Chapter 9

15.4K 432 71
                                    

"Miss-ma'am?!"

Mabilis akong lumapit sa kinauupuan niya. Mukhang hindi pa ata siya umuuwi dahil ganoon parin ang suot niya bakas din ang lungkot sa mga mata niya kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

"Bakit ka po nandito, miss-ma'am? Gabi na po. Naghapunan na po ba kayo?" sunod-sunod na tanong ko. Umiling lamang ito at seryosong nakatingin sakin.

"Nak, halina kayo at kumain na tayo ng hapunan." Pagtawag ni mama samin.

Inaya ko si Zee na kumain, tumanggi pa nga ito nung una pero wala na rin siyang nagawa dahil isusumbong ko siya kay mama.

"Pasensya ka na iha isda lamang ang ulam namin, wala pa kaseng sweldo. Hayaan mo sa sweldo kakain tayo sa labas." Sabi ni mama habang nakatingin kay Zee.

"Its fine po, tita. Next time po I'll bring food." Sagot nito habang nahihiyang nakatingin kay mama.

Inasikaso ko naman si Zee, pinaghihimay ko siya ng isda at tinatanggalan ko na rin ng tinik. Hindi kase siya marunong magkamay kaya baka matinik siya lalo na nakakutsara't tinidor siyang kumakain.

"Kumusta naman ang OJT mo, nak? Magkasundo na ba kayo ng boss mo?" tanong ni mama. Nakwkwento ko kase sakaniya na ang sungit sakin ni Engr. Ashford.

"Ayos lang naman po ma. Natapos ko na rin po yung natitirang oras sa OJT ko. Yung boss ko naman wala paring nagbago ganun parin mabait lang siya kapag nagpapagawa ng Blueberry cheesecake katulad kanina hinatid niya pa ko dahil lang may makukuha siyang blueberry cheesecake." Natatawang saad ko. 

Sumama naman ang tingin ni Zee sakin na para bang nanghihingi ng explanation. Hindi niya magawang magtanong dahil nasa harap kami ni mama.

"Asteria, nakukuha mo pa ba ang mga pastries na ginagawa ni Ianah? Himala kase araw-araw na bumabalik yung mga Tupperware na ibinigay mo sakin." Nagtatakang tanong ni mama sakaniya.

"Actually tita hindi na po niya ko ginagawan ng pastries. She's giving it to someone else na po." Sagot nito. 

Masamang tumingin sakin si mama na para bang mapapalo niya ko mamaya.

"Hindi ako nagbibigay sa iba no, araw-araw akong nagpupunta sa office mo para ibigay sayo yung mga binake ko pero lagi rin akong nauunahan ng Boyfriend mo or let say 'FIANCE' mo." 

Diniin ko talaga yung word na fiance sakaniya.

"Sa tingin ko kailangan niyo ng mag-usap na dalawa. Ako na ang bahala magligpit ng pinagkainan natin." Sabi ni mama. 

Tapos na rin naman kaming kumain kaya nagtungo na kami sa sala.

Tahimik lang kaming nakaupo sa sofa, pinakikiramdaman ang isa't-isa. 

Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sakaniya kaya nanahimik na lang ako.

"Miss-ma'am, may sasabihin po ba kayo kaya kayo naririto?" pambabasag ko sa katahimikan. 

Medyo kinakabahan na rin ako kase alam ko na kung bakit siya naririto. Baka dahil pahihintuin niya na ko sa panliligaw sakaniya.

"A-are you t-tired of me?" tanong niya sakin habang namumula na ang kaniyang mata at nagbabadya na ang mga luha.

"Ano pong ibig sabihin ninyo?" tanong ko pabalik sakaniya.

"Are you gonna stop courting me? Do you like her, huh? Are you tired of me?" sunod-sunod na tanong niya sakin.

Nabigla naman ako, sinong gusto ko? Ang alam ko siya lang naman ang gusto ko. Pinunasan ko ang luhang tumulo galing sa magaganda niyang mga mata.

