako ni Laura sa workspace ng mga empleyado na ngayo'y nakaupo sa kanya kanya nilang cubicle at kaharap ang medyo may kalaparan na screen. Abala silang lahat sa ginagawa ngunit napahinto nang kunin ni Laura ang kanilang atensyon.
"This is Katrina, guys, dinagdag siya ni boss bilang staff sa ating team. I know she will be a great addition to our team, so please make her feel welcome. Okay?"
Kahit naiilang ay bahagya akong ngumiti sa kanila. Pinakita sa akin ni Laura ang isang bakanteng cubicle sa may gilid na magiging puwesto ko.
Umupo ako sa swivel chair at saglit muna akong iniwan ni Laura. Pagbalik niya ay saka raw ako nito tuturuan sa gagawin.
"Hi, Katrina, kailangan mo ba ng tulong?" lumingon ako sa isang lalaki na nagsalita na katabi lang ng aking cubicle.
Ngumiti ako at bahagyang umiling. "No, pero thank you."
"Wow Rolan, ano 'yan ha? Bilis mo namang dumiskarte," halakhak ng isang babae na nasa katapat na cubicle. Tumingin ito sa akin at nakangiti siyang lumapit. "Ang ganda mo naman be, may jowa kana ba?"
"Uh–"
"Ano ba 'yan, Mela, feeling close ka na naman," lumapit na rin ang isang babae na medyo may katabaan. "Hello, Katrina. Ako nga pala si Joy."
"H-hello din sainyo." Nahihiya akong ngumiti dahil hindi ko inaasahan ang paglapit nila sa akin.
"Mukhang marami ka ng experience sa trabaho ah, anong dahilan mo sa paglipat dito?"
"Uh, hindi–"
"O, akin na muna ang atensyon ni Katrina at marami pa akong ituturo sa kanya," dumating bigla si Laura na may bitbit na mga papeles. Nagsibalikan naman sila sa kanilang pwesto. "Mamaya niyo na siya tanungin ng napakarami. Pasensya kana Kat ah? Ganiyan talaga sila kapag may bago."
"It's okay." Nakangiting sabi ko.
"Ito nga pala ang mga dapat mong malaman na ituturo ko sa'yo," nilatag niya ang medyo may kakapalang mga papel sa mesa. "Ewan ko ba kay Sir Richard at binigay pa talaga 'yan, hindi ka raw kasi nakasali sa training pero hindi naman siya ganito kapag may bago, sabi niya pa para daw marami kang matutunan."
Hindi na ako nagreklamo kahit medyo madami nga iyon. I think it's better that way so that I won't have to ask as many questions since I've learned everything I need to know. Iyon na lang ang tinatak ko sa isipan. Wala naman kasi akong choice.
BINABASA MO ANG
He Stoled Her
RomanceWill you still go back to the memories you both shared even though you were stolen away by another man from him?