Masaya naming ibinahagi ni Zee sa pamilya namin ang pagbubuntis niya. Nagvideo pa nga ako ng magiging reaction nila dahil kagabi ay vinideo rin pala ni Zee ang magiging reaction ko.
Katulad ng sinabi niya hindi siya nagbagong taon samin ng ipaalam niya iyon sa pamilya ko ay ayaw nilang pumayag dahil ayaw nilang malayo si Zee sakanila akala nila sila yung nobya.
Mabilis na lumipas ang araw at nag-aasikaso na lang ako ng mga final requirements para sa graduation. Nagpatuloy din naman ako sa pagttrabaho sa company pero ngayon ay nakakasama na ulit ako sa site hindi tulad dati.
Tungkol naman sa unang humawak ng project, napatunayan na ang mga ginagawa niya kaya naman tinanggalan na rin siya ng lisensya.
Noong malaman ni Zee na nakakapagsite visit na ko ay gusto niya na kong magresign dahil natatakot siya na baka mangyare ulit ang insidente kaya naman ipinaliwanag ko sakaniya na hindi na iyon mangyayare.
Hindi na rin ito umuuwi sa condo niya dahil hindi pumapayag si mama at syempre pati ako. Kung alaga siya rito dati mas alaga siya ngayon.
Medyo moody nga lang siya at lumalala yung cravings niya pero hindi naman sobrang weird hindi naman niya ko pinahihirapan.
From: Misis Ko <3
Love, I want McDo chicken nuggets with Chocolate Sundae.
To: Misis Ko <3
Okay, love. Bilhan kita bago ako umuwi. Iloveyou.
Simula rin ng nagbuntis siya ay inoorasan niya ang pag-uwi ko. Kapag alas singko lang ang uwian ko kailangan bago mag alas sais ay nasa bahay na ko kase kapag hindi ayaw ko ng malaman pa kung ano ang mangyayare.
Hindi na rin ako pinag-oovertime ng boss ko siya na mismo nagpapaalis sakin ng maaga. Dumaan muna ako ng McDo para bilhin ang gusto ni Zee bago umuwi.
Pababa palang ako ng tricycle ay kita ko na agad ang pigura ni Zee na nakatayo sa pintuan na naghihintay sakin. Kaya naman dali-dali ko itong niyakap at hinalikan.
"Where's my food, love?" seryosong saad niya.
"Wala man lang ba akong kiss muna? Or I miss you man lang?" sabay abot ko ng mcdo niya.
"Yey, Iloveyou, love." Sagot nito.
Hinalikan ko ang noo niya at ang tiyan niya bago kami pumasok ng bahay.
Ganito ang set-up namin ni Zee palagi. Mas nauuna na siyang umuwi kesa sakin kaya naman bawat uwi ko lagi siyang naka-abang sa labas para salubungin ako.
Nalaman ko rin na binawasan ng university ang workload kay Zee hindi ko alam bakit pero wala namang nakakaalam na buntis siya bukod sa pamilya ko at ang boss ko.
"Love, can you sing me a song?" paglalambing ni Zee habang nakahiga na kami sa kama.
"Anong kanta ba mahal?" tanong ko.
"Anything as long as its OPM." Saad niya.
Iniabot ko ang gitara ko na nakasabit sa dingding at inumpisahan ng tumugtog.
"Hindi man araw-araw na nakangiti
Ilang beses na rin tayong humihindi
'Di na mabilang ang ating mga tampuhan
Away-bati natin, 'di na namamalayan
Eto tayo
Ngunit sa huli, palagi
BINABASA MO ANG
Palagi, Always (Bravo Series 1)
RomansaIanah Khicel has always struggled with face blindness, a condition that keeps her from recognizing others by their features. It's a challenge that isolates her in a world where appearances matter, until she meets Professor Asteria Zee. Despite her i...