Masaya akong nagtungo sakaniyang opisina. Hindi ko akalain na siya pa magfifirst move para maging kami, sino ba ko para tumanggi. Siya na nga lumalapit oh.
"Good afternoon, my soon to be wife." nakangiti kong sabi
"You're talking nonsense again, Miss Bravo." inis na sabi niya
"Bakit mo ba ko pinatawag dito, misis ko?" tanong ko
"Tsk. I'll just inform you na isa ka sa mga napili ng school na umattend ng seminar sa Cebu." saad niya
"Ako lang? wala akong kasama?" tanong ko
"Si Miss Matias ang isa pang napili sa engineering at may dalawa rin galing sa architecture. I am also one of the professors na sasama sa cebu." saad niya
"Inaya mo na lang sana akong magcebu, miss-ma'am hindi yung dinamay mo pa sila para lang makasama ako." nakangising sabi ko
"You're full of yourself talaga no? umalis ka na nga. I just informed you."
"Okay misis ko. Naglunch ka na ba? tara kain tayo." sabi ko
"Sorry I dont eat with my students."
"Sure ka ma'am ayaw mo ko kasabay?" mapang-asar na saad ko
"Yeah, just go out. You're annoying me." iritadong aniya
"Okay, maam. Have a nice day, misis ko." sabay kindat na sabi ko
Bago pa man ako lumabas ng room niya ay inigay ko sakaniya yung blueberry cheesecake na binake ko. Hindi ko alam kung gusto niya ba nito pero sana magustuhan niya.
"Miss-maam, para nga pala sayo. Masarap yan ako nagbake niyan." sabay abot ko ng blueberry cheesecake.
"No thanks, baka mamaya may gayuma pa yan." maarteng saad niya
"Hindi ko na kailangan pang gumamit ng gayuma maam, kaya kitang paibigin sa normal na paraan di na kailangan gumamit ng dahas." natatawang saad ko
Hindi ko na hinintay pang magsalita siya at lumabas na sa opisina niya. Nagtungo ako sa cafeteria para maglunch. Nakita ko sila Ian kasama pa ang mga kaibigan naming naging irreg students dahil sa isang prof.
"Tangina talaga ng panot na yun, parang ayaw magpagraduate ng estudyante. Kilala mo ba si Jade? yung scholar ng DOST? kahit ayun binagsak niya." galit na saad ni Jem
Marami talagang Professors sa engineering na ganito, parang allergic magpasa ng estudyante. Hindi ba sila nahihiya na ang daming bagsak sakanila? hindi ba ibig sabihin non hindi sila magaling magturo.
"Buti pa kami ni Ianah ang gaganda at ggwapo ng mga prof namin ngayon." sabi ni ian
"Ganiyan na ba mga prof kapag graduating na?" tanong ni Fel
"Siguro? speaking of magagandang professor." sabi ni ian
Biglang tumahimik ang paligid at tila bumagal ang oras dahil sa pagpasok ng babaeng hindi mawala-wala sa isip ko. kasama niya ang iba pang magagandang prof pero mas angat lang talaga ang ganda ng misis ko. Mas nagbigay atensyon sakin ang lunch box na hawak niya na naglalaman ng Blueberry cheesecake na ibinigay ko sakaniya kanina.
"Tangina, ang sarap pala maging graduating students para kang nasa langit." sabi ni fel
Bigla kaming nagkatinginan ng misis ko kaya naman nginitian ko ito kahit na alam kong pagtataray lang ang ibibigay sakin nito. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko na lang ang pag-irap nito sakin. Kapag ako nainis patitirikin ko mata niyan.

BINABASA MO ANG
Palagi, Always (Bravo Series 1)
RomanceIanah Khicel has always struggled with face blindness, a condition that keeps her from recognizing others by their features. It's a challenge that isolates her in a world where appearances matter, until she meets Professor Asteria Zee. Despite her i...