"Senyorita, bakit maaga ho kayong gumising?" Mahinang tanong ni Klaresa sa likuran ko. "Hala, ano po'ng niluluto n'yo?"
"Shh," tinapat ko ang daliri sa bibig niya, ngumiti ako at binalik ang atensyon sa niluluto ko. "Huwag kang maingay. Don't worry, hindi kayo matatanggal sa trabaho. Gagawa ako ng paraan."
Maaga talaga akong gumising para magluto. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay sanay na ako sa pagluluto noon.
Taka akong tinignan ni Klaresa, napakamot siya sa ulo. "Ha? Eh, ma'am, hindi naman talaga kami matatanggal sa trabaho."
"What?" Namilog ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? "S-sinong nagsabi?"
"Si Senyorito Rich mismo ang nagpasabi, ma'am, umiiyak na nga ako kahapon eh. Buti na lang nagbago ang desisyon ni Sir," nakangiting aniya.
"T-talaga?" Hindi ako makapanewala.
"Oo ma'am, ah alam ko na para sa'n 'yang niluluto niyo, para kay Sir 'yan 'no? Peace offering ho ba 'yan dahil sinampal niyo si Sir kahapon?" Nakangising sambit ni Klaresa at inamoy 'yung niluto ko. "Hala, ambango! Marunong ho pala kayong magluto? Mukhang magugustuhan 'to ni Sir!"
I really can't believe it. Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang malaman na hindi na sila tatanggalin sa trabaho.
"Klaresa, hinanda mo na ba 'yong ingredients–" pumasok si manang Tasing sa kusina at bakas ang gulat nito sa mukha nang makita ako.
"Naku manang, 'wag na po tayong magluto. May iniluto si ma'am para kay Sir! Mukhang masarap!"
Lumapit sa amin si manang Tasing at tinignan ang niluto ko, bahagya siyang nabigla sa nakita.
"Oh 'di ba manang?" Si Klaresa at kumuha ng lalagyan. "Mukhang luto na ma'am, hangoin na natin 'tong niluto mo para kay Sir at ihain sa mesa."
Sinunod ko ang sinabi ni Klaresa, nilatag namin ang niluto ko sa mahabang mesa at hinanda na rin nila ang dalawang pinggan at baso. Pagkatapos ay pumuwesto si Klaresa at manang sa gilid habang nakatayo, tila hinihintay ang pagdating ng amo nila.
Tumabi na rin ako sakanila at yumuko. Nabigla sila sa ginawa ko.
"A-ah, ma'am? Hindi po ba, dun kayo uupo sa may mesa?"
Nilingon ko si Klaresa. "Uh, dito na lang muna ako. Kinakabahan ako eh."
"Aahh, gano'n po ba? heheh," tila kinikilig niyang sinabi.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may narinig na akong mga yapak ng paa paparating sa dining area. Huminga ako ng malalim dahil bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
Mahina akong binangga ng siko ni Klaresa, nang mag-angat ako ng tingin sa mahabang hallway ay tumama ang paningin ko kay Rich na kalmadong naglalakad papasok sa dining area, diretso lamang ang paningin nito, sa likuran niya ay iyong lalaking nagngangalang Vernon, kung hindi ako nagkakakamali.
Hindi maalis ang paningin ko kay Rich. Nakasout siya ng white long sleeve button down shirt at isang brown pants. Tulala ako habang nakatingin sa kaniya hanggang sa pumasok siya sa dining area.
His eyes wandered around the room until our gazes met, muli akong kinabahan nang ilang segundo niya akong tinignan bago inalis ang paningin.
Umupo si Rich sa pinakadulo ng mesa at sumulyap sa pagkain. Ilang segundo niya iyong tinitigan. Meron pa namang ibang pagkain na nakahain sa mesa, pero 'yong niluto ko ang nakalagay sa pinggan ni Rich.
"Vernon," he called, staring at the food I cooked for him.
Lumapit sa kanya ang lalaking si Vernon.
"Who cooked this?"
BINABASA MO ANG
He Stoled Her
RomanceWill you still go back to the memories you both shared even though you were stolen away by another man from him?