"I didn't stop courting you, miss-ma'am. Akala ko ayaw mo na sa mga pastries na ginagawa ko kase lagi ka naman dinadalhan nung lalaki tapos galing pa sa mamahaling bake shop. Ikaw lang naman ang gusto ko alam mo naman yan kaya hindi ko alam kung sinong her ang tinutukoy mo. At panghuli hindi ako mapapagod sayo sadyang nagfocus lang ako sa academic ko lalo na graduating na ako." Mahabang explanation ko sakaniya.

Dinamba naman niya ko ng mahigpit na yakap. Its been weeks simula nung manggulo yung lalaki kaya naman hindi ko na nagawang kulitin at puntahan pa si Zee.

Nakayakap lang siya sakin habang umiiyak hindi ko alam kung bakit pero mukhang nasaktan ko ata siya.

"I'm sorry if I made you confused, miss-ma'am. I like you hindi mahal kita, mahal na kita. Ikaw lang wala ng iba." Sincere kong sabi sakaniya

"I thought you're tired of me that's why your avoiding me." Sambit nito habang umiiyak

"Hindi na rin naman kase ako makalapit sayo, may iba na rin naman gumagawa ng mga ginagawa ko sayo kaya hindi na lang ako nakipagkompetensiya pa at pinaglaanan ko na lang ng pansin yung pag-aaral ko. Pasensya na." sabi ko habang hawak ang dalawang pisngi niya.

Nangkumalma na siya napagpasyahan niya ng umuwi kaya naman nagpaalam na ito kay mama.

 Nung una ayaw na siya pauwiin ni mama dahil gabi na pero wala na rin nagawa si mama dahil gagawa pa ng mga exam si Zee.

Inihatid ko siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.

"Mag-iingat ka, miss-ma'am." Sabi ko sakaniya.

Pinagbuksan ko siya ng pinto pero imbis na pumasok sa loob ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Stop courting me, Yanna." Bulong nito sakin

Namanhid ang buong katawan ko sa sinabi niya. Mukhang tama nga ang mga chismis na engaged na sila. Pero mas gusto ko kung sakaniya mismo manggaling.

"Bakit? Dahil ba kayo na nung asungot na yun?" tanong ko sakaniya habang pinipilit na hindi maiyak sa harap niya.

"He's not my boyfriend, he's just my bestfriend." Sagot nito sakin habang seryosong nakatingin sakin.

"Eh bakit pinatitigil mo na kong manligaw kung hindi mo naman pala siya boyfriend?" sunod na tanong ko sakaniya.

Kinakabahan ako sa isasagot niya pero atleast diba I tried. I did my best to show her that I love her.

"Just stop courting me..

Because I am now your girlfriend."

Nabigla ako sa sinabi niya, is it real? Is she my girlfriend na? Dali-dali ko siyang niyakap sa tuwa.

"Are you serious? Are you my girlfriend na for real?" naiiyak na tanong ko sakaniya.

"Yes, love. I am now yours." Sagot nito.

Did she call me love? Omayghad Im so happy right now!

I kiss her forehead multiple times because of the happiness I'm feeling right now.

"Love, stop it. I need to go home na I still have paperworks to do and you also need to study for your exam." Sabi niya

"Pasensya na misis ko, masaya lang. Message mo ko kapag nakauwi ka na ha? Drive safely." Paalala ko sakaniya. 

Sumakay na siya ng kotse at inistart na ito. Binaba niya ang bintana at tumingin sakin.

"Where's my good bye and good night kiss, love?" Malambing na sabi niya sakin.

Without hesitation I kissed her cheeks and forehead. Hindi pa ko ready ikiss siya sa lips lalo na kasasagot niya pa lang sakin and I respect her.

"You didn't kiss my lips, huh? You don't want my first kiss ba?" medyo inis na saad niya sakin.

"You already took my first kiss, miss-ma'am. Hinalikan mo ko nung birthday ko just so you know." Nakangisi kong sagot sakaniya sabay kinindatan siya.

Namula naman ang buong mukha niya siguro naalala niya na yung ginawa niya nung gabi na yon. 

Kaya naman nag-iwas na siya ng tingin sakin at muling nagpaalam sakin. Nanatili ako sa labas hanggang sa hindi ko na matanaw ang kotse niya.


I cannot believe na she's now my girlfriend. 

Palagi, Always (Bravo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